My Fallen Angel 9
(Emily Denise Arevalo)
After kong kausapin si mama ay naghintay pa ako bago lumabas ng CR si Janelle. Napatingin ako kay Alice na nakahiga ngayon sa kama.
"Alice, totoo ba talagang palagi kang nagta travel?" tanong ko sakanya.
"Yeah, dahil simula bata ako ay palagi akong sinasama nina mama at papa mag travel sa kung saan saan minsan nga overseas pa"
"Oh, at hanggang ngayon kahit, mag isa kalang"
"Yeah"
"Opposite tayo. Si mama kasi super strict niya. Kaya everytime na aalis ako dapat alam niya, pero sa papa ko naman okay lang."
"Nag aalala lang sayo yong mama mo"
"I know but sometimes, sobra na"
"Hays, intindihin mo nalang" sabi ni Alice at tinapik ang balikat ko
"Hay, ano pa nga ba?" ako, at saka ako bumuntong hininga.
Ayon nagkwentuhan pa kami ni Alice ng kung ano ano hanggang sa lumabas na si Janelle mula sa loob ng CR. Ako naman ang pumasok para maligo.
After an hour ay tapos na ako kaya lumabas na ako mula sa CR, at si Alice ang bumungad sakin, hinihintay niya na pala akong lumabas.
Paglabas ko ay dumiretso ako sa mga gamit ko at hinanap ang blower ko, inaantok na kasi ako baka makaidlip ako habang naliligo pa si Alice, kaso di naman ako pwedeng matulog na basa ang buhok kaya magboblower ako. After kong magblower ay iniwan ko muna yong blower sa side table at nahiga na, napatingin naman ako kay Janelle na mahimbing ng matutulog. Habang nakatingin ako kay Janelle ay di ko namalayan na nakatulog narin pala ako.
Nagising ako nang may naramdaman akong gumalaw at pagtingin ko si Janelle lang pala, yong totoo mahimbing pa ang tulog niya, at dahil alam kong di na agad ako makakatulog tulad kanina ay tumayo na ako. Pagtingin ko sa kama ay nakita ko si Alice doon, natulog din pala siya.
Naglakad ako papunta sa CR saka ako naghilamos. Paglabas ko ng CR ay napansin ko sa may table may pagkain, paglapit ko sa mesa ay may nakita akong note.
'If you got hungry, eat this' nakalagay doon sa note.
At dahil gutom din ako ay kumain ako, at ng mabusog ako ay tumambay ako sa paanan ng kama, at kinuha ang phone ko, naisipan ko naman na magmessage kay mama.
'Ma, I just ate my merienda, you should eat too' that's my message for her.
'I will Denise, after I printed this'
'Ma, don't force yourself to much you're not super hero, okay'
'Yes mam' napangiti naman ako dahil sa reply niya.
Di na ako nagreply dahil ayaw ko na siyang distubuhin sa trabaho niya.
Inilagay ko yong phone ko sa bag ko.At dahil wala na akong ibang gagawin dito sa kwarto at medyo bored narin ako, napagpasyahan ko na lumabas at magpunta sa dalampasigan.
Lumabas na ako ng kwarto namin at naglakad ako hanggang sa makarating ako sa dalampasigan, naglalakad ako habang nakatingin sa dagat ang ganda ng dagat. Maya maya ay nakakita ako ng malaking bato at doon ng ako umupo habang nakatingin parin sa dagat. Napakasarap ng ihip ng hangin.
Dito lang ako tumambay para magpalipas narin ng oras. At maya maya pa ay unti unti ng dumidilim ang paligid at nagsisindihan na ang mga ilaw sa mga kwarto sa hotel kung saan kami nakacheck in.
BINABASA MO ANG
My Fallen Angel
Teen FictionDenise is one the 'Fallen Angel' in their campus, that's why all the boys want to get her, but she has a high standard when choosing a guy that she can spend her life forever. And there's a guy whose name Clyde that want to get Denise, that's why he...