chapter 8

4 1 0
                                    

Paano mo nagawa sa amin to ha!
Nagising ako sa sigaw ni mama.
Kung kaylan tumanda na Tayo staka kapa nag loko ha! Bumaba ako at pumunta sa kusina kung saan nag mumula ang boses ni mama.

Ma, pa. Ano pong nangyayari, bakit po kayo nag sisigawan? Nagulat pa sila ng makita nila ako.

Kase anak. Hindi matuloy tuloy ni papa yung sasabihin nya, halatang kinakabahan sya.

May anak sa ibang babae ang papa mo kathreen. Para akong binambo dahil sa sinabi ni mama. Tama ba yung narinig ko, may anak si papa sa ibang babae k-kaylan pa? Tumingin ako kay papa na ngayon naka Yuko at umiiyak.

Totoo po ba yun papa? Hindi sya naka sagot, nangilid agad ang mga luha sa mga mata ko, kaylan pa?
Kaylan mo pa kami niloloko ni mama, kaya ka ba hindi na umuuwi sa bahay minsan kase may pamilya kapa palang iba bukod sa amin ha! Pa. Galit na sigaw ko kay papa. Bastos na kung bastos ako kung sisigawan ko si papa wala na akong pakialam pa.

Anak I'm sorry patawarin mo ako, patawarin nyo ako ng mama mo. Lumapit sya sa amin at lumuhod, tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha ko sa mga mata ko

Hindi ko alam kung mapapa Tawad pa Kita rafael, sa ginawa mong yan hindi ko pa alam kung kaya pa kitang makita. Si mama umiiyak na Sabi nya.

Tumingin pa muna ako kay papa at tumalikod sa kanya, naiwan na si papa mag isa.

Pinuntahan ko si mama sa kwarto nila ni papa, ma. Lumapit ako kay mama at niyakap sya, ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni mama

Kathreen anak kahit anong mangyari, wag kang magagalit sa papa mo, kahit pa anong nagawa nya papa mo pa rin sya. Hindi ko alam kung paano pa nasasabi sa akin ni mama na wag magalit kay papa, tumango nalang ako at hinalikan naman ako sa noo ni mama bumalik kana sa kwarto mo mag pahinga kana maaga ka pa bukas.

Wag na kayo iiyak mama, magiging ayos din po ang lahat ngumiti sa akin si mama. At bumalik na ako sa kwarto ko.

Bakit kaylangan pa mangyari sa amin to.


KINABUKASAN maaga akong nagising dahil may pasok na. Tahimik ang bahay namin, hindi ko nakita si papa sa bahay baka nasa isang pamilya nya pa! Nakita ko si mama nag luluto ng agahan namin, lumapit ako sa kanya at niyakap sya sa likod. Ma wag kayong mag hihiwalay ni papa ha, hindi ko po kayang maging watak watak Tayo ma. Pinigilan ko Naman ang mga nag babadyang mga luha sa mga mata ko. Kumalas na ako sa pagkaka yakap ko kay mama at hinarap nya Naman ako.

Ngumiti muna sa akin si mama bago mag salita kathreen anak pumasok Kana baka malate ka pa sa klase mo, mag hahanda narin ako. Umalis na si mama at iniwan ako sa kusina namin. Hindi ako sigurado kung maayos pa nga talaga kami sa kabila ng ginawa ni papa sa amin ni mama.

Hindi na ako nag paalam pa kay mama at deresto na akong sumakay ng jeep papunta sa school na pinapasukan ko.

Wala sa sarili akong nag lakad patungo sa room ko. Tinatawag ako ni nica pero hindi ko sya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa narating ko na yung upuan ko. Tumingin pa saakin si cm hindi ko rin sya pinansin pa.

Dumating na rin si mrs santos at nag simula na syang mag turo.

Naka tulala lang ako sa kawalan at iniisip kung maaayos pa ba ang pamilya namin. Na ngilid agad ang mga luha ko.

Nakita ko Naman ang panyo sa harapan ko. Nakita ko Naman si cm agad na nakatingin sa akin. Tinanggap ko Naman yung binigay nyang panyo.

Wag kang umiyak nag mumuka kang monster bulong nya sa akin. Pinandilatan ko Naman sya ng maya

Nag mamagandang loob ka ba sa'kin o nang aasar lang ha! Inis na Sabi ko sa kanya. Umiwas lang sya ng tingin at nakinig nalang ulit sya sa harapan. Pang 3rd subject na pala namin to pero wala akong naintindihan walang pumapasok sa isip ko.

Hanggang sa natapos na silang mag turo, at nag breaktime na.

Kath breaktime na hindi ka ba kakain? Si nica. Bakas sa muka nya ang pag aalala

Busog pa ako, kayo nalang Nina ngumiti ako ng pilit kay nica, ang totoo hindi ako kumain kanina wala lang talaga akong gana.

do you have a problem kath, tell me i will listen to you si nica.
Nasa likod nya na pala sila charlotte, trisha,lance at allen. At bakas din sa mga muka nila ang pag aalala.

Oo nga kath do you have a problem? Pag uulit nya sa tanong ni nica

Tsk inulit mo lang yung sinabi ni nica. Si charlotte

Bakit ba memasabi lang ako. Si trisha.

Wala,ayos lang ako sige na kumain na kayo baka nagugutom na mga alaga nyo sa tiyan nyo. Tinignan Naman nila ako ng hindi naniniwalang tingin

Hindi kami naniniwala si lance dito nalang din kami, hindi rin kakain.
Gulat Naman kaming tumingin kay lance nababaliw na ba sya.

Oo nga tama si lance kung dika kakain hindi narin kami kakain si charlotte at sumang ayon Naman silang lahat.

Baliw ba kayo, kumain kayo hindi ko Naman hawak buhay nyo. Masungit na Sabi ko.
Hindi sila nakinig sa akin sa halip ang ginawa nila kinuha nila yung upuan at tumabi sila sa akin.
Hoy kayo ano bang ginagawa nyo para kayong mga tanga.

Tanga ka rin Naman kath. Si allen sinamaan ko Naman sya ng tingin.

Hindi ko na sila napigilan sa ginagawa nila, tinotoo nga nila yung sinabi nila hindi rin sila kumain.

Maya maya pa inanounce ng isa kong classmate na hindi daw mag tuturo si mrs agilar may meeting daw kase sila.

Tara punta Tayo manggahan doon nalang Tayo tumambay. Si lance.
Sumang ayon Naman silang lahat bukod sa akin, tumingin naman silang lahat sa akin, umiling Naman ako agad, wala ako sa mood mag cutting ngayon.

Sumama kana kath boring kaya dito. Si trisha

Ayoko kayo nalang tinatamad ako.
Tumayo si cm hindi ko namalayan katabi ko na pala sya. Nagulat ako sa ginawa nya kinuha nya yung bag ko at tinignan pa ako oh bakit?

Sumama na Tayo na boboring din ako eh walang ganang sagot nya sabay hikab.

T-talaga cm sasama ka samin?hindi makapaniwalang Sabi ni allen. Hinipo hipo pa ni allen ang noo ni cm Wala ka namang sakit cm ah.tinapik Naman agad ni cm yung kamay ni allen sa noo nya.

Puro kayo kaabnoyan
Tara na habang may mga meeting pa yung mga teacher. Si charlotte

Hoyy kayo sigaw ni lance sa mga classmates namin walang mag susumbong na nag cutting kami kundi lagot kayo kay charlotte tumango naman lahat ang kaklase namin. Grabe ganyan sya ka boss sa room.

Wala na akong nagawa kundi sumama nalang din sa kanila.

Wala kaming choice kundi umakyat sa bakod ng school na to. May nag babantay kase sa kabila kay dito kami sa likod dumaan.

_________________________________
_____________________________
_________________________________


Hi guys beke nemen pa vote naman mwhehe😊





Last Moment ( ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon