Chapter 16

142 2 0
                                    

Day 12

Nagkulong lang ako sa kwarto. Dahil inayos ko yung mga gamit ko.

Bababa lang ako kung kakain na. Saka alam mo na. may iniiwasan kasi ako. Kaya ayoko din talaga bumaba buong araw.

Wala talaga akong gana ngayong araw.

Day 13 

Maggagabi na. Ayos na lahat ng mga gamit ko. Bukas uuwi na ako sa amin. Si lola na naman ang maiiwan dito sa bahay nya. Hayyy... Maghihintay na naman ako ng ilang buwan bago makapagbakasyon ulit dito. *tok tok* Agad akong tumungo sa pinto at binuksan yun. 

"Kakain na po, miss." sabi nya sakin. 

"Sige po manang. Bababa na po ako." sagot ko sa kanya na nakangiti. 

"Sige po." sabi nya at bumaba na. Sinara ko ang pinto. Nilibot muna ng tingin ang buong kwarto saka binuksan lit ang kwarto at bumaba na.  ~ Tapos na kami magdinner. Hinatid ko si lola sa kwarto nya. Pinaupo ko muna si lola sa kama. Binuksan ko ang tv. Tumabi ako kay lola. 

"Uuwi na ako bukas la." tumingin sya sakin. 

"Naayos mo na ba lahat ng gamit mo, apo? Baka may makalimutan ka." ngumiti ako kay lola. 

"Opo. Na-double check ko na po yun kanina :)" Nagkwentuhan lang kami ni lola. Nang maalala kong bawal na palang napupuyat si lola. 9pm na din kaya pinatulog ko na si lola at lumabas na ako ng kwarto nya. Nakayuko akong naglalakad papunta sa kwarto ko. Papasok na sana ako ng kwarto ko nang mapansing may nakaupo sa tapat ng pinto ko. Tumingin sya sakin. Emotionless. Yan ang nakikita ko sa kanya ngayon. Di ako sanay na Makita siyang ganyan. 

"Papasok na ako." sabi ko na hindi nakatingin sa kanya. Tumayo sya. Buti naman hindi na ako pinahirapan nito. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko at hinigit ako. Yung kuryente. Ghaaad. Galit ka sa kanya, Cyre! Oo nga pala! 

"S-saglit Cyrus. A-aray! Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ako ng tanong sa kanya. Pero kahit isang sagot wala akong nakuha. Hindi naman mahigpit yung hawak nya, mabilis lang sya maglakad. Nagulat na lang ako nakalabas na pala kami ng bahay. Hindi pa din tumitigil si Cyrus sa paghila sakin. Saan ba kasi kami pupunta? Tumigil na si Cyrus.      

O///O    

Ang ganda. Nandito kami sa tabing-dagat. May table for two sa gitna. Tanging buwan at mga kandila lang sa mesa at sa palagid nito ang nagsisilbing liwanag sa lugar na to. Naririnig ko ang mga alon ng tubig. Nakakarelax sa pakiramdam. Bigla ko namang naramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. Niyakap ko ang sarili ko. Naramdaman kong may nagpatong ng jacket sa mga balikat ko. Oo nga pala may kasama ako. I mean may nagsama sakin dito. Tumingin ako sa kanya. Nakatitig lang ata sya sakin kanina pa. 

"A-anong ginagawa natin dito?" tanong ko. 

"Uuwi ka na kasi. Gusto ko lang sana magbigay sayo ng bagay na pwede mo akong maalala." ngumiti sya. Pero it was a weak smile. Ayokong nakikita yung smile na yun. Ngumiti lang ako sa kanya. 

"Tara." hinawakan nya ang braso at hinila ako, in a gentle way, papunta sa table. Inalalayan nya akong maupo. Saka naman sya umupo sa isang upuan. Tinanggal nya ang takip sa pinggan ko. 

"Kain ka." sabi nya na may kasamang ngiting napakatamis. Tiningnan ko ang pagkain. Sinimulan ko ng kainin yun. Hindi naman heavy meal yung kinain namin. Dahil kung heavy meal yun, hindi ko mauubos, nakakain na kasi ako ng dinner diba. Tapos na kaming kumain. Tumayo ako agad at naupo sa buhangin.

Hmmmm.... Ang presko ng simoy ng hangin. Mamimiss ko ang malinis na hangin dito. Naramdaman kong may tumabi sakin. Di ko na kailangan tingnan. Alam ko na kung sino sya. 

14 Days RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon