Chapter 11

133 4 0
                                    

Day 6 and Day 7

 "Cyre..." hinawakan nya yung kamay ko.

 "Bakit? :)" binigyan ko sya ng napakatamis na ngiti.

 "May sasabihin ako sayo." nandito kami ngayon sa seashore, palubog na ang araw. Nakasandal ang ulo ko sa balikat nya. Kay Cyrus.

 "Ano yun?" tumingin ako sa kanya. Tumingin din sya sakin. Ngumiti sya sakin Ang ngiting napakaganda pa din para sa paningin ko.

 "I l--"

 "ajshgbfkdsigjryg!"

 "Ano? Cyre! *uyog uyog*" sinira mo panaginip ko! Kainis!

 "Uy! Cyre! *tapik tapik sa pisngi*"

 "dhfrytahjdk!" bakit mo ba kasi ako ginigising! Sira na panaginip ko! T-T

 "Cyre! Si lola!" napadilat agad yung mata ko pagkarinig nun.

 "Huh? Nasaan na si lola?" "Nasa ospital."

 "Huh? Bakit? Ano nangyari?!" halos pasigaw na yung pagkakasabi ko. Waah lola :"<

 "Susunod tayo kila nanay. Mag-ayos ka na. Labas na muna ako." kalmado lang yung pagkakasabi nya sakin nun pero yung puso ko parang aatakihin na sa kaba. Lola T-T Bumangon na agad ako, naligo at nag-ayos. Lumabas na ako ng kwarto. Nakasandal si Cyrus sa pader sa tabi ng pinto ko. Mukhang nag-aalala din sya.

 "Tara na." tumango lang sya at bumaba na kami.

 "Kumain ka muna." sabi nya at hinawakan ang braso ko.

 "Ayoko. Mamaya na lang. Gusto ko na malaman ang lagay ni lola." halos naiiyak na ako habang sinasabi ko yan.

 "Sige. Basta pagdating sa ospital kakain ka agad ah."

 "Oo. Tara na." hinigit ko na sya.

  ~

 "Kamusta na po si lola?" tanong ko sa doktor na saktong kakalabas lang ng kwarto ni lola pagdating namin.

 "Ok naman na sya. Nabigla lang yung katawan nya kaya ganun yung reaksyon ng katawan nya."

 "Ah. Salamat dok. Pwede na ba kami pumasok?"

 "Oo. Pero nagpapahinga pa ang pasyente. Mamaya pa sya magigising."

 "Sige dok." pumasok na kami ni Cyrus sa kwarto ni lola.

 "Hi manang." nakaupo si manang sa upuan sa tabi ng kama ni lola. Lumapit agad ako sa kama ni lola. Tulog pa din sya.

 "Kamusta na si lola?"

 "Ok naman na daw po sya. Kailangan lang nya ng pahinga. Dito ka na maupo anak." tumayo si manang mula sa pagkakaupo. Umupo na ako sa upuan. Lumapit sakin si Cyrus.

 "Ano gusto mong kainin?"

 "Kahit ano. Bahala ka na." malamig kong tugon sa kanya.

 "Sige. Dyan ka lang ah. Kakain ka na pagbalik ko." tinap nya ako sa balikat. Tumango lang ako habang nakatitig pa din sa lola kong nagpapahinga. Lumabas na sya.

 "Cyre, labas lang muna ako ah." sabi ni manang. Tumango na lang din ako at lumabas na sya.

 *deep sigh*

  ~

 "Alis na po kami manang."

 "Sige po. Mag-iingat kayo ah. Cyrus." tumango na lng si Cyrus.

 "Sige po." hinigit ko na si Cyrus palabas. Pupunta kami ngayon sa ospital, pwede na kasi lumabas si lola. Halos 24 hours din sya don. Ang ginawa ko buong araw kahapon ay ang bantayan sya. After pala ng ilang oras kahapon, nagising na din si lola. Pero sabi ng doktor magpahinga daw muna si lola kaya ngayon lang sya pinayagan lumabas.

14 Days RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon