prologue

56 8 2
                                    

Papunta ako ngayon kung Saan ang taong pinaka mamahal ko.

Dati hindi ko kayang humakbang papunta dito, pero ngayon kaya ko na.

Pero may kirot parin talaga.
Nakaka lungkot lang na sa ganitong sitwasyon kami nag hiwalay, kung Saan alam mo na hinding hindi na kayo mag kikita pa.

Habang ako ay nag lalakad inaalala ko lahat kung paano kami nagka kilala, kung paano ko sya nagustuhan at minahal ng higit pa sa buhay ko.
Nakaka tuwang isipin lahat-lahat ng nangyari sa amin noon

Pero hindi parin mawawala yung araw na nawala sya sa buhay ko
At hindi na sya babalik pa.

Naka tayo ako sa harapan nya mismo kung Saan sya naroon.

Hi babe,Mahal naka ngiti kong bati sa kanya, miss na miss na kita,
Miss ko na lahat sa atin, miss kona yung mahigpit mong yakap. Naka ngiti kong pinag masdan ang larawan nya sa harap ko, may dala akong flowers yung paborito mo. Paborito nya kaseng bulaklak yung everlasting flower. Akala ko nga talaga bakla sya eh haha. Yun pala mahilig lang talaga sya sa bulaklak.

ilang taon narin pala noh mula nung nagka hiwalay Tayo kung Saan nasa malayo kana, napa Tayo ko na yung pinangarap nating bahay.
Diba Sabi kapag nakapag tapos Tayo ng pag aaral mag papakasal Tayo, pag kukwento ko pa sa kanya.
Tapos bubuo Tayo ng isang masayang pamilya.

Pero hinding hindi na matutupad lahat ng yon kase nasa malayo kana at hindi na babalik pa. Alam kong masaya kana dyan sa bago mong tirahan. Ngumiti ako sa taas. Yung ngiting may pait.

Happy anniversary Mahal ko
Humangin ng malakas na para bang niyayakap nito at hinahaplos ang mga pisngi ko. I love you carlos miguel

Pano cm mauuna na ako ha, baka hinihintay na ako ng mga kaibigan natin. Pag papaalam ko sa kanya.

Muli ko pa syang tinignan, at tumalikod na paalis.


Hanggang sa susunod na habang buhay Mahal ko.

Last Moment ( ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon