Chapter 1

257 3 0
                                    

Day 1

/Cyre's POV/

 1:27pm

"bye mommy!" bineso ko si mommy tapos niyakap ko siya.

 "bye baby. mag-iingat ka dun ah."

"of course mom. sige po. bye!"

nagwave na ako then pumasok na ako sa car ko. bago ko patakbuhin yung kotse, tiningnan ko ulit si mommy dahil nasa gate pa din sya hinihintay atang makaalis muna ako, nginitian ko sya then nagwave ulit ako tapos pinatakbo ko na yung car ko. 

after 3 hours ng pagddrive, nakarating na din ako sa pupuntahan ko. pinark ko muna yung car sa gilid ng gate. then bumaba na ako ng car tapos dumiretso muna ko sa tabi ng dagat.

hmmm.... ang sarap talaga ng simoy ng hangin dito.

walang polusyon. tahimik ang paligid.

pagkatapos ng ilang minutong panunuod sa dagat, naisipan kong puntahan na si lola sa bahay nya. palubog na din kasi ang araw.

 so ayun tumayo na ko. nakayuko lang ako habang naglalakad papunta sa bahay ni lola nang

 *Boooogsh*

 "aray" mahinang sabi ko. napaupo pa ako. may nabunggo kasi ako. 

tumayo na ako para matingnan kung ano yung nabangga ko.

tumingin ako sa kanya "sorry" sabi ko na may kasabay na pagyuko. yung parang korean.

 "tsk. sa sunod tumingin ka sa dinadanan mo." sabi nya ng sakin tapos naglakad na ulit sya.

 "sorry talaga." sabi ko ulit sa kanya kahit nakatalikod na sya at nagsimula na din akong maglakad papunta sa bahay ni lola. 

 *ding dong*

after a few seconds, may lumabas na isang babae. parang mga nasa 40's na sya. naglakad na sya papunta sa gate.

"good evening ma'am." bati sa akin nung babae. sya lang ang kasama ni lola dito sa bahay. katulong din sya sa bahay.

ngumiti ako sa kanya at binati din sya.

"good evening din po. si lola po?"

"ah nasa kwarto nya po. kanina ka pa po nya hinihintay. pasok ka na po ma'am."

pumasok na ako at dumiretso na agad ako sa kwarto ni lola. kumatok muna ako tapos nung sumagot na si lola, pumasok na ako.

pagpasok ko ng kwarto, nakita ko si lola sa sofa nya nanunuod ng tv.

"good evening laaaaaaa!" tumakbo ako sa pwesto nya tapos niyakap ko sya. lola hugged me back.

 "magandang gabi din apo buti nakarating ka na kanina pa kita hinihintay."

 "hehe. pasensya na lola. tumambay pa kasi ako saglit sa may seashore eh."

 "ah. lalo kang gumaganda apo." sabi ni lola tapos hinawakan nya yung mukha ko. lumuhod na ako para hindi na mahirapan tumingala si lola.

 "lola naman. nangbola ka pa." tapos nagtawanan kami.

 "ay. la, yung kotse ko po nandun nakapark sa may gilid ng gate. ipapasok ko lang."

 "ay apo wag na. ipapapasok ko na lang kay Cyrus."

 "Cyrus?"

 "anak sya ni Linda." si manang Linda yung babaeng nagbukas ng gate para sakin kanina.

 "ah. namiss kita la!" tumawa si lola tapos may kumatok sa pinto. tumayo na ako para tingnan kung sino yung kumatok. si manang Linda pala. 

14 Days RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon