chapter 9

3 1 0
                                    

Cm POV

Tumingin ako sa may banda gawi ko, at nakita ko si Kathreen na tulala mukang malalim ang iniisip, nilapitan ko sya wala Naman sigurong masama kung lalapit ako sa kanya.

Gusto mo? Alok ko sa kanya ng pagkain. Ngumiti sya at kinuha Naman nya.
Mukang malalim yung iniisip mo, baka malunod ka nyan hindi kana makaahon. Tumingin Naman agad sya sa akin

Bakit nandito ka, maboboring ka lang lalo kung dito ka sa'kin tatabi. walang emosyon na Sabi nya.

Eh sa gusto ko dito eh, staka naninibago ako sayo. Tinignan Naman nya ako na nagtataka.

Paanong naninibago? Taka nyang tanong sa akin

Hindi kana madaldal, hindi kana din tumatawa mag isa. Minsan kase tumatawa sya mag isa haha, Diba may tililing nga sya. lagi ka nalang naka tulala, lagi ka nalang naka simangot

Ah, marami lang akong iniisip. Staka anong sinasabi mong tumatawa ako mag isa ano ako baliw, hindi ba pwedeng may na iisip lang akong kalokohan sayo tatawa-tawa nyang Sabi. Pinitik ko Naman ulit yung noo nya.
A-aray masakit kaya sumosobra kana cm ah feeling close ka saken Sabi nya habang hinihimas himas nya yung noo nya.

Kasalanan mo din kase Puro ka kalokohan, kababae mong tao kung ano anong kalokohan na nasa isip mo. Inis na Sabi ko sa kanya

Sorry na lods, sige ganito nalang ano kaya kung... Binitin nya yung sasabihin nya at nag kunwaring nag iisip. Baliw talaga.

Ano nanaman yan. Sabi ko. Ngumiti Naman sya na parang may masamang balak sakin.

Ano kaya kung ligawan mo nalang ako gulat Naman ako sa sinabi nya ano bang pinag sasabi nya baliw talaga. Umamin kana cm may gusto ka sa'kin, wag kana mahiya ako lang to.

Baliw kana, kapal ng muka mo.
Bakit ako magkaka gusto sayo ano ka gold tsk hindi ka Naman kagandahan, staka ang ingay pa ng bunganga mo, parang armalite. Inis na Sabi ko sa kanya

Tumawa Naman sya ng tumawa, hawak hawak nya pa yung tiyan nya.
Hoy cm hindi ka ba sanay sa biro ha, staka bakit parang namumula ka. Bigla Naman syang tumigil sa kakatawa nya at tumingin ng seryoso sa akin at tumaas taas pa yung kilay nya. Hindi kaya may gusto ka talaga sa akin napa takip Naman sya agad sa bibig nya habang namililog ang mata nya Hala nag bibiro lang Naman ako cm bakit Naman umamin ka agad.

Shut up kath, wala akong gusto sayo. Sabi ko.

Hay buti nalang talaga wala, sandali pa syang natahimik at ngumiti ng mapait bago mag salita ulit ayoko kasing magka roon ng karelasyon, ayoko sa huli maiiwan ko lang sya, darating kase yung panahon na aalis ako at hindi na babalik pa. Nalulungkot syang tumingin sa akin at ngumiti ng mapait.

Ha? Hindi ko nagegets mga sinasabi mo, bakit ma-mamatay kana ba kaya ganyan sinasabi mo. Pabiro kong sabi sa kanya. Umiwas Naman sya ng tingin sa akin at Tumingin sya sa taas at pumikit.

we just borrow life so we can take it back at any time. Taray english yarn  tawa nyang Sabi. Tumayo sya at pumunta sa mga kasama namin.

Tara uwi na Tayo hapon na kaya. Si nica.

Oo nga tara uwi na Tayo baka gabihin ako ng uwi lagot nanaman ako kay momy. Si trisha

May takot ka pala sa momy mo trish Sabi Naman ni charlotte.

Oo Naman hindi Naman ako katulad mo nag rerebelde si trisha inirapan lang sya ni charlotte

Namasahe nalang kaming lahat, si nica kase bawal daw syang mag pa sundo baka daw mahalata syang hindi pumasok sa klase.

Hay... Eto nanaman si Kathreen tulala nanaman. Ano kayang problema nya teka cm Wala ka naman pake kaya bakit parang nag aalala ka hayaan mo sya, oo tama! Hayaan sya.

Hanggang sa naka uwi na sila allen,lance pati narin sila trisha, charlotte. Kami nalang natira ni kathreen. Wala parin syang imik at tulala parin. Siniko ko Naman sya.

Gusto mo wag muna tayong umuwi? Taka Naman nya akong tinignan.

Bakit? Eh malapit na Tayo sa bahay ko. At Saan Naman Tayo pupunta. Tanong nya.

Tinignan ko yung relo ko tamang tama bukas na yung perya dyan sa may labasan. Ah manong balik po Tayo ulit. doon po Tayo sa perya, doblihin ko nalang po yung bayad namin. Sabi ko at niliko naman agad ni manong.

Anong trip to cm may paperya perya ka pang nalalaman dyan. Si Kathreen.

Manahimik ka nalang, mag eenjoy ka don. Naka ngiting Sabi ko sa kanya. Maya maya pa nakarating na rin kami sa perya. Binayaran ko narin si manong

Wow... Namamanghang sabi ni kathreen. Tsk ngayon lang ba sya naka punta dito. Tara cm sakay na Tayo sa mga rides

Ayoko, ikaw nalang hindi ako mahilig sa dyan. Sa totoo lang takot talaga ako sa mga rides nakaka lula kase.

Sabihin mo natatakot ka lang sumakay, tsk ikaw nag aya dito tapos ikaw pala tong takot mahinang nilalang si Kathreen habang iling iling na naka tingin sa akin

A-ano H-hindi ako takot noh ayoko lang talaga sumakay dyan pang Bata yung mga ganyan. Pag sisinungaling ko sa kanya

Tara na ako bahala sayo, kumapit ka lang sa kamay ko para hindi masyado matakot. Hinawakan nya ako at hinila papunta sa bilihan ng ticket, may kung ano sa kamay kong nakuryente at ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Baka kinakabahan lang ako sa rides kaya ganito nalang kabilis tumibok yung puso ko.
Nakabili na si kath ng ticket namin at sumakay sa ferris wheel, napapalunok akong umupo sa upuan. At maya maya pa umandar na ito napahigpit ang hawak ko sa kamay ni kathreen.










Last Moment ( ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon