chapter 21

0 0 0
                                        


Kathreen's  POV

Ma, Pa ano po ang balita, meron na po ba kayong nahanap na donor? Nagka tinginan lang silang dalawa, napa buntong hininga nalang ako. Tanggap kona na hanggang dito nalang talaga ako.

Hinawakan ni mama ang isa kong kamay, hindi ako tumingin sa kanya dahil ayokong nakikitang nalulungkot sila ng dahil sa akin. Hindi ko kaya.

Makakahanap din Tayo anak tiwala lang, gagaling ka. Alam kong pinapalakas lang ni mama ang loob ko, para hindi ko isiping mamatay ako. Tanggap ko na ma.

Papasok na ho ako. Walang gana kong sabi sakanila.

Mag iingat ka kath, kapag may nararamdaman ka tumawag ka agad sa amin ng papa mo. Hindi ko na sila pinansin at deretso na akong umalis sa bahay.

Nagulat ako dahil nasa tapat ng gate namin si cm na naka upo sa may bandang gilid. Maya maya pa tumayo agad sya ng makita nya ako. Nagtataka ko syang tiningnan.

A-ah kanina pa Kita hinihintay, t-tara sabay na Tayo pumasok. Naka ngiti nyang sabi.

Kanina kapa nag hahantay sa akin tumango lang sya. Dapat nag text ka sa akin para hindi kana nag hantay dito ng matagal.

Nag text ako sayo, hindi mo ba nabasa? Agad ko Naman kinuha ang phone ko kung nag text nga si cm, 3missed call, 5 message. Hindi na ako nag abala pang basahin kase alam ko naman na ang sinabi nya. Napapa hiya akong tumingin sa kanya.

S-sorry hindi na pansin naka silent kase phone ko. Napapahiyang Sabi ko, napa kamot tuloy ako sa ulo.

Ayos lang. Ngumiti sya sa akin, at ginulo gulo ang buhok ko na parang asong alaga nya.

Korni mo cm ginawa mo pa akong aso mo. Natawa Naman sya.

Aww ang cute cute Naman nang aso kong si Kathreen kinurot kurot nya pa ang dalawang pisngi ko.in fairness ang cute nya. Kinurot ko Naman din ang dalawang pisngi nya.

Aww ang cute cute din Naman cm abunjing abunjing ko nayarn ang sarap sarap yakapin sa leeg. Ginaya ko rin ang ginagawa nya. Sabay kaming natawa habang hawak hawak parin ang dalawa naming pisngi. Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko. Naka titig lang kami sa isat isa ni cm isang daliri lang ang agwat ng muka namin.

At eto nanaman ang puso kong nag kukumahog sa pag tibok tila ba'y gusto ng lumabas nito sa katawan ko.
Hindi narin ako maka hinga.

Binitawan ko na ang pisngi ni cm, at ganon din ang ginawa nya. Luminga linga pa sya sa likod nya.
Napa hawak ako bigla sa dibdib ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Tinignan ko Naman si cm na naka talikod sa akin.

C-cm halos hindi kona kaya ang mag salita, mukang hindi nya narinig dahil sa pabulong na tawag ko sa kanya.
Napa upo na ako sa sahig sa sobrang panghihina ko.

Let's g- hindi nya na naituloy pa ang sasabihin nya ng makita nya akong naka upo sa sahig at nahihirapang huminga. K-kath anong problema natataranta nya akong binuhat papasok sa loob ng bahay namin, nagulat Naman sila mama at papa.

Rafael ihanda mo ang kotse dadalhin natin si kath sa hospital bilisan mo! Gumagaralgal ang boses ni mama dahil sa pag aalala na rin. Agad Naman tumakbo si papa para kunin ang kotse namin.

Kathreen wag kang matutulog ha.
Kayanin mo anak. Napaiyak na si mama dahil sa sitwasyon ko ngayon.ayokong nakikitang umiiyak si mama sa harapan ko nanghihina ako nangilid ang mga luha ko, hindi ko na napigilan halos nag uunahan ang mga luha ko sa pag patak nito.

Nasa sofa ako at naka upo, naka sandal ang ulo ko sa dibdib ni cm, hinahaplos haplos nya Naman ang aking ulo. Tiningnan ko Naman sya na lumuluha. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa iniisip kong baka hindi ko na sya maka piling pa.

Maya maya pa binuhat na rin ako ni papa at sinakay sa kotse kasama parin si cm, naka hawak pa rin sya sa kamay ko na hanggang ngayon hindi nya mabitawan. C-cm nag hahabol na hininga na tawag ko sa kanya. Tumingin Naman agad sya sa akin, kitang Kita ko sa dalawang mata nya ang matinding pag aalala.

W-wag ka munang mag salita baka lalo ka lang mahirapan huminga. Sabi pa nya. Hindi na rin sya mapakali. Si mama Naman wala parin tigil kakaiyak, umiwas ako kaagad ng tingin kay mama baka umiyak nanaman ako.

Nakarating narin kami sa hospital, at agad Naman akong inasikaso ng mga doctor na dati narin nag aasikaso sa akin kahit noong bata pa ako.

Hindi ko na alam ang susunod na nangyari dahil sa nawalan na rin ako ng Malay.

____________________________________
_______________________________

Don't forget to vote hehe

Last Moment ( ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon