chapter 12

2 1 0
                                    

Gumising ako ng maaga para makapag handa na pumasok sa school.

Pagka tapos ko maligo bumaba na ako para kumain, napa hinto Naman ako sa pag baba ng makita ko si papa, na nag hahanda ng agahan.

Gising kana pala, kumain kana gigisingin ko na lang muna ang mama mo. Ngumiti Naman sya sa akin. Hindi ko na sya pinansin pa at umupo nalang ako para kumain, gutom na rin kase ako.

Maya maya pa kasama na ni papa si mama, at mukang wala ng problema base sa itsura ni mama ngayon. Ngumiti Naman si mama sa akin, gumanti Naman din ako ng ngiti.

Goodmorning kathreen masayang bati sa akin ni mama.

Good morning din po. Bati ko din.
Sumubo nalang ulit ako, tumingin Naman ako kila mama at papa mukang may pinag tatalunan sila, pero hindi ko maintindihan dahil sa sobrang hina ng boses nilang dalawa.
Napahinto lang sila nang makita nila ako naka tingin sakanila nilang dalawa.

Ahh, anak may sasabihin kami sayo pag sasalita ni papa. Alam kong galit ka pa sa akin dahil sa nalaman mo, pero gusto ko lang malaman mo na wala akong anak sa labas, naguguluhan Naman akong tumingin kay mama at papa. Umamin sa akin si ema hindi sa akin ang anak nya kay pareng arnold.

Pinatunayan sa akin ng papa mo na hindi talaga sya nag loko sa akin. Naka ngiting Sabi ni mama. Nandon din ako nung inamin ni ema lahat ng nangyari sakanila. At wala ding namagitan sakanilang dalawa.

Tama ang mama mo kath, wala talaga kaming naging relasyon ni ema, Puro trabaho lang ako para sa pag papagamot mo sa ibang bansa.
Sabi pa ni papa. Naalala ko na nanaman ang pagpapa opera ko sa puso, doon kase sa America makaka kuha ka agad ng donor, may kaibigan din si papa na doctor na handang tumulong sa operasyon ko. Ang Sabi noon ni papa yung kaibigan nya nalang ang bahalang mag hanap ng heart donor ko.

Sorry po papa, kung nasigawan ko po kayo, hindi ko manlang po pinakinggan yung side nyo, pinairal ko po agad yung galit ko. Sorry po talaga. Nangilid Naman agad ang mga luha sa mga mata ko. Agad Naman akong niyakap ni papa.

Hindi mo kaylangan mag sorry anak, naiintindihan Kita. Wag ka masyadong maging emosyonal baka maka sama sa puso mo yan. Si papa.

Sige na kumain kana at baka mahuli ka pa sa klase mo. Sabi pa ni papa. Kumain na kami at masayang nag kwentuhan.

Maya maya pa natapos narin akong kumain, at nag paalam na ako kilala mama at papa na papasok na.

Sumakay na ako ng jeep papuntang school.

Masaya akong pumasok sa room namin, at binati ko lahat ng kaklase ko. Pati narin si cm na nag mumukang puyat. Ang laki kase ng eye bags nya haha.

Mukang masaya Tayo ngayon ah, ano meron. Si cm

Wala masama bang maging masaya. Sarkastiko kong sabi sa kanya.
Ikaw mukang puyat na puyat ka ah, Sabi ko Naman kase sayo wag mo akong masyadong isipin eh. Pag bibiro ko pa sa kanya. Agad Naman syang namula.

Sira talaga ang ulo mo, Diba pwedeng gusto ko lang mag puyat, wag kang epal. Inis na Sabi nya. Tsk pikon masyado.

Dumating na rin si mrs santos, at nag simula na rin syang mag turo.

Masaya akong nakinig kay mrs santos, at pa minsan minsan nakaka sagot ako sa mga tanong nya. May angking talino din kaya ako duh!

Hanggang sa mga sumunod pa na klase namin, magana pa rin akong nakinig sakanila.

Natapos narin ang klase namin at nag breaktime muna.

Pumunta na kami sa cafeteria syempre palagi ko na kasing kasama sila charlotte, trisha,nica pati narin yung dalawang lalaki. At syempre may bago kasama ko ngayon si cm

Tinignan ko pa si cm na mukang sya Naman ang may malalim na iniisip. Cm...Pag tawag ko pa sa kanya pero hindi nya ata ako narinig. Hoy cm. Sigaw ko pa sa kanya.

H-ha bakit may sinasabi ka ba? Nagugulat nyang tanong sa akin.

Ang Sabi ko ano ba gusto mong kainin manlilibre ako ngayon, mukang malalim yang iniisip mo ah may problema ka ba? Tanong ko pa sa kanya.

Ah wala, wala Naman akong problema may iniisip lang ako.
Sabi nya pa.

Ok. Pero ano pala ang gusto mo kainin. Pag uulit kong tanong.

Kahit ano nalang basta pagkain. Sabi nya pa. Umalis na ako at bumili na ng kakainin namin.

Nakabili narin ako ng kakainin namin ni cm, umupo na ako sa table namin.

Wow pahingi Naman ako nyan Kath. Si allen.

Hindi pwede kay cm to. Sabi ko at agad Naman syang ngumuso.

Ang damot, si cm lang nilibre, bakit mag jowa na ba kayo? Sabi ni allen. Tumingin Naman si nica sa akin na may nanunuksong tingin. Isa pa tong babaeng to hay! Bagay na bagay talaga sila ni allen.

Hoy kayo tumigil nga kayo, hindi kami ni cm ok. May deal lang kami noh maissue kayo masyado mga beh. Pag sasalita ko pa. Tinignan ko pa si cm mukang wala Naman syang paki alam sa mga pinag sasabi nitong allen na to.

Oo nga pala guys punta kayo sa bahay next week. Sabi ko sakanila

Bakit ano meron? Si trisha

Birthday ko kase sa Next week.
Gulat Naman silang tumingin sa akin

Talaga sige pupunta kaming lahat. Ilang taon kana pala sa next week? Si nica.

18 debut ko sa Next week. Simpleng party lang Naman yon, kayo lang inimbita ko ayoko kase ng maraming bisita. Sabi ko pa

Pupunta kami. Si charlotte.

Natapos na kaming kumain lahat at bumalik na sa room namin.

Dumating narin yung panlimang subject teacher namin. Nag pa lecture lang sya. Ng napaka dami. Kahit kaylan talaga napaka tamad mag turo nitong teacher na to.

Maya maya pa nag uwian na kaming lahat, si nica Naman umuwi agad, sila charlotte at lance Naman nauna na din umuwi sila allen at trisha Naman may laban daw silang dalawa sa ml, kaya sabay na silang uuwi. Kami nalang tuloy ni cm ang natira.

Cm pupunta ka ba? Pambabasag ko sa katahimikan namin. Tumingin Naman agad sya sa akin.

Sure pupunta ako. Naka ngiti nyang Sabi sa akin.

Talaga! aasahan ko yan ah. Masayang Sabi ko pa.
Mauuna na ako cm, see you tomorrow nalang. Lalakad na Sana ako palayo sa kanya ng bigla nalang nya akong hinawakan sa braso, nag tataka ko Naman syang tignan.

Hatid na Kita sa inyo. Nahihiyang sabi nya pa. Tutal malapit lang Naman yung bahay namin sa inyo.

Sige. Tipid kong sabi at Pumara Naman sya ng trycicle, hindi na mins nya dinala yung kotse nya baka daw mahuli sya wala pa daw kase syang license.

Maya maya pa nakarating narin kami sa tapat ng bahay namin. Si cm Naman hindi rin nag tagal umuwi narin mukang paulan na kase kaya umuwi kaagad.

Umakyat pa muna ako, sa kwarto ko at nag bihis, nahiga muna ako sa kama ko at pumikit.

ZzzzzzzZzzzzzzz

ZzzzzzzZzzzzzzz





Last Moment ( ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon