My Fallen Angel 10

3 0 0
                                    

My Fallen Angel 10

(Emily Denise Arevalo)

Nagising ako ng madaling araw, pagtingin ko sa screen ng phone ko ay 4:48 am palang. Nilagay ko yong phone ko sa side table ng bed namin at sinubukang makatulog ulit, pero halos sampung minuto na akong nakapikit ay di parin ako makatulog.

Dahan dahan akong bumaba mula sa kama para di ko magising sina Alice. Kumuha ako ng jacket mula sa gamit ko saka ko hinablot yong phone ko at earphones ko saka inilagay iyon sa bulsa ng jacket ko.

Lumabas ako sa kwarto namin at naglakad papalabas ng hotel until makarating ako kung saan ako nakatambay kanina. Napagdesisyunan ko kasi na panuorin ang sunrise. Habang naghihintay ay inilagay ko sa pagkabilang tenga yong earphones ko, pero sobrang hina lang ng sounds.

Maya maya pa ay may nakita akong tatlong lasing na lalaki, I think they are just three years older than me. Napatingin sakin yong isa at sabay sabi sa mga kasama niya na.

"Bro, tignan mo yon oh, yong babae" napatingin naman sakin yong dalawa.

"Mukhang nag iisa lang siya" sabi pa ng isa

"So what do you think?" sabi pa ng isa

"Pwede na" at naglakad sila papalapit sakin

"Hi miss" sabi ng isa, pero di ko lang siya pinansin

"Di ka pinansin bro" lumapit naman yong isa pa. "Miss beautiful may problema kaba? Bakit mag isa ka?" di ko lang din siya pinansin.

"Ang hina niyo naman. Ang tatanga niyo pa. Di niyo ba nakikita na nakaearphones siya? Kaya di niya kayo maririnig" lumapit din yong isa pa.

Aalisin niya na sana yong earphones ko, pero kinabig ko yong kamay niya, at tinignan siya ng masama. Nagulat siya dahil doon.

"Ang sungit mo naman" sabi niya sakin, pero di ko lang siya pinansin.

"Di ka rin pinansin, bro" nakita ko na bigla siyang nagalit.

Handa na siyang suntukin ako, pero ready na akong saluhin yon. Ayan na papalapit na sakin yong kamao niya, kaso bigla nalang nawala yon, at pagtingin ko sa buhangin ay nakahiga na siya doon. Napatingin naman ako sa taong may gawa noon. Well, familiar siya sakin, pero nakalimutan ko kung sino siya.

Yong dalawang lalaki naman ngayon ang kaharap niya, pero wala pang dalawang minuto at nakahiga narin sila sa buhangin, kaya ayon nang nakarecover sila ay nagsitakbuhan sila papalayo. Lumapit naman sakin yong lalaki, sabay tanong na.

"Are you, okay?" saka siya tumingin sakin.

Wait, kung di ako nagkakamali siya si Clyde isa din sa siya popular bad boy. Di nga ako nagkamali nandito din silang apat na lalaki. But why did he save me from those guys?

"Denise? Denise, right? Emily Denise Arevalo? Isn't it?" oh, he does know me.

"Yes, and if I'm not mistaken you're Clyde, Clyde Laurence Ford, right? One of the popular bad boy." sabi ko.

"Hmm yes" oh, did I offend him?

"Naoffend ba kita?"

"Not at all. But actually, I'm not really a bad boy, maybe a bad student but not a bad person"

"Really?" I not that sure.

"Yes, ganon din yong mga friends ko."

"Speaking of friends, lahat ba kayong magkakaibigan nandito?"

"Yeah, why?"

"Nothing"

"How 'bout you? Lahat ba kayong makakaibagan nandito?"

My Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon