Habang tumutugtog ako ng gitara, nag vibrate ang cellphone ko, kinuha ko ito at tinignan.
Unknown number: good morning po ma'am. Kaylan po kayo mag babayad ng utang nyo, need ko na kase ng pera
Ano daw hindi Naman ako nangungutang.
Ako: anong trip mo pare.
Unknown number: haha, ako ito si cm pogi.
Si cm lang pala, may nalalaman pa kasing utang parang baliw.
Ako: tsk ikaw lang pala.
Bakit napa text ka?Cm ulopong: nakalimutan mo na. ililibre mo ako ngayon.
Ako: ay shuta oo nga pala, nakalimutan ko sorry naman
Sige wait mo ako maliligo lang ako.
Itetext nalang kita mamaya.Cm ulopong: ok, I'll just wait for your text.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras, naligo na ako agad. Nakakahiya pag hintayin ang ulopong nayon eh.
Habang naliligo ako, bigla ko lang naisip na hindi pala masungit ang cm nayon, he also knows how to smile.
Mas lalo syang gumagwapo kapag naka smile. Napapa ngiti kong naisip si cm. Hoy kathreen anong nginingiti-ngiti mo dyan. Tandaan mo bawal ka ma fall sa kanya. CAN NOT KATHREEN!hindi ko na inisip pa si cm, at natapos narin akong maligo, nag bihis narin ako. Nag soot lang ako ng Black t-shirt, at ripped jeans.
Tinext ko na din si cm para sabihing mag Kita nalang kami. Sa starbucks.
Sumakay nalang ako ng taxi papunta sa starbucks na sinabi ko kay cm.
Maya maya pa nakarating na din ako. Bumaba na ako ng taxi at nag bayad na din, pumasok Naman agad sa starbucks. nakita ko Naman agad si cm.
Hi, kanina pa? Tanong ko.
Hindi Naman kakarating ko nga lang. Sabi nya.
Wait order lang ako ng coffee, ano pala yung sayo? Tanong ko pa
Kung ano nalang yung sayo. Tipid nyang sagot. Iniwanan ko Naman na sya saglit. At umorder ng kape.
Ah dalawa pong caffe latte. Sabi ko sa lalaki. Habang nag hihintay ako, pinag masdan ko muna si cm. Naka soot sya ng white t-shirt at naka jacket. Naka cap din sya. Muka tuloy syang artistahin.
Binigay na rin sa akin yung caffé latte na inorder ko. Bumalik na rin ako sa table namin ni cm.
Oh kape mo. Sasusunod ikaw Naman manlibre. Pag bibiro ko pa.
May sama ba ng loob mo yung pag libre mo sa akin ng kape? Natatawa nyang Sabi.
Biro lang, sige inumin mo na baka mag bago pa isip ko at bawiin ko yan sayo.
Mag tatanong Sana ako kay cm kaso, naka ngiti nyang pinag mamasdan yung bulaklak sa table namin. Hay Sabi na nga ba bading talaga to, ayaw pang umamin eh.
Hoy cm umamin ka nga bakla ka noh, naka kunot Naman syang tumingin sa akin. Sabihin mo na hindi Naman ijajudge eh. Natawa Naman sya
Hindi ako bakla, mahilig lang talaga ako sa mga bulaklak. Masarap kase silang pag masdan. Sabi nya pa.
Wews nalasahaan mo yung bulaklak, ano lasa? Pag tatanong ko.
Sira talaga ang ulo mo. iiling iling nyang Sabi.
Natapos narin kami mag kape, mukang may balak pa si cm pumunta sa kung saan.
Teka nga cm Saan ba Tayo pupunta? Naka sakay kami sa trycicle. Hindi ko alam kung saan kami pupunta nitong ulupong na to.
Basta, magugustuhan mo rin yon.
Si cm.Maya maya pa nakarating na rin kami sa... Bakit Puro Naman bulaklak nanaman to. Pumasok kami sa isang malaking gate. At bumungad Naman sa amin ang ibat ibat uri ng bulaklak
Napa wow nalang ako dahil sa sobrang ganda.Wow ganda Naman dito, paano mo to natunton? Tanong ko kay cm.
isa ito sa mga negosyo ng lola ko. Napa ahh Nalang ako kay cm.
Asan na yung lola mo? Tanong ko pa.
Bigla nalang syang ngumiti ng mapait.My grandmother died a week ago. Sabi nya.
S-sorry na banggit ko po. Paumanhin ko.
Ayos lang, tara libutin natin yung taniman dito, para makita mo pa yung mga bulaklak.
Nilibot namin ni cm, madami pa syang na kwento tungkol sa lola nya. Madaldal din pala to. Pero ayos lang masaya Naman sya kausap.
Kaya pala mahilig sa bulaklak, akala ko talaga bading ka natatawa kong sabi bihira sa lalaki ang mahilig sa mga bulaklak.
Maganda kase sila pag masdan. Sabi ni cm. Ikaw hilig mo din ba ang mga bulaklak? Tanong nya pa.
Hindi Naman. Pero maganda sila pag masdan. Ngumiti ako sa kanya.
Kapag namatay ako cm pwede bang bigyan mo ako ng bulaklak? Tanong ko sa kanya at nangunot Naman agad ang mga noo nya.
Ano bang sinasabi mo dyan, hindi ka mamatay dahil masamang damo ka. Tumawa Naman sya.
Nalibot na namin lahat. At napag pasyahan narin namin umuwi na.
Hinatid ako ni cm.Para sayo abot nya sa akin ng red roses taka ko Naman itong kinuha sa kanya. Walang ibig sabihin sa pag bigay ko nyan sayo assuming ka pa Naman.
Oo na. Sabi ko pa
I'll go first. Paalam nya sa akin.
Sige mag iingat ka. Sabi ko kay cm
Umalis na si cm. At pumasok na rin ako sa loob.Inamoy amoy ko pa yung red roses na binigay saakin ni cm. Nagulat naman ako sa harap ko. Si mama lang pala at naka taas ang kilay.
Sino nag bigay nyan? Tanong ni mama sa akin. Napa kamot nalang ako sa batok ko.
C-classmate ko po ma, wala po itong meaning, hindi rin po sya nanliligaw. Pag papaliwanag ko pa kay mama, mukang hindi Naman sya naniniwala.
Ano ka ba anak ayos lang sa akin kung mag paligaw ka, ibugaw ba Naman ako ng sarili kong ina eh. Charot.
Ma, hindi nga po sya nanliligaw. Classmate ko lang po sya. Pag dadahilan ko pa.
Ok sige Sabi mo eh, pwede ko bang makilala yan? Gulat ko Naman syang tinignan.
Mama bata pa ho si cm, staka hindi po sya napatol sa matanda sa kanya binatukan naman nya ako agad A-aray Naman ma, para Saan po yun? Tanong ko habang hinihimas ang ang ulo ko masakit kase.
Ikaw talaga kathreen Puro ka kalokohan, ang ibig kong sabihin pakilala mo sa akin yang sinasabi mong kaklase mo. Tamang tama malapit na ang birthday mo,sa susunod na linggo na yon. Oo nga pala birthday ko na sa next week.
Nawala sa isip ko.Opo ma, invite ko nalang po yung iba ko pang mga friends. Sabi ko
Sige, magpa hinga kana, may pasok kana bukas. Humalik pa muna ako sa pisngi ni mama bago umakyat sa kwarto ko.

BINABASA MO ANG
Last Moment ( ON-GOING)
Teen Fictionkathreen has heart disease as a child she already feels that kind of pain, no heart donor can be found so until she grows up she still carries her pain.