chapter 14

2 1 0
                                    

Cm POV

Nagising ako ng may narinig akong nag doorbell. Pinilit kong tumayo para tignan kung sino yon.

Binuksan kona ang pintuan at bumungad sa akin ang muka ni kathreen paano nya nalaman ang bahay ko.

A-anong ginagawa mo dito. Utal kong sabi sa kanya. Dere-dertso Naman syang pumasok sa loob at nilapag nya ang mga gamit nya. Mukang nag cut sya ng klase.
Hinipo nya Naman ang noo ko.
iling iling Naman syang tumingin sa akin.

Ang taas ng lagnat mo bakit hindi mo tinawagan si allen para maalagaan ka feeling strong ka kase. inis na Sabi nya. Agad Naman syang pumunta sa kusina at sinundan ko Naman sya.

Ano bang ginagawa mo dito, staka nag cut kapa ng klase mo, kaya ko Naman ang sarili ko. Sabi ko sa kanya.

Wag ka ngang madaldal baka lalo pang sumama ang pakiramdam mo. Saan ba ang kwarto ko ihahatid na kita para makapag pahinga ka muna. inakay nya Naman ako na parang matanda na, pinigilan ko Naman sya.

Bakit mo ginagawa to? Tanong ko sa kanya.

Dahil gusto ko, at dahil sa akin kaya ka nagka sakit. Sabi nya pa.

Ako naman ang may gustong ihatid ka. Staka hindi Naman Tayo masyadong close mag kaklase lang Naman Tayo. Tumingin Naman sya sa akin at mukang nauubusan na ng pasensya.

Wag kana ngang marami pang sinasabi cm ang mahalaga may mag aalaga na sayo, at kapag magaling kana bumawi ka na lang sa'kin. Sabi nya pa

Ano ka sinuswerte may kapalit ang pag tulong mo sa akin. Ako.

Biro lang. Sige na pumunta na Tayo sa kwarto mo at mahiga ka na don, ipag luluto Kita ng makakain mo para maka inom kana rin ng gamot. Pumunta na kami sa kwarto ko at humiga na ako.

Matulog ka muna, gigisingin nalang Kita kapag naka luto na ako. Sabi pa ni kathreen. Tumango nalang ako at pumikit medyo nahihilo din kase ako.

pinilit ko ang sarili kong matulog, pero hindi talaga ako makatulog.

Maya maya pa, bumukas ang pintuan at agad Naman akong pumikit at nag kunwaring natutulog.

Cm gising na kumain kana, para makainom kana ng gamot mo. Malambing na Sabi ni kathreen. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, pero. Napapa ngiti nalang ako sa boses nya. Dahan dahan naman akong  dumilat nakita ko Naman si Kathreen na pinag mamasdan ang muka ko sa malapitan. Nagulat sya at lumayo agad sa akin.

A-ahh k-kumain ka na para may lakas kana. Nauutal nyang sagot, ngumisi Naman ako. Umayos ako ng umupo at agad Naman nya akong inalalayan. Nagka titigan pa kaming dalawa. Ang ganda mo rin pala kathreen. Sabi ko sa isip ko.

Masyado ba akong gwapo para matulala ka nalang sa akin. Sabi ko at agad Naman nya akong pinalo sa braso. Aray bakit ba?

Masyado ka kasing mahangin, kumain kana nga lang. inis na Sabi nya. Ngumiti nalang ako sa kanya.
Oh anong nginingiti-ngiti mo dyan ha. Bigla Naman nyang niyakap yung sarili nya. Tumigil ka cm baka tadyakan Kita dyan, may sakit kana nga't lahat kung ano ano pa iniisip mo. Natawa Naman ako sa sinabi.

Wala akong masamang gagawin sayo, assuming ka talaga. Natatawa kong sabi.

Tsk, kumain kana nga. Baka gusto mo pang subuan pa Kita. Si Kathreen.

Pwede ba? Nahihirapan kase akong kumilos. Nag puppy eyes ako sa kanya. Kinuha Naman nya agad yung mangkok na may laman na sopas.

Say ahh... Nakaka ngangang Sabi ni kathreen.

Ahh pang gagaya ko sa kanya at sinubuan nya Naman ako.
Natatawa Naman nya akong tinignan.
B-bakit may nakaka tawa ba?

Wala para ka kasing bata natatawa nyang Sabi.

At ikaw Naman ang nanay ko.
Sabi ko.

Ang ganda ko namang nanay mo.sabi nya pa. At sabay kaming tumawa.

Paano mo nga pala nahanap ang bahay ko? Tanong ko

Nag tanong ako kay allen at hinatid nya ako dito. Sabi nya. Napa ahh Nalang ako. Naubos ko na yung sopas na niluto nya masarap Naman kahit papaano.

Oh inumin mo na yung gamot mo para gumaling ka kaagad.

Uminom na ako ng gamot na binigay sa akin ni kathreen.

Mag pahinga kana. Dito lang ako sa tabi mo. Parang hinaplos Naman ang puso ko dahil sa sinabi nya.

Umuwi kana pagabi narin,Hindi Kita mahahatid. Sabi ko.

Ayos lang, dito muna ako sa tabi hanggat dika pa nakaka tulog.

Umuwi kana wag na matigas ang ulo mo. Ulit na sabi ko sa kanya.

Sige ganito nalang kapag nakatulog kana, aalis na ako ano okay ba yon? Naka ngiting Sabi nya pa.

Ok, mukang hindi ka Naman papapigil eh. Sabi ko.

Sige na matulog kana para maka alis na ako. Pumikit na ako para matulog na.

____________________________________
________________________________

Last Moment ( ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon