"Oh mga apo, bakit ngayon pa lang kayo kakain?" tanong ni lola samin ni Cyrus. Nandito kami ngayon sa dining area (malamang XD) kumakain.
Kaming dalawa lang ni Cyrus tapos na daw kasi sina lola at manang Linda. Pumunta si lola sa dining area eh, baka nag-aalala na kasi alas dos na tapos ngayon pa lang kami magla-lunch.
Tumigil muna ako sa pagkain.
"Hehe :) Eh kasi po lola natuwa po ako dun sa garden di ko na namalayan yung oras." sagot ko. Umupo si lola sa isa sa mga vacant chair.
"Oo nga po lola. Natanim ko na po pala yung bago niyong halaman :)"
"Ahh... Sa susunod ayoko ng mahuhuli kayo sa tamang oras ng pagkain ah."
"Opo lola! Hehe :)" sagot ko.
"Opo :)" sagot naman ni Cyrus.
"Oh sige kumain na kayo. Nga pala Cyre apo baka mamaya gusto mong maglibot-libot mamaya, pwede kang magpasama kay Cyrus." tumingin ako kay Cyrus, nakangiti sya sakin.
"Hmmm... Siguro baka bukas na lang la :D dito muna ako sa bahay :D"
"Ah oh sige nanjan lang naman si Cyrus eh :) Oh sige na ipagpatuloy nyo na ang pagkain nyo." i smiled at lola tapos umalis na sya at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
Pati na rin si Cyrus.
Pagkatapos namin kumain, niligpit na namin yung pinagkainan namin at umakyat na agad ako. Feeling ko ang dami ko ng nagawa ngayong araw.
Pagkapasok ko ng kwarto binagsak ko agad ang katawan ko sa kama.
Hayyy. Naalala ko bigla yung mga ginawa namin ni Cyrus sa garden. Pakiramdam ko bigla akong namula at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Ang saya ko kanina. Di ko alam kung ano tong nararamdaman ko pero ang gaan-gaan ng loob ko pag kasama ko siya.
Yung tipong parang matagal na kayong magkakilala pero sa totoo kaka-meet nyo lang.
Aish. Nevermind na nga lang muna to baka ganun talaga. Mabait kasi sya eh tapos gwapo, napapatawa nya ako, hot XD, yun. Siguro crush ko na sya :D
i'm not afraid to admit my feelings to someone. What i'm afraid is to be rejected and to tell my feelings directly to someone lalo na if it concerns about love.
Masyado bang mabilis? Crush pa lang naman di ba? :D
~
Tapos na kami magdinner. Inalalayan ko si lola paakyat ng kwarto nya.
Tapos bumaba ulit ako para puntahan si manang. Nasa kusina sila ngayon ni Cyrus at naghuhugas ng pinggan.
"Manang, kayo na po bahala dito ah. Aakyat na po ako." Tumigil muna si manang sa paghuhugas para humarap sakin.
"Oh sige po ma'am. Good night po."
"Naku manang Cyre na lang po ang itawag nyo sakin. Good night din manang :) Cyrus, good night din! :)"
"Ah oh sige Cyre anak." Lumingon sakin si Cyrus.
"Good night din Cyre :D"
Bago pa lang dito si manang Linda. Ang totoo nyan si manang Linda lang talaga ang nagtatrabaho dito, eh byuda na kasi si manang Linda at si Cyrus lang ang nag-iisang anak niya kaya sinama nya na lang si Cyrus dito.
Pumayag naman si lola para daw may kasama silang lalaki. Alam mo na. Unwanted guests.
May tag-isang kwarto din sina manang at Cyrus. Paano ko nalaman? Sinabi ni lola :D Ewan ko kay lola, makwento kasi talaga si lola eh.
Nagpunta na ako sa kwarto ko and i took a quick shower. Inaantok na ako.
Kyaahhh! Bigla ko na naman naalala yung mga ginawa namin ni Cyrus kanina >///< kainis! XD
BINABASA MO ANG
14 Days Romance
Teen FictionAno kaya ang mangyayari sa dalawang linggong bakasyon ni Cyre sa bahay ng lola nya? Matutuwa kaya sya asa mga mangyayari o uuwi ng hindi magandang memories ang dala? MsBibliophile <3