Chapter 7

136 4 0
                                    

Napadaan kami sa isang comic alley. Wow may comic alley dito :D

I'm fond of liking stuffs in here. Hinila ko agad si Cyrus sa loob.

"Wah ang cute!" sabi ko pagkakita ko kay Rillakuma. Wah gusto ko to!

"Gusto ko 'to!" sabi ko kay Cyrus sabay yakap dun sa bear :D

"Sige bilhin na natin." sagot ni Cyrus pero I can feel that he's not comfortable being here.

"May problema ba?" i ask him habang yakap pa din si Rillakuma.

"Ha? Wala wala. Sige na bilhin na natin yan." nag-smile muna sya, a smile that did not reach his eyes.

At naglakad na sya papunta sa counter. Ano problema nun? Nagkibit-balikat na lang ako at sumunod na din sa counter.

Naglalakad na kami ngayon pauwi. Mas gusto ko maglakad eh. Ok naman daw sa kanya. Halos lahat pala ng pinamili ko sya nagdala. Ang kulit kasi nya eh sabing ako na, kinuha naman lahat sakin. Ang tahimik nya na simula nung pumasok kami sa comic alley.

"May problema ba?" tanong ko. Nakatingin lang ako sa daanan namin pero sa peripheral view ng mata ko, nakita kong tumingin sya sakin saglit tapos binalik na ulit yung tingin sa daan.

"Wala."

"Sigurado ka?" tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Napatigil din sya at humarap sakin.

"Kung ayaw mo sa comic alley sana sinabi mo sakin. Ok lang naman eh." I'm looking at him in the eyes.

"Wala namang problema eh." di sya nakatingin sakin.

"Wala pala eh bakit ang tahimik mo?"

"Wala nga." tumingin sya sakin. Ang lungkot ng mga mata nya.

"Tsk. Ok sabi mo eh." naglakad na ulit ako. Ayoko na syang kulitin. Baka ganun talaga sya, may mood swings. Di pa naman kasi kami masyadong close kaya hayaan na natin.

"Cyrus." tawag ko sa kanya. Naglalakad pa din kami.

"Bakit?"

"Thank you :)" tumingin ako sa kanya at ngumiti. Tumingin din sya sakin.

"Wala yun :)" sagot nya kasama ng isang matamis na ngiti. Ngiti na pilit tinatago ang lungkot na kanyang nararamdaman.

  

~

"Good evening la! :)" pumunta agad ako sa dining area kasi alam ko sa mga oras na to kumakain na si lola. Lumapit ako kay lola at nagmano.

"Oh apo, kadadating nyo lang?" tanong ni lola. Nilalagyan na sya ni manang Linda ng kanin sa pinggan.

"Opo. Hehe :) Pasensya na po kung ginabi kami ah." umupo na din ako.

"Ok lang yun apo. Nag-enjoy ka ba?"

"Opo :D Gusto ko sana sa fiesta maglibot ulit tayo. Kasama ka la :) Ano gusto mong ulam?"

"Ayan na lang *turo sa pagkain* kung kaya ni lola apo :)"

"Haha! Sige po ah!" nilagyan ko na si lola ng ulam.

"manang Linda, sabay na po kayo sa amin. Pakitawag na po si Cyrus."

"Ah sige po. Saglit lang po." umalis na si manang Linda.

"Kain ka na la :)"

"Eh ikaw apo?"

"Mamaya po pagdating nila manang. Kain na la para makapagpahinga ka na agad."

"Ah sige apo." at kumain na nga si lola. Maya-maya dumating na din sila manang. At nagsimula na kaming kumain. Nauna akong natapos, sumunod si lola. Hinatid ko na agad si lola sa kwarto nya at bumaba ulit.

"Cyrus, san mo nilagay yung pinamili ko?" tanong ko kay Cyrus na kasalukuyang inaayos ang mesa.

"Nilagay ko na sa kwarto mo :)" tinulungan ko sya sa pagliligpit.

"Nako Cyre wag na. Ako na lang magpahinga ka na." sabay kuha ng pinggan na hawak ko. Hindi naman malakas yung pagkakakuha nya. Ang gentleman nung way nang kinuha nya yung pinggan sa kamay ko.

"Sige na tutulong na ako." kukuha ulit sana ako ng pinggan pero inunahan nya ako.

"Wag na Cyre. Sige na alam ko napagod ka kanina sa paglilibot. Kaya ko na to. Sige na akyat ka na." patuloy lang sya sa pagliligpit habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

"Thank you." biglang lumabas sa bibig ko habang pinapanuod sya sa ginagawa nya. Napatingin sya sakin at nagtanong

"Huh? Para saan?"

"Sa pagsama sakin kanina. Nag-enjoy talaga ako :)" nakangiti kong sabi sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya.

"Wala nga yun. Ok lang yun :)" yung ngiti nya. Napakaganda sa paningin.

*Dub dub*

Pakiramdam ko'y namula ang mga pisngi ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko.

>///<

Agad kong iniiwas ang tingin ko sa mukha may napakagandang ngiti. At hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun.

"Hehe... Ah sige akyat na ako ah. Salamat ulit :) Good night :)" pinilit kong ngumiti sa kanya para hindi niya mahalata ang pagkailang ko. Naglakad na ako ng mabilis para makarating na agad ako sa kwarto para makapagpahinga.

14 Days RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon