Kathreen's POV
pinag masdan ko ang muka ni cm habang natutulog, gwapo talaga nya, nakaka distract din ang makapal nyang kilay, pati narin yung pilik maya nyang mahaba at yung ilong nyang matangos, manipis na labi na mapula.
Ang sarap lang pag masdan.Nag iwan nalang ako ng note's sa tabi ng higaan nya. Pagka tapos kong isulat yon umalis na ako sa bahay ni cm umuwi na rin ako ng bahay.
Nakita ko Naman agad si mama mukang may tinatapos na grade para sa mga estudyante nya.
Nandito na po ako ma. Nginitian Naman agad ako ni mama, hinalikan ko Naman sya sa noo.
Si papa? Tanong ko sa kanya.Pauwi na daw sya, sabay sabay na daw tayong kumain ng dinner. Sabi ni mama.
Bigla nalang sumikip ang dibdib ko, at yung puso ko sobrang bilis ng tibok nito, nahihirapan din akong huminga. Agad Naman lumapit sa akin si mama at inalalayan ako.
Are you ok kath, nahihirapan ka nanaman bang huminga. Hindi ako nakapag salita, tinawagan ni mama si papa. Halos mapa upo na ako sa kinatatayuan ko.
M-ma... Nahihirapan A-akong huminga. Nahihirapang Sabi ko kay mama. Natataranta naman si mama
Dumating na si papa agad Naman akong binuhat ni papa at isinakay sa kotse, idineretso naman agad nila ako sa hospital.
Mangiyak- ngiyak si mama dahil sa pag aalala, nung naka raan ko pa ito nararamdaman, pero hindi naman ganito katindi yung nararamdaman ko nung una kaya binalewala ko nalang. Ayokong mag aalala pa sila mama at papa.
Nandito lang si mama anak. Naiiyak na sabi ni mama at hinawakan Naman nya ako sa kamay. Maya maya pa dumating na yung doctor at inasikaso Naman nila agad ako. Nilagyan Naman nila ako ng oxygen at kung ano ano pa. Hindi ko namalayan na naka tulog na ako.
Maya maya pa nagising ako at dahan dahang idinilat ang mga mata ko.
Ok narin ang pakiramdam ko
rinig kong kinakausap sila mama at papa ng doctor.Kaylangan na syang maoperahan sa lalong madaling panahon, masyado ng mahina ang puso nya. At baka kapag pina tagal pa natin to baka hindi na tumagal pa ang buhay ng anak nyo. Sabi pa ng doctor. Parang nanlulumo ako dahil sa sinabi ng doctor, nawawalan na ako ng pag asang mabuhay.
Paano nalang ang mga pangarap ko.
Doc may iba pa bang paraan, wala pa kasing nahahanap na donor ang doctor na kakilala ko sa America. Sabi pa ni papa. Bigla nalang nag init ang gilid ng mata ko dahil sa nag babadyang mga luha.
Yun lang ang paraan para humaba pa ang buhay ng anak nyo, dapat na kayong maka hanap agad ng heart donor. Sabi pa ng doctor. Hindi ko na sila narinig pang nag usap.
Nag kunwari akong natutulog. Naririnig ko pa si mama na umiiyak.
Rafael wala pa bang nahahanap na donor ang kaibigan mong doctor sa America? Naiiyak na sabi ni mama.Ang Sabi nya sa akin tatawagan nya ako kapag may nahanap na sya. Si papa.
Kaylan pa yan! Hanggang sa mahina na ang anak natin, hanggang sa dina nya kaya. Sabi pa ni mama.
May awa Diyos Kathy. Sabi ni papa.
Hindi ko na rin napigilan ang kanina pang nag babadyang mga luha sa mga mata ko, at eto nanaman yung nararamdaman ko sumisikip nanaman ako dibdib ko nahihirapan nanaman akong huminga, pinilit kong wag ipakita sakanila na hindi ako nahihirapan.
isang linggo din akong hindi pumasok sa school, at ilang text na rin ang natatanggap ko kay cm, pati narin sa mga Kaibigan ko.
Kinabukasan pumasok na ako, ayaw pa nga akong papasukin nilala mama baka daw mapagod ako. Makakasama daw sa puso ko, pero matigas ang ulo ko hindi ko sila sinunod sa halip pumasok pa rin ako.
Mamatay kung mamatay ganon din naman ang ending mo sa buhay mamatay Karin Naman kaya lang mukang mas mapapa aga ang akin.
Pumasok na ako ng room, at agad Naman akong sinalubong nila nica.
Hoy akala namin hindi kana papasok, ano bang nangayri sayo hindi ka manlang nag rereply sa mga text ko. Naka ngusong Sabi ni nica.
Nag bakasyon lang kami ng parents ko. Pag sisinungaling ko sa kanila. Ayokong malaman nilang may malubha akong sakit. Ayokong makita ko silang naaawa sa akin.
Ang aga Naman yata ng bakasyon nyo. Si trisha. Napa kamot nalang ako sa batok ko.
Ok ka lang ba kath muka kasing namumutla ka eh. Staka mukang may sakit ka. Nag aalalang tanong ni charlotte. inayos ko Naman agad ang sarili ko at ngumiti sa kanila.
Ayos lang ako, baka anemic lang siguro ako kakapuyat. Naka ngiti kong sabi sakanila.
Sigurado ka ah ayos ka lang. Si trisha. Tumango nalang ako at ngumiti sakanila.
Suge, mamaya nalang Tayo mag usap mauupo na ako. Tumango Naman sila agad hindi Naman naalis ang pag aalala nila sa muka. Pumunta na ako sa upuan ko at nakita ko Naman agad si cm na derestong naka tingin sa akin. Bakit? Tanong ko sa kanya.
Bakit ngayon ka lang pumasok, hindi Karin sumasagot sa mga text at tawag ko akala ko may nangyari ng masama sayo, pinuntahan din kita sa inyo pero walang tao ano ba talagang nangyari sayo? Natutulala naman akong napatingin sa kanya. Ang dami Naman nyang sinabi teka nag aalala ba sya?
T-teka cm hinay hinay lang sa pag tatanong ha, isa isa lang hehe. Sabi ko.
Tell me anong nangyari sayo? Tanong nya pa.
Nag bakasyon lang kami ng parents ko birthday kase ng mama ko. Sabi ko kay cm. Tinignan ko Naman sya na nag tataka. Bakit parang ang dami mong sinasabi dyan, siguro... Na mimiss mo ako noh pang aasar ko pa sa kanya. Ikaw ah na miss mo ako noh. Bigla nalang akong natigilan dahil hindi manlang sya umiimik sa pang aasar ko sa kanya naka titig lang sya sa'kin.
Oo na miss Kita. Nanigas ang mga katawan ko at hindi ako halos makapag salita, agad Naman akong kinabahan dahil sa sinabi nya at unti unting bumibilis ang pag tibok ng puso ko.
Napahawak pa ako sa dibdib ko nahihirapan nanaman kase akong huminga. Sinikap kong hindi ipakita kay cm na nahihirapan akong huminga.
Naku Sabi nga ba eh na miss mo ako. Pag bibiro ko para hindi nya mahalata na naiilang ako sa sinabi nya. Bigla Naman syang may inabot sa akin.
A-ano to? Tanong ko
Malamang chocolate tsk. Inis nyang sabi, tinanggap ko Naman ito agad
S-salamat. Naka ngiti kong sabi sa kanya. Umiwas na lang sya ng tingin sa akin.
Maya maya pa dumating narin si mrs santos at nag simula narin syang mag turo. Naging ok narin ang pakiramdam ko.

BINABASA MO ANG
Last Moment ( ON-GOING)
Fiksi Remajakathreen has heart disease as a child she already feels that kind of pain, no heart donor can be found so until she grows up she still carries her pain.