Chapter 14

121 2 0
                                    

"Hi la."

"Oh apo." nakaupo si lola sa sofa nya. Nanunuod ng tv.

"Kamusta naman kayo la?" umupo ako sa kama nya.

"Ok naman apo. Lumalakas na :) Kumain ka na ba ng tanghalian?"

"Buti naman po :D Hindi pa po. Hehe :) May sasabihin ako sayo la."

"Anong oras na ah. Ano yun apo?"

"Baka magalit po kayo eh."

"Bakit naman ako magagalit?"

"Wala lang. Hehe :)"

"Ano ba yung sasabihin mo?"

So yun sinabi ko kay lolang nanliligaw na sakin si Cyrus. Sabi nya ok lang naman daw sa kanya. Mabait na bata naman daw si Cyrus, at alam nyang maalagaan ako ni Cyrus ng maigi. Pero wag daw muna seryosohin dahil bata pa kami.

Pero, isang pero pa ulit XD, may mga sariling isip na daw kami so alam na daw namin ang tama at mali. Wag daw maging padalos-dalos sa pagdedesisiyon. Sabi ko naman kay lola, alam ko yun. And I trust Cyrus naman eh. Kahit na sandali pa lang kami nagkakilala, I know he is trustworthy. Tinanong pa ako ni lola if ano ba nararamdaman ko for Cyrus, sabi ko kay lola hindi ko alam pero sa tuwing malapit or magkasama kami ni Cyrus eh lagi akong kinakabahan pero sobrang saya ang nararamdaman ko, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko pag kasama sya, tapos pag nagdidikit ang mga balat namin eh parang nakukuryente ang buong katawan ko.

Napangiti si lola dun sa sagot ko. Ngumiti din ako. Mukhang alam ko na kung ano ang nararamdaman ko para kay Cyrus :D

Masaya naman si lola para sakin. Sinabi ko din kay lola yung mga sinabi sa akin ni Cyrus. Boto naman daw sya kay Cyrus. Buti naman! Wahaha! Syempre mahal ko yun eh! :)

Nagkwentuhan pa kami ni lola nang biglang maalala ni lola na hindi pa ako kumakain ng lunch. Tsk! Pinababa tuloy ako para kumain. Haha! :D So yun nagba-bye na ako kay lola at magpapahinga na din daw sya.

~

Pagkatapos kong kumain pumunta akong garden. Miss ko na pumunta dito eh :) Nililibot ko ang garden ng makita ko si Manang.

"Hi manang! :D" bati ko sa kanya.

"Oh ija :) Anong ginagawa mo dito?" ginugupit ni manang yung mga lantang sanga ng mga halaman.

"Wala naman po. Trip ko lang pumunta dito sa garden :D" sumusunod lang ako kung saan pumupunta si manang.

"Ah :) Ija, may sinabi sakin ni Cyrus."

"Ano po yun? :)"

"Nanliligaw na daw sya sayo." eeehhhh. Nakakahiya naman kay manang.

"Ah. Hehe :) Opo."

"Natutuwa ako at nakahanap na ulit si Cyrus ng babaeng aalagaan nya at mahal nya." yiiieeee boto sakin si manang! XD

"Hehe... Tingin nyo po ba seryoso si Cyrus sakin?" owmygod. Di ko na napigilan yung bibig ko. Sorry ah! Curious lang.

"Sa tingin ko naman oo. Laging nagkekwento sakin si Cyrus tungkol syo. Simula ng makita ka nya, bumalik na ulitsya sa dati." dati???

"Panong dati po? Hindi po ba sya ganyan dati?"

"Dati, ganyan sya, kagaya ngayon, masayahin, puno ng kasiyahan yung aura. Pero nung mangyari yun, nag-iba sya, ayaw nya ng makipag-usap, minsan ayaw nya na din kumain, sobrang nadepress sya nun kahit ako walang magawa. Pero nung dumating ka dito, bumalik na sya sa dating sya, masayahin. Natutuwa nga ako at napabalik mo sya sa dati kahit wala kang ginagawa."

14 Days RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon