Kathreen's POV
bukas na pala ang acquaintance party, hay sayang Naman kung hindi ako makaka punta na sabi ko sa sarili ko.
Anak napalingon ako sa pintuan ng tawagin ako ni mama mukang masaya sya ngayon. Good news anak
Ano po yun? Masayang Sabi ko
May heart donor kana anak naiiyak na sabi pa ni mama, bigla nalang akong naluha dahil sa magandang balita ni mama. Sa next week anak pupunta na tayong america.
T-talaga po. Naiiyak na sabi ko, hindi parin ako makapaniwala na may heart donor na ako, niyakap ko si mama. Thank you ma. Muli kong sambit.
Maya maya pa pumasok narin si papa sa kwarto ko dito sa hospital. Niyakap din ako ni papa, sobrang sarap lang sa pakiramdam na may the best kang mama at papa sa buhay mo. Na nandyan para sayo. Thank you pa. Naiiyak kong sambit.
Shh, sabi ko Naman sayo may awa ang Diyos anak hindi ka nya papabayaan. Sabi ni papa na ikinabuhos lalo ng luha sa mga mata ko.
Kumalas narin ako sa pagkakayakap kay papa. Ma,Pa pwede na po ba akong umuwi sa bahay. Tumingin muna sila sa isat isa bago tumango. Lumawak Naman ang ngiti sa labi ko. T-talaga po Yes! Makaka attend na ako ng acquaintance party masayang Sabi ko. Naka ngiti nila akong pinag masdan.
O sya kakausapin ko muna ang doctor bago Tayo umuwi ng bahay. Naka ngiting Sabi pa ni papa.
Cm's POV
I'm fine here mom don't worry, and besides sanay Naman na akong laging mag isa. Sarkastiko kong sabi.
Son I'm sorry marami lang kaming inaasikaso ng dady mo dito, don't worry carl uuwi kami sa birthday mo ok. Si momy. Napa buntong hininga nalamang ako. Hindi ko na aasahan yan ilang birthdays ko na rin na wala sila sa tabi ko, ang lagi ko lang kasama si allen at si lance.
Ok. Walang ganang sabi ko at binaba ko na ang linya. Bumalik ako ulit sa pagkaka higa. iniisip kong dumalaw ako kay kathreen, kung pwede nga lang araw araw akong nasa tabi nya gagawin ko, pero ayaw Naman nya dahil hindi ko Naman daw sya responsibilidad.
Tumayo ako at mabilis na pumunta sa cr para maligo, nakapag desisyon na akong pupunta ako kay kathreen.
Natapos na akong maligo at mag bihis. Kinuha ko na ang Susi ng motor ko, ayoko munang gamitin ang kotse ko. Saka na kapag kasama kona ulit si Kathreen.
Habang nag mamaneho ako bigla kong naisip na ano kaya kung dalhan ko sya teddy bear at flowers. Naka ngiti ako habang iniisip ang mga plano sa isip ko. Lumiko ako sa may mall at nag park muna ako. Nag lakad na ako papasok sa mall.
Nakita ko Naman agad ang gusto kong bilhin para kay kathreen, nakita ko ang isang cute na teddy bear sakto lang ang laki nya kulay blue sya na may nakalagay na letter K. Kinuha ko na ito, hindi ko na lang pinansin ang mga nag bubulungan sa paligid ko.
Ang cute Naman ni kuya. Sabi ng isang babae.
Ang sweet Naman Sana ganyan din ang magiging boyfriend ko soon. Sabi pa ng isang babae sa gilid ko. Napa ngiti nalang ako. Binayaran kona ito at staka umalis na.
Dumaan muna ako sa flower shop namin at agad na pumasok doon. Kumuha ako ng red Rose's,naka ngiti ko itong pinag masdan. Hindi ko na binayaran ito sa amin Naman to.
Maya maya pa nakarating na rin ako sa hospital, iniwan ko muna ang motor ko sa may parking lot at bumaba na ako. Habang nag lalakad ako hindi mawala ang ngiti sa labi ko, hindi ko alam kung bakit pero sobrang saya ko kapag pupuntahan ko si Kathreen, palagi akong excited kapag nakikita ko sya. Nangingibabaw yung sayang nararamdaman ko kapag kasama ko sya.
Nakarating na rin ako sa kwarto ni kathreen. Bumuntong hininga muna ako bago kumatok. Pinag buksan Naman ako agad ni tita. Oh cm ikaw pala pasok ka. Naka ngiti akong pumasok na may halong kaba akong nararamdaman, ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Teka gigisingin ko lang si Kathreen. Agad ko Naman pinigilan si tita para wag na munang gisingin si Kathreen.
Hihintayin ko nalang po muna syang magising. Naka ngiti kong sambit kay tita.
Ikaw ba ay nanliligaw na kay kathreen ha cm. Biglang sabi ni tita. Agad Naman akong umiling.
H-hindi ko ho nililigawan ang anak nyo, ang totoo po nyan ayaw nya po magpa ligaw. Napakamot tuloy ako sa batok ko.
Ganon ba sayang Naman. Nagulat Naman ako dahil sa sinabi nyang sayang Naman. Anong ibig sabihin nya. Tatanungin Kita may gusto ka ba kay kathreen? Tanong sa akin ni tita, hindi agad ako naka sagot. Sige tutulungan kitang manligaw sa anak ko. Naka ngiting Sabi ni tita. Napa nganga nalang ako sa harapan nya.
T-talaga po tita hindi parin makapaniwalang Sabi ko. Tumango Naman agad sya.
Anong pinag uusapan nyo mama. Nagising si Kathreen. At tumingin sya sa mga dala ko. A-ano yan ma para kanino yung teddy bear staka flowers. Walang ideyang tanong ni kathreen.
Ask cm your friend iha. Naka ngiting Sabi ni tita. Hindi ako agad nakapag salita nanigas narin sa kinatatayuan ko. Naka titig lang ako kay kathreen.
Hoy cm bakit ganyan ang itsura mo para kang naka Kita ng multo. Natatawang Sabi ni kathreen. Natauhan Naman ako dahil siniko ako ni tita.
A-ano k-kase para sayo yan lahat. Nahihiyang sabi ko.
Wow para sa'kin talaga. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Para Saan Naman to eh hindi ko Naman birthday. Nag tatakang tanong ni kathreen.
Ah maiwan ko muna kayo pupunta muna ako sa papa mo kathreen. Paalam ni tita tinapik muna nya ako sa balikat. Kaya mo yan. Bulong sa akin ni tita bago umalis. Kumunot Naman ang noo ni kathreen.
Anong binulong sayo ni mama. Tanong sa akin Kathreen.
W-wala yon hehe. Sabi ko.
Bakit parang nauutal ka ngayon. Tanong nya. So kaylan mo pa ako nililigawan ha cm. Nanlaki ang dalawa kong mata sa sinabi nya paano nya nalaman eh ngayon palang ako mag sisimula manligaw sa kanya.

BINABASA MO ANG
Last Moment ( ON-GOING)
Teen Fictionkathreen has heart disease as a child she already feels that kind of pain, no heart donor can be found so until she grows up she still carries her pain.