EPILOGUE

165 4 0
                                    

/Someone's POV/

Inilapag ko ang mga bulaklak na dala ko sa harap ng malamig na marmol kung saan nakaukit ang pangalan nya.

Naupo ako sa harap nito.

Mahigit isang taon na.

Naluluha pa din ako sa tuwing naalala kita. Alam kong hinding-hindi kita makakalimutan.

Mahal na mahal pa kita. At hindi na magbabago yun.

Pero kasi may pinangako ako sa sarili ko. At nagawa ko yun.

Nasimulan ko na. Kailangan kong tapusin.

Alam kong hindi pwedeng habang buhay ay mananatili ako sayo.

At alam kong alam mo yun. Kaya sana maintindihan mo ako.

Hindi ko man alam kung saan ako magsisimula.

Basta alam ko kailangan ko siyang makita.

Gusto ko siyang makita, makasama, makita ulit ang mga ngiti niyang ninanais ko ng makita sa araw-araw na magigising ako.

Mahal ko sya.

Hahanapin kita, Cyre.

14 Days RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon