chapter 20

3 0 0
                                    

Kathreen's   POV

Kathreen and carlos, kayo ang kakanta sa acquaintance party sa friday. Si mrs santos. Tumango nalang kami ni cm, ayoko talaga sa mga ganitong bagay eh pero kasama ko Naman na si cm kaya ok narin sa akin. Panatag ako kapag kasama ko si cm.

Umalis na kami sa office ni Mrs santos.

Ayos ka lang kath? Tanong sa akin ni cm. Lumingon Naman ako agad sa kanya, at tumango at ngumiti. Sa totoo lang hindi talaga ako ok nahihirapan nanaman akong huminga. Sure ka para kasing hinihingal ka, at namumutla ka, kumain ka ba?

O-Ok lang ako, tara bilisan na natin baka hinihintay narin Tayo nila. Sabi ko kay cm at agad ko Naman hinili sya para mabilis na rin ang lakad namin, hindi ko nalang pinansin ang nararamdaman ko, para hindi na mag tanong si cm.

Maya maya pa nakarating na rin kami sa gate.

Ang tagal nyo Naman dalawa nagugutom na kaya ako. Angal ni trisha. Tsk lagi naman syang gutom.

Patay guts ka talaga trish. Pang aasar pa ni lance.

Pake alam mo supot! Pang Asar din ni Trisha kay, lance at ayon nanaman sila nag hahabulan sa gilid ng kalsada.

Hoy kayong dalawa gusto nyo na ba mamatay, wag muna hindi pa ako nabuburol. Bigla Naman silang natigilan sa pag takbo, at tumingin silang lahat sa akin ng nagtataka. Bigla ko Naman naitikom ang bibig ko.

Hindi magandang biro yan kath. Pag sasalita ni trisha. Mukang seryosong seryo sya. Tinignan ko Naman si charlotte at nag iwas nalang sya ng tingin.

S-sorry. Napapahiyang sambit ko.
Lumapit Naman silang lahat sa akin.

Walang iwanan to habang buhay. Sabi ni nica.

Ang sino mang mauuna mamatay panget. Si lance. Tumingin Naman agad kami sa kanya ng masama.

Panira ka ng moment lance kahit Kaylan. Si trisha.

nag lahad ng kamay si nica at tumingin Naman kaming lahat sa kamay nya. ipinatong naman ni allen ang kamay nya kay nica, sunod si charlotte, ang sumunod si lance, si trisha at ako. 1,2,3- biglang nahinto sa pag sasalita si allen.

T-teka! Sigaw ko. Tumingin Naman silang lahat sa akin. Hindi ka ba sasali sa amin cm? Tanong ko.

Yeiii... Sabi nila trisha at allen.
Halika na pare sumama kana sa amin. Pag aya pa ni allen. Agad Naman. Nyang idinikit ang palad nya sa likod ng kamay ko, para nanaman akong nakukuryente.

Ayos! 1,2,3 Walang iwanan! Sigaw nilang lahat, bukod sa akin. Naka ngiti ko nalang silang pinag masdan habang nag tatawanan.

Tara Kain na Tayo. Si trisha. Agad Naman kaming sumunod sa kanya
Siomai nalang Tayo, libre daw ni nica.

Kumain nalang kami ng siomai, masaya kaming kumain ng sama sama.

Hindi ko alam kung makaka sama ko pa kayo ng matagal, walang kasiguraduhan na maooperahan talaga ako, ni wala pa nga kaming nahahanap ng heart donor ko.

Ngumiti ako ng mapait habang pinag mamasdan ang mga kaibigan ko.

Ayos ka lang? Tanong sa akin ni charlotte. Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya. Kamusta naka hanap na ba kayo ng donor? Umiling ako sa kanya. Huminga muna sya ng malalim bago ulit nag salita.
Makaka hanap rin kayo, at gagaling ka din. Sabi nya na may ngiti sa labi. Gumanti nalang ako ng ngiti sa kanya.

Natapos na kaming kumain ng siomai at nag pagpasyahan ng umuwi, kami Naman ni cm pag papracrtice.

Nandito kami ngayon sa bahay nila cm.

Dito nalang namin naisipan na mag practice may mga instrument kase si cm kaya dito nalang kami mag papracrtice.

Gusto mo kumain muna? Tanong nya sa akin.

Hindi na busog pa Naman ako. Sabi ko, ngumiti nalang sya at tumango.

Tara simulan na natin mag practice. Umakyat kami ni cm papunta sa music room nya. Taray may music room yarn.

Wow, ang ganda Naman dito Sabi ko kay cm. hilig mo talaga ang tumugtog noh tapos magaling kapa kumanta. Naka ngiti kong sabi kay cm.

Matagal ko ng hindi na gagamit to, simula nung namatay si lola ko, hindi na muli akong tumugtog pa. Sabi nya na mapait na ngumiti. Nakikita ko ang lungkot sa mata ni cm.

Lola's boy ka pala talaga. Sabi ko, ngumiti nalang sya.

Sya ang nag palaki sa akin, sila mom and dad busy sila lagi sa mga negosyo, sa tuwing aalis sila lagi nila akong iniiwan kay lola, kaya mas naging close ako kay lola. Naka ngiti nyang Sabi, pero hindi nya parin maitago ang lungkot sa mata nya.
Agad ko Naman syang niyakap, alam kong nagulat sya sa ginawa ko pero hindi ko nalang pinansin.

Sabi nila yakapin mo raw ang makikita mong nalulungkot, hindi mo man maaalis ang lungkot sakanila, atleast dahil sa yakap mapapagaan mo ang nararamdaman nila, marerealize nila na hindi sila nag iisa. Hindi ko alam kung Saan ko nakukuha ang mga pinag sasabi ko ngayon kay cm.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay cm. Medyo nagka ilangan pa kaming dalawa.

T-tara na mag practice na Tayo. Nauutal na sabi nya.

Ano pala ang kakantahin natin. Tanong nya. Nag isip muna ako bago mag salita.

Aha! Alam ko na.naka ngiting Sabi ko kay cm, napa ngiti Naman sya.

Make it with you. Sumang ayon nalang si cm sa kakantahin namin, ang Sabi Naman nya sa akin maganda Naman daw ang napili kong song kaya hindi na daw sya kokontra.

Nag simula na kami mag practice. Habang kumakanta si cm naka tingin lang ako sa kanya. Naka pikit Naman sya kaya hindi nya makikita na nakatingin lang ako sa kanya habang kumakanta sya. Damang dama nya kase talaga yung kanta kaya napapapikit sya.

Ang sarap mong pag masdan habang kumakanta ka, hindi nakaka sawang pakinggan ang maganda mong boses.

Nagulat ako ng biglang tumingin sa akin si cm at naka ngiti pa.

Juicecolored mapapa dali pa ata ang buhay ko neto dahil sa titig ni cm tapos may kasama pang matamis na ngiti.

Kumabog ang dibdib ko na halos sasabog na. A-ano itong nararamdaman ko kay cm, h-hindi pwede CAN NOT kathreen.

Natapos narin kaming mag practice ni cm at hinatid nya na rin ako sa bahay.
Nag paalam na ako kila mama at papa na matutulog na medyo napagod din kase ako ngayong araw, ayos narin ang pakiramdam ko. Maya maya pa nakatulog na ako sa kama.

Last Moment ( ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon