Chapter 3

141 2 0
                                    

]Day 2

*Yawn*

"Good morning!" sabi ko.

Ganun ako lagi paggising bumabati agad ako kahit wala akong kasama sa room :)

Unat unat. Hmmmm parang amoy lalaki ah. Nakapikit pa din ako kaya dinilat ko na ang mata ko.

Tingin sa paligid.

<.<

>.>

O_O     

"Waaaahhhhh!!"

Tumayo agad sya mula sa pagkakaluhod at tinakpan ang bibig ko.

"Mmmmmm!!!!!"

"Shhhh! Wag ka maingay! Marinig tayo nila nanay!"

"Mmmmm!" 

"Oh sige aalisin ko na to. Basta wag kang sisigaw ha?" tumango ako.

Tinanggal niya agad yung kamay niya sa bibig ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Pinapagising ka kasi ni Lola. Eh ayaw kitang gisingin mukhang sarap na sarap ka sa pagtulog eh. Kaya yun hinintay na lang kita magising. Ok na?"

 "Eh pwede ka namang sa labas na lang muna ah!"

"Eh bakit ba? Gusto ko dito eh! ^_^ Tumayo ka na nga dyan at magbreakfast ka na."

"Oo na. Pwede ka na lumabas." at ayun nga lumabas na sya ng kwarto ko.

Grabe nakakagulat yun ah! Pano ba naman kasi pagtingin ko sa gilid ko nandun sya nakaluhod at nakatingin sakin.

Tsh ayoko pa naman nang may pumapasok sa kwarto ko ng di ko alam.

Anong oras na ba. Tiningnan ko yung clock sa side table and WHAT THE?!

10:30 na?! Grabe naman. Napasarap ata talaga tulog ko ah.

Anong oras pa kaya nandito yung Cyrus na yun. Tsh whatever -_- 

I did my morning rituals tapos bumaba na din ako para makapagbreakfast.

Pagkatapos kong kumain pumunta agad ako sa sala kasi nakita ko dun kanina si lola, minsan na lang si lola lumabas ng bahay kasi nga bawal na sya mapagod ng sobra, nagpaalam lang ako kay lola na pupunta ako sa garden sa may likod-bahay tapos pumunta na nga ako ng garden. 

Ang ganda pa din dito sa garden ni lola. Mas dumami na yung mga tanim niyang bulaklak.

Pinuntahan ko agad yung flower na tinanim ko dito.

Lagi ko to binibisita pag nandito ako, pag wala naman ako si lola na muna ang nag-aalaga.

Wow mas lumago na yung halaman ko. Rose na color pink yung halaman ko dito.

Ito lang yung nag-iisang halaman na ganito sa buong garden ni lola.

Kinuha ko yung sprinkler at diniligan ang halaman ko.

Habang tinatanggal ko yung mga tuyong dahon, may narinig akong kumakanta.

"Do you ever feel

 When you're all alone

 All that we can be

 Where this thing can go

 Am i crazy or falling in love

 Is this real or just another crush"

Hinanap ko kung saan galing yung boses. Lakad lakad lakad. And voila!

May isang lalaking nagtatanim sa mga paso. Tumigil na sya sa pagkanta.

Hmmm... Lumapit ako sa kanya. Di nya ako nakikita. Yung pwesto nya kasi nakatalikod sakin.

Hinawakan sya sa balikat.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!"

14 Days RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon