Kathreen's POV
Hindi na ako nakatulog kagabi dahil sa sinabi ni cm kagabi.
Ang aga mo naman magising teh. inaantok na sabi ni trisha.
Anong maaga nagising ka dyan, hindi pa ako natutulog noh. Bigla nalang sya napa bangon.
A-ano hindi ka natulog, nag dadrugs ka ba ha. Hinawakan nya pa ang magka bilang pisngi ko. Kath kahit anong problema mo wag na wag mong sasayangin ang buhay mo. Sira talaga ang ulo nya.
Tinanggal ko Naman ang pagkaka hawak nya sa magka bilang pisngi ko.Para kang tanga to trish baka ikaw ang nag aadik dyan. Sabi ko pa
Eh bakit ka nga kase hindi natulog kagabi. Naka nguso nyang sabi.
May iniisip lang ako. Sabi ko
Sanaol nalang may isip, dyan kana nga natatae na ako eh. Sabi nya.
Good morning kathreen. Naka ngiting bati sa akin ni nica.
Ngumiti lang ako sa kanya.Maya maya pa bumaba na kaming lahat sa dining area nila nica at doon kumain, nag luto daw si lance ng breakfasts namin.
Wow ang sarap Naman ng hotdog mo lance. Sabi pa ni trisha at sarap na sarap sa kinakain nyang hotdog. Bigla Naman nabilaukan si lance
Natawa nalang kaming lahat
Sila trisha at lance ang palaging maingay sa amin at minsan sila madalas magka sama kase nga mga gamer sa ml.Yang bibig mo trisha, nasa harap Tayo ng mga bata. Si lance.
Bakit anong masama sa sinabi ko ha, ang Sabi ko lang Naman masarap ang hotdog mo tsk gm ka kase masyado. Si trisha.
Shup up you two! Sigaw ni charlotte nagulat Naman kaming lahat dahil sa sigaw nya, agad Naman tumahimik ang dalawa. Si charlotte kase yung tipong ayaw ng maingay kapag nasa harap kami ng pagkain, she's a cool person, to be honest idol ko si charlotte bihira lang akong makakita nang babaeng lumalaban sa mga lalaki, akala ko sa tv lang meron non pero meron din palang nag eexcist gaya nya. Kaya walang nanliligaw sa kanya kase akala nila tomboy si charlotte, pero alam kong hindi boyish lang talaga sya.
Ang init ng ulo ng ulo ni cha nyo siguro may dalaw. Bulong sa akin ni lance. Natawa nalang ako. Nabaling ang tingin ko kay cm na tahimik na kumakain, hay awkward tuloy, hindi Naman mahirap magustuhan si cm. Gwapo sya matangkad maganda ang boses halos perfect na lahat sa kanya.
Kaso hindi kami pwede, ayokong maiwan ko sa ere si cm.Napapansin kong mula kahapon pa may gustong sabihin sa akin si charlotte, pero mukang hindi nya masabi, kanina nya pa kase tiningnan. Siguro mamaya ko nalang sya kakausapin ng kaming dalawa lang.
Maya maya pa natapos na din kaming lahat kumain.
Guys swimming Tayo. Nakangiting sabi ni nica agad Naman pumayag ang lahat. Bukod sa amin ni charlotte
Sigurado kayo ayaw nyo mag swimming, sayang mukang masarap mag swimming oh. Si trisha. Umiling nalang ako, hindi kase ako marunong lumangoy sa totoo lang baka lumubog lang ako at mahirapan nanaman huminga, mahirap na baka kung ano pa ang mangyari.
Nag simula na rin silang lumangoy langoy sa tubig. Lumapit ako kay charlotte tumingin pa aya saglit sa akin at ngumiti.
Bakit hindi ka lumangoy kasama ng mga dugong si charlotte, natawa Naman ako sa sinabi nyang mga dugong haha.
Hindi ako marunong lumangoy eh, ikaw bakit hindi ka din sumama sa mga dugong? Natatawa ko pang sabi.
Hindi Naman sya sumagot, at seryoso syang tumingin sa akin. Natigilan Naman ako at nailang sa mga titig ni charlotte. don't stare at me like that
Cha. Umiling Naman sya, na parang disappointed ano bang nangyayari sa babaeng amasona na to.also don't assume that you don't feel any pain in your body kathreen. Natigilan ako sa pinag sasabi nya, nakatitig lang ako kay charlotte ng nagtataka sa mga sinasabi nya.
what are you talking about cha. Pinilit kong hindi mautal.
I saw you at the hospital that night, Kath, at wala kang Malay non. Bigla nalang akong kinabahan sa sinabi nya nakita nya ako ng gabing sinugod ako nila mama. At hindi totoo na nag bakasyon kayo ng parents mo.
Cha ano kase nilagnat ako ng araw nayon eh pag sisinungaling ko pa. Mukang hindi ko Naman sya nakumbinsi sa sinabi ko.
Liar. Bakit ayaw mong sabihin na may sakit ka at kaylangan mong magpa opera sa America. Agad na nangilid ang mga luha sa mga mata ko. Bakit hindi mo sinabi sa amin Kath, baka sakaling may maitulong kami sayo.
Paano mo nalaman ang sakit na meron ako? Tanong ko sa kanya.
Sinugod ang lola ko sa hospital that time, pauwi na Sana ako non nang biglang dumaan kayo sa harap ko ng parents mo, nakita kitang nakahiga at hirap na hirap huminga, umiiyak pa nga ang mama mo, naisipan kong sundan ko yung kwarto mo. At doon ko narinig ang pag uusap ng parents mo at yung doctor. Mahabang Sabi nya.
Please cha, don't tell our friends na may sakit ako, ayokong maka ramdam sila ng awa sa akin. Ayoko din silang mag alala. Nag baba ako ng tingin sa kanya, agad Naman nyang hinawakan ang dalawa kong kamay.
Promise hindi ko sasabihin. But promise me na mag papagaling ka. Tumingin ako sa kanya na umiiyak, pinunasan Naman nya agad ito. At yumakap ako sa kanya. Shh gagaling ka kath.
Sana nga cha, gusto ko pang mabuhay ng matagal kasama kayo.
Umiiyak na Sabi ko, hindi Naman kami makikita ng mga kaibigan namin pumasok kase kami ni charlotte sa loob.Tahan na kath baka makasama pa sayo ang pag iyak mo. Natawa Naman ako dahil nakita ko syang may luha din. Oh anong nakaka tawa ha, may sakit ka na nga lahat lahat nagagawa mo parin tumawa.
Ang cute mo umiyak cha, mamimiss ko yan kapag nawala ako. Sinamaan Naman nya ako ng tingin. Biro lang.
Hindi nakaka tawa ang biro mo. Inis na Sabi nya. Nag Peace sign nalang ako sa kanya.
Naka uwi na kami isa isa sa bahay namin, bukas nalang kami mag kikita.
TOMORROW IS MY BIRTHDAY.
02/15/5

BINABASA MO ANG
Last Moment ( ON-GOING)
Teen Fictionkathreen has heart disease as a child she already feels that kind of pain, no heart donor can be found so until she grows up she still carries her pain.