Chapter 13

137 4 0
                                    

"Sorry po talaga manang. Ako yung pumilit na maligo kami sa ulan eh. Sorry talaga manang."

"Ok lang yun, Miss Cyre. Madali lang naman gumaling si Cyrus pag nagkakasakit eh :)" nginitian ko si manang. Nandito ako sa ngayon sa kwarto ni Cyrus kasama si manang. Nilagnat kasi Cyrus pagkatapos naming maligo sa ulan. Waaahhh I hate myself!

Tumingin ako sa clock sa bedside table ni Cyrus. Past 10pm na pala.

"Manang, sige na po. Matulog na kayo. Ako na lang po bahala mag-alaga kay Cyrus."

"Nako Miss wag na po. Ako na lang po mag-aalaga sa kanya. Kayo na lang po ang magpahinga."

"Sige na manang. Magpahinga ka na po. Inaantok ka na oh. Hindi pa naman po ako inaantok eh. Lalabas na lang ako pag inaantok na ako. Sige na manang. Ok lang ako. Wag ka na po mahiya."

"Sige na nga po miss Cyre. Pasensya na po kayo sa abala. Matutulog na po ako."

"Wala yun manang. Ako nga yung nang-abala eh :) Sige manang. Good night po! :D"

"Good night din po, miss Cyre :)" at yun lumabas na din si manang. Hayyy natapos din ang pagpipilit kay manang. Ang kulit kasi eh. Haha! Tulog na si Cyrus. Nagi-guilty talaga ako :( Pinilit ko pa kasi si Cyrus eh. Nagkasakit pa tuloy sya.

Tinititigan ko lang yung mukha nya. Umupo ako sa tabi nya. Parang anghel yung mukha nya. Napaka-peaceful ng mukha nya. Ang sarap titigan. Nakakagaan ng pakiramdam ang pagtitig sa mukha nya. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nalagay ko na ang kamay ko sa pisngi nya. Ang lambot ng balat nya. Ang sarap hawakan. Nagulat ako na bigla syang gumalaw. Aalisin ko na sana yung kamay ko pero hinawakan nya bigla.

"Wag mo akong iiwan ah." ngumiti sya bigla at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Napangiti ako sa sinabi nya. Hindi kita iiwan Cyrus... Basta ba hindi mo din ako iiwan :)

~

Day 9

*Yawn*

"Good morning!" bumangon na ako.

O.O

<.<

>.>

Pano ako napunta dito? Nandito na ako sa kwarto ko. Nakatulog ako kagabi? Hala. Nakakahiya naman. Sino kaya naglipat sakin dito? Tumayo na ako at pumuntang comfort room. Did my morning rituals at bumaba na din para kumain.

"Morning la! :)" bati ko kay pagdating ng dining area.

"Good morning apo. Sumabay ka na sakin kumain."

"Sige po :D" umupo na agad ako at kumain.

"Manang, kamusta na po si Cyrus?" tanong ko kay manang pagkakita sa kanyang lumabas mula sa kusina.

"Hindi pa din bumababa yung lagnat nya eh."

"Ah ganun ba manang. Kumain na ba sya?"

"Hindi pa Miss eh. Tulog pa kasi. Lalabas naman yun agad paggising nya eh."

"Ah ok. Pwede ko ba syang puntahan sa kwarto?"

"Opo naman miss :)"

"Salamat manang! :D" sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. Naunang natapos si lola sakin. Gusto nya daw pumunta sa garden nya. Kaya kahit hindi pa ako tapos kumain eh dinala ko na sya sa garden. Nakawheelchair si lola, remember? Kaya hindi na ako nahirapan. Sinabi ko kay lola na kung may kailangan sya tawagin nya lang ako at nagpaalam na ako. Pupuntahan ko pa si Cyrus sa kwarto nya eh :D

 Nandito na ako sa tapat ng kwarto nya. Kakatok pa ba ako? Oo naman. Haha! Oo nga naman.

*tok tok tok*

Wala sumasagot, wala ding nagbubukas ng pinto. Tulog pa siguro to. Binuksan ko na ang pinto at pumasok. Tulog pa nga sya. Napangiti ako ng makita ang mala-anghel nyang mukha. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang noo nya. Mainit pa din. Tsk. Nagi-guilty ako!

Kinuha ko agad yung palangganang maliit na nakalagay sa side table ni Cyrus. May towel na din dito. Ito yung ginamit ni manang kagabi. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Naglagay ng tubig sa palanggana, binanlawan ang towel, at bumalik na sa kwarto ni Cyrus. Pinatong ko ulit yung palanggana sa side table at umupo sa tabi nya. Kinuha ko yung towel, pinigaan, saka pinunas sa mukha nya.

Grabe naman tong lalaking to. Nagkasakit lang eh. Kung makatulog grabe. May sakit na nga inaway pa eh noh? Haha! Charot ko lang yun. Mahal ko to eh :"> Ay! Ano yun?

So yun pinunasan ko lang yung mukha nya, braso, leeg. Lumabas na din ako pagkatapos. Pumunta akong kwarto ko. Miss ko na si phone eh :D

Grabe ilang araw ko na naman to di na-check. Hmm... 47 unread messages. Karamihan naman gm. I texted Amanda.

To: Amanda.Bff

I have something to tell you, bestfriend :D

Sent.

Tagal magreply. Tingnan ko nga muna yung ibang messages. Ang daming text ni Amanda sakin. Di ko narereplyan. Nagtampo kaya sya?

Ay palaka! Biglang nag-vibrate yung phone ko! May new message.

From: Amanda  Ano yun, sissy? :D Tagal mong di nagparamdam ah. Kamusta ka naman jan? :)

To: Amanda.Bff

I'm inlove :D Hehe.. Ang daming kasing nangyari dito eh I totally forgot about checking my phone. Ok naman ako dito :) Ikaw ba? Kamusta naman jan? Mukhang marami ding nangyari jan ah :)

Sent.

Bzzzt bzzzzt

From: Amanda.Bff

Oh? Wow! Who's that lucky guy? Ayiiiieeeehhhh! :D What's your love story? Kaya naman pala ah. Haha! Yeah. Andami ngang nangyari dito. Dumating na si kuya from Korea and andaming pasalubong. Meron ka! :) Kaya yun lagi kaming gumagala :D

To: Amanda.Bff

His name is Cyrus :) I'll tell you our story pagbalik ko jan :D

Oh? Wow. Gwapo pa din ba si kuya Kyle? Or mas gumwapo? Haha! Chocolates ba yun? :D

Sent.

Bzzzt bzzzzt

From: Amanda.Bff

Ok! Can't wait to hear the story :D

Haha! Mas gumwapo of course! Kaso wala pa ding chicks. Ikaw daw gusto! :D

Syempre! Favorite mo daw yun eh! Assorted chocolates yung sayo dito, Sissy! :)

To: Amanda.Bff

Me too! :D

Haha! Di pa din nagbabago yang si kuya Kyle! :)

Buti naman kundi lagot sya sakin! :D

Sent.

Bzzzt bzzzt

From: Amanda

Ikaw lang daw eh! :D

Haha! He won't let you down daw :D

Gusto ko pa sana makipagtext ng matagal, sis. Kaso I have to go na. Nandito kami sa Tagaytay eh. I'll enjoy the place muna! Don't worry bibili kita pasalubong! :)

To: Amanda.Bff

 Ok sissy. Ingat ka jan! :)

Yung cute ah! Haha!

Sent.

I put my phone na sa drawer then went to the veranda. Maghahapon na pala. Ang ganda ng view. Kinuha ko ulit yung phone ko at kinuhaan ko ng picture yung view. Ang ganda :D Kumuha pa ako ng ilang shots bago binalik ulit yung phone ko sa drawer.

After a few minutes ng pagmamasid sa view, pinuntahan ko si lola sa room nya. Wala lang. Malapit na kasi akong umuwi.

14 Days RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon