Cm's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ni kathreen, kasama ko ang mama at papa nya.
Hindi parin ako mapakali hanggang ngayon litong lito parin ako, ano ba talaga ang sakit ni kathreen.
Cm right? Napalingon ako sa mama ni kathreen.
Ako nga po mabilis na Tugon ko.
Ako nga pala si kathrina ang mama ni kathreen. Naka ngiti nyang sabi.
Pwede bang humingi ako ng pabor sa iyo cm? Pag tatanong nya pa. Tumango Naman agad ako.
Maaari mo bang palakasin ang loob ni kathreen, alam kong nawawalan na sya ng pag asa naiiyak na sabi nya. Naguguluhan pa rin ako sa sinasabi nya.A-ano po ba ang sakit ni kathreen? Tanong ko sa mama ni kathreen. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay na naka patong sa magka bilang tuhod ko.
May heart disease si Kathreen. Napapalunok akong tumitig kay tita kathrina. Bata pa lang mahina na ang puso ni kathreen, hindi sya pwedeng operahan noon dahil narin sa kahinaan ng katawan nya at dahil bata pa sya noon. Pag papaliwanag nya pa. At ngayon naman wala kaming mahanap ng heart donor nya kung kaylan Naman pwedeng pwede na syang operahan sa ibang bansa. Hindi na mapigilan umiyak ni tita kathrina.
Maya maya pa bumukas ang pinto at bumungad sa amin kaninang doctor na umasikaso kanina kay kathreen.
Agad Naman tumayo si tita at tito para kausapin ang doctor. Lumapit na rin ako para malaman kung ano na ang nangyari kay kathreen.Doc ano na po ang lagay ng anak namin. Pag tatanong ni tito rafael sa doctor. Hindi agad naka sagot ang doctor, at napabuntong hininga nalamang sya
Sinabi kona sa inyo ito Kaylangan ng maoperahan ang anak nyo, kung patatagalin nyo pa ito. Huminto saglit sa pag sasalita ang doctor mukang hindi nya kayang ituloy ang sasabihin nya. Maaaring humina na ng tuluyan ang anak nyo. Nayakap si tita kathrina kay tito rafael. Umalis na rin ang doctor.
Shh magiging maayos din ang lahat, gagaling ang anak natin. Pag papalakas ni tito sa loob ng asawa nya.
Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman yung lungkot sa dibdib ko. Kahit konting panahon lang na naging close kami ni kathreen, inaamin kong una palang talaga gusto ko na sya, at hindi ko itatanggi yon.
Nag paalam sila tito na uuwi muna saglit dahil may aasikasuhin daw sila, kaya ako muna ang mag babantay kay kathreen ngayon. Hindi na ako pumasok sa buong araw.
Hinila ko ang isang upuan sa tabi ng kama ni Kathreen at staka ako umupo. Pinag masdan ko ang kabuuan ng muka nya, napapa ngiti ako habang tinititigan ang maamo nyang muka. Hinaplos ko ang ulo nya, at hinawakan ko ang isa nyang kamay.
Maya maya pa dahan dahang iminulat nya ang kanyang dalawang mata. Tumawag agad ako ng doctor.
Agad Naman dumatingKinausap ko ang doctor, ang Sabi nya ay medyo nanghihina pa raw si Kathreen. Kaya mas makaka buti kung hindi muna sya kakausapin.
Lumapit ako kay kathreen kamusta ang pakiramdam mo. Napatayo agad ako dahil bigla syang gumala para umayos ng upo nya. Natawa Naman sya ang Sabi ng doctor bawal ka raw mapagod, bawal karin mag salita ano ka ba Naman kath baka kung ano ang mangyari sayo nyan. inis na Sabi ko. Tsk tigas kase ng ulo.
Ano ka ba cm ayos lang ako, at wala pa Naman taning ang buhay ko. Mahina nyang Sabi ngunit may halong kayabangan sa tono nya.
Ang yabang mo talaga. Sabi ko. At ngumiti lang sya. May nakaka tawa ba ha may saltik ka talaga. inis na Sabi ko.
Ang cute mo talaga mainis cm, kaya gustong gusto Kita asarin palagi eh haha biglang tawa nya, bigla nalang syang napa hawak sa dibdib nya.
A-are you ok, natatarantang sabi ko. Sabi ko Naman kase sayo wag kana mag salita mahina kapa kaylangan mong mag pahinga. Sermon ko sa kanya.
Opo dady hindi na po makulit si Kathreen para hindi na magalit ang dady ni cm. Pang aasar nya. Ha at nakuha nya pang mag biro ng ganyan sa lagay nyang yan tiningnan ko lang sya ng masama, nag Peace sign Naman sya. Nagugutom na ako dady cm pwede mo ba akong pakainin na
Naka hawak pa sya sa tyan nya at naka ngusong naka tingin sa akin.
Ang cute hehe.Kumuha ako ng binili kanina nila tita na pagkain, binigay ko Naman ito agad sa kanya.
Wow favorite ko to ah, binili mo to parasakin cm? Naka ngiti syang tumingin sa akin, umiling Naman ako. Ay akala ko ikaw eh. Naka ngusong Sabi nya.
Kumain kana nga at baka mayari ako sa parents mo. Sabi ko pa. Sumandal ako sa sandalan ng upuan at tumingin kay kathreen, at pinag taasan ko sya ng kilay. Kumain kana para malakas kana agad. Umiling sya at naka simangot ang muka.
Gusto mo pang subuan Kita para kumain ka na bigla Naman syang ngumiti.Kapag may sakit ako sinusubuan ako ni mama. Kaya subuan mo ako ngayon. Naka ngisi nyang sabi.
Tsk ang laki laki muna mag papasubo ka pa. Kinuha ko ang plato na may laman na pagkain at staka isinubo sa kanya.
Say ahh sabi ko pa.Para tuloy akong nag aalaga ng pamangkin ko na iniwan lang sa'kin ng kapatid ko.
Natapos na rin kumain si Kathreen. Kantahan mo ako cm. Naka ngiti nyang sabi sa akin.
Ayoko tinatamad ako kumanta. Napasimangot Naman agad sya. Pigil ko ang tawa ko dahil sa muka nya
Mag pahinga kana maya maya darating na rin sila tita. Tumalikod sya sa akin at hindi na ako kinausap.
Sige na nga kakantahan na Kita.
Lumingon agad sya sa akin ngumiti Naman sya na abot tainga ang ngiti parang bata. Tumabi ako sa kanya at kinuha nya Naman agad ang braso ko. Nagulat ako sa ginawa nya hinigaan nya ang braso ko.Kantahan mo na ako cm para makatulog agad ako. Sabi pa nya.
Sinimulan ko kumanta.Alam mo ba kung pa'no nahulog sa 'yo?
Naramdaman lang bigla ng puso
Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito
Kaya sabihin mo sa akinAng tumatakbo sa isip mo
Kung mahal mo na rin ba akoIsayaw mo ako
Sa gitna ng ulan, mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sa 'yo
Alam kong mahal mo na rin akoBinibini
Sabi mo noon sa 'kin, ayaw mo pa
Pero ang yakap ngayo'y kakaiba
Hindi ka ba nalilito? Totoo na bang gusto ko?
'Wag nang lalabanan ang pusoAlam kong mahal mo na 'ko
Kung gano'n, halika na't huwag lumayoIsayaw mo ako
Sa gitna ng ulan, mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sa 'yo
Alam kong mahal mo na rin ako...Naramdaman kong hindi na gumagalaw si Kathreen kaya tumigil na rin ako sa pag kanta. Napa ngiti ako sa muka nyang inosente habang natutulog.
Umuwi na rin ako dahil pagabi narin, dumating na rin Naman agad ang parents ni kathreen, ang Sabi ko bukas babalik ulit ako para bantayan si Kathreen.
_____________________________________
______________________________

BINABASA MO ANG
Last Moment ( ON-GOING)
Teen Fictionkathreen has heart disease as a child she already feels that kind of pain, no heart donor can be found so until she grows up she still carries her pain.