Chapter 2

140 2 0
                                    

"la, ready na daw po yung dinner. baba na tayo."

"ah sige. pero hindi ka ba muna magpapalit ng damit apo?"

"mamaya na lang po la. di ko pa kasi naaayos yung mga gamit ko. nandun pa sa kotse lahat eh."

"ah oh sige. kay Cyrus ko na lang din yun ipapapasok sa kwarto mo."

"ok po :)" at bumaba na kami ni lola.  naupo na ako. inalalayan ni manang Linda si lola sa upuan nya.

"oh Linda, nasaan na si Cyrus? sumabay na kayo sa amin."

"nasa likod ho. may ginagawa ata. sige ho. tawagin ko lang po si Cyrus." at umalis na si manang Linda.

atfer a few minutes, bumalik na sila. di ko nakita itsura ni Cyrus nKyuko lang kasi ako.

naupo na sila at yun nagsimula na kaming kumain. nilagyan ko muna ng pagkain si lola sa plato nya tapos kumuha na din ako ng pagkain ko.

tahimik lang kami habang kumakain. nang tingnan ko naman kung sino yung katapat ko. 

O.O 

lumabas na ako ng cr. kakatapos ko lang magshower.

inaantok na ako gusto ko ng matulog. medyo napagod ako ngayong araw.

dito pala ako magsstay sa isa sa mga guest rooms dito sa bahay ni lola. may veranda dito so pumunta muna ako dun. magpapahangin lang.

kung gusto niyong malaman ang nangyari kanina nung dinner, eto LANG naman. 

~Flashback

O.O

S-s-si C-cyrus yung guy sa beach kanina.

Pagkatingin ko sa kanya nakatingin pala sya sakin so nagulat ako.

Bigla akong nabulunan. Ayun, nag-alala bigla si lola at pinainom ako ng tubig.

Ok naman na ako after ng ilang seconds. Nagulat talaga ako nun nung nakatingin din pala sya sakin.

Parang may something kasi sa way nung pagtingin nya sakin eh.

Then, yun, nagkwentuhan lang kami ni lola habang kumakain. Naunang natapos si Cyrus, then si Manang Linda, tapos ako.

Pagkatapos kong kumain, tumayo na agad ako at nagpaalam kay lolang magpapahinga na ako.

Ipapahatid na lang daw nya yung gamit ko sa room. Tapos yun pumunta na ako sa magiging room ko, after few minutes eh may kumatok na sa pinto.

Si Cyrus lang naman ang naghatid. Ngumiti sya tapos pinapasok ko na sya at iniwan nya lang yung mga gamit ko sa tabi ng kama.

After nun lumabas na sya. Naglabas ako ng pampalit sa maleta ko at pumasok na sa cr.

~End of Flashback 

Hmmmm......... Ang sarap ng simoy ng hangin dito sa veranda. Ang presko sa pakiramdam.

Kita din pala dito mula sa veranda yung view sa seashore. may nakita akong figure sa seashore na naglalakad.

parang figure ng isang lalaki, naglalakad lang sya na parang malalim ang iniisip.

Inaantok na ako. Pumasok na ako sa loob at natulog na.

14 Days RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon