Day 3
"Good morning!" bumangon na na ako. Bagong umaga na naman :D
Unat unat.
Hmmm... Tingin tingin sa paligid.
>.>
<.<
>.>
<.<
Hmm the coast is clear XD Buti naman wala na akong nakitang lalaking nakaluhod dito sa gilid ng kama ko na magpapasigaw sakin dahil sa gulat.
Morning rituals, check. Take a bath, check. Naligo na agad ako kasi nga diba sabi ko kay lola ngayon ako maglilibot-libot :)
After grooming myself bumaba na ako para magbreakfast.
"Good morning la!" bati ko kay lola pagkadating ng dining area. Sakto kumakain pa lang din si lola.
"Good morning din apo." umupo na ako at kumain na din. Habang kumakain kami nagpaalam na ako kay lola. Sabi ni lola magpasama daw ako kay Cyrus. Edi um-okay naman ako. Ayokong mag-isa noh.
Kahit na lagi ako nagbabakasyon dito. Bago ko puntahan si Cyrus, bumalik muna ako sa kwarto ko.
Naalala ko kasi may cellphone pala akong dala na simula dumating ako dito ay hindi ko na nagalaw XD
Hmmm... 67 unread messages, ang dami ah. Sabagay ilang araw ko din to di nacheck. Konti pa nga ata to compare sa iba eh.
24 missed calls. Hala ang dami naman. Tsk XD
Tiningnan ko muna yung missed calls, mas onti eh XD Hmmm yung 15 galing kay mommy.
Nag-aalala na siguro yun. Text ko na lang mamaya. Yung 3 galing kay Amanda, bestfriend ko. Yung natirang 6 galing sa random friends ko. Tch ano naman kaya dahilan nila para tawagan ako.
Sa messages naman :) Scan scan scan. Ang dami ng galing kay mommy, nag-aalala na nga XD
Nireplyan ko muna si mommy then nag-proceed na ako sa ibang messages.
Karamihan din mga gm's lang ng mga friends ko. Meron ding messages na galing kay bff Amanda. Nireplyan ko din sya at yun bumaba na ako.
Pero dinala ko na yung phone ko. Wala lang, picture picture :)
Pumunta na ako sa garden, sabi kasi ni manang Linda nandun daw si Cyrus.
"Uy!" tinapik ko sya sa balikat.
"Oh? Nandyan ka pala. Lagi ka na lang nanggugulat. Papatayin mo ba ako sa gulat?" nung una ang saya na expression niya parang masaya pa pero maya-maya naging malungkot na. Problema nito?
"Uy Cyrus pasama ako." nagdidilig kasi siya eh.
"Saan?"
"Kahit saan. Maglilibot lang tayo :)"
"Ah. Nagpaalam ka na ba kay lola?" hindi pa din siya tumitingin sakin.
"Oo naman :D Tara na!" hinawakan ko na siya sa braso.
"Haha! Saglit. Magpapalit lang ako." binaba nya na yung sprinkler.
"Hintayin mo na lang ko sa gate. Saglit lang ako :)" sabi nya.
"Sige." nauna na akong maglakad sa kanya. Nagpunta na akong gate.
Maya-maya dumating na si Cyrus. Infairness sandali nga lang sya nagbihis.
Partida pa ah buong outfit pinalitan nya. Ang gwapo nya >///<
"Tara na!" hinigit ko na agad sya sa braso. Haha XD
BINABASA MO ANG
14 Days Romance
Teen FictionAno kaya ang mangyayari sa dalawang linggong bakasyon ni Cyre sa bahay ng lola nya? Matutuwa kaya sya asa mga mangyayari o uuwi ng hindi magandang memories ang dala? MsBibliophile <3