ilang araw na rin akong hindi nakaka pasok mula ng atakihin ako ulit ng sakit ko. Araw araw Naman nandito si cm, hindi ko nga alam kung bakit nya ginagawa yung pag babantay sa akin eh sinasayang nya lang ang oras nya sa akin.Ma, gusto ko ng umuwi ayoko na dito. Mas gusto ko pang pumasok sa school. Nag mamaktol na sabi ko kay mama. Naiinip na talaga kase ako dito wala akong ginawa kundi matulog lang at kapag gigising na ako kakain lang, hindi Naman ako gagaling sa pahiga higa ko dito.
Kathreen hindi pa pwede Sabi ng doctor, bawal sayo ang mapagod. Pag papaliwanag pa ni mama.
Ma, hindi na ako gagaling at tanggap kona yon. Napa takip si mama sa muka at nanginginig ang balikat nya mukang umiiyak nanaman si mama hay yang bibig mo kase kathreen masyadong maingay bubusalan ko na talaga y
M-ma S-sorry po gusto ko lang Naman p- hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla akong yakapin ni mama. Biglang nag init ang gilid ng mata ko.Baby ko gagaling ka, makaka hanap din Tayo ng donor mo wag mong isiping wala ng pag asa. Nandito si mama ata papa para gawan ng paraan yang sakit mo, Mahal na Mahal ka namin. Naiiyak na sabi ni mama, hindi ko narin napigilan ang sarili kong hindi umiyak. Alam kong bawal sa akin ang maging emosyonal dahil baka maka sama sa puso ko.
I love you mama. Umiiyak na Sabi ko. Kumalas na ako sa pag kakayakap kay mama.
Basta wag mong iisipin na hindi kana gagaling, nandito lang kami ng papa mo para sayo anak. Sabi ni mama na habang inaayos ang aking buhok.
Maya maya pa may narinig kaming katok mula sa pintuan. Tumayo Naman agad si mama para buksan ang pintuan.
Good evening po tita. Napa ngiti ako dahil sa narinig kong boses ni cm, alam kong sya yan.
O sya iho pasok ka, tamang tama sabayan mo na kumain si Kathreen ayaw nya pa Kasing kumain. Pag sasalita pa ni mama. Pinag kunutan Naman ako ng noo ni cm, nagkibit balikat lang ako.
Bakit hindi ka pa kumakain paano ka makaka balik sa school kung ayaw mong kumain. Sermon nya pa sa akin.
Paano hihintayin kana lang daw nya at sabay na daw kayong kakain. Naka ngising sabi ni mama, tinignan naman ako ni mama na may pang Asar na tingin. Pinanlakihan ko nalang ng mata si mama.
Hindi daw sya kakain hanggat wala kapag daw naka ngising sabi pa ni mama.Ma! Alam mo gutom lang yan tara na kumain na lang Tayo. Tumawa Naman si mama. Si cm Naman iiling iling nalang. Galit nanaman si dady.
Maiwan ko muna kayong dalawa kakausapin ko lang ang doctor mo.
Si mama. Tumango nalang ako sa kanya bilang Tugon.Hinahanap ka nila nica at trisha pati narin yung dalawang itlog.
Napatigil ako sa pagkain ko. oo nga pala hindi parin pala nila alam ang sakit ko si charlotte lang ang nakaka alam. Si charlotte daw bukas pupunta sya dito. Bigla akong na excite kaya kumabog nanaman ang dibdib ko at sumisikip ang dibdib ko.
Hindi ko nalang pina halata kay cm na nahihirapan nanaman akong huminga baka mag aalala nanaman sya.T-talaga pupunta si charlotte. Tumango lang si cm at ngumiti sa akin. Miss na miss kona kasama yung mga yon. Naka nguso kong sabi.
Ako hindi mo ba ako namimiss? napatingin ako kay cm. Syempre araw araw kitang miss cm kung pwede nga lang wag kana umalis sa tabi ko eh. Kaso hindi Naman pwede hindi mo Naman obligasyon na bantayan ako palagi. Sabi ko sa sarili ko, pilit nalang akong ngumiti sa kanya.
Syempre hindi eh halos araw araw kase kitang kasama dito noh. Natatawang Sabi ko.
Ang daya mo naman ikaw nga oras oras na mimiss ko kahit magka sama Tayo ngayon na mimiss parin Kita. Parang bata nyang sabi, hindi ko alam kung seryoso sya sa sinasabi nya pero naipektuhan ako. Parehas lang pala kami ng nararamdaman.
Oh apple para sayo, baka kulang ka lang sa nutrition pang Asar ko nalang sa kanya.
Ayoko nyan. Pag tanggi nya.
Sus ang arte mo Naman bakit gwapo ka ba ha. Kunwaring pag tataray ko pa. Sige ano gusto mo dito Sabi ko sa kanya habang namimili ako sa prutas na dala ni mama kahapon.
Hindi parin nag sasalita si cm.
Hoy tukmol ano gusto mo? Naka tingin na ako ngayon sa kanyaIkaw seryosong sabi nya.
Ogag ka ba eh Wala Naman ako dito sa mga prutas na sinasabi ko iling iling na Sabi ko. Tinawanan nya Naman ako.
Ikaw kung ano ang gusto mong ipakain sa akin, assuming ka nanaman dyan. Natatawang Sabi nya. Inirapan ko nalang sya.
Maya maya pa naka balik narin si mama, at nag paalam na rin si cm na uuwi na bukas wala Naman daw syang pasok kaya mag hapon syang nandito kasama nya si charlotte.
Natulog narin ako, wala na rin Naman akong gagawin at wala na rin si cm edi matutulog nalang ako.____________________________________
_____________________________

BINABASA MO ANG
Last Moment ( ON-GOING)
Ficção Adolescentekathreen has heart disease as a child she already feels that kind of pain, no heart donor can be found so until she grows up she still carries her pain.