Chapter 9

147 3 0
                                    

"Wahahahahahahaha!! Panalo ako! Wahaha! XD akala mo ah!"

"Waaaahhhhh T-T Nakakainis ka naman Cyrus eh! Ang daya mo!"

"Haha! Ano madaya dun? Lumangoy lang naman ako ah. :P"

"Basta ang daya mo! T-T Nuod na tayo ng sunset :D"

"Tara dun tayo. :)"  dun kami naupo ni Cyrus sa parang malaking bato na pwedeng upuan. Umupo na kaming dalawa. Pinapanuod lang namin ang unti-unting paglubog na araw.

"Hayyy ang ganda talaga ng sunset :)" tumingin ako sa kanya. Ngumiti din sya sakin. Ang ngiting napakaganda sa paningin ko.

"Naranasan mo na bang panuorin ang sunset kasama ang isang napakaimportanteng tao sa buhay mo?" tanong ko sa kanya habang nanatiling nakatingin sa langit.

Lumingon sya sakin saglit saka binalik ulit ang tingin sa langit.

"Hindi."

"Ah. Ako, palagi kong pinapanuod ang paglubog ng sunset... Pero ngayon lang ako nagkaroon ng kasama sa pagnuod nito." umusog ako papunta sa tabi nya saka ko sinandal ang ulo ko sa balikat nya.

"Ang sarap pala sa pakiramdam ang mapanuod ang paglubog ng araw ng may kasama :)" "Oo nga eh. Sana napanuod din nya 'to ng magkasama kami." napatingin ako sa kanya. Ang lungkot na naman ng mga mata nya.

"Sino?" tanong ko. Napalingon sya sakin sabay ngiti. Pero gaya nung nasa comic alley kami, hindi na naman yun umabot sa mga mata nya.

"Wala. Haha..." binalik nya na ulit ang tingin sa palubog na araw.

"Tingnan mo *sabay turo sa tinitingnan nya*" lumingon naman ako doon at sumandal ulit sa balikat nya.

"Ang ganda :D"

Pinanuod lang namin ang paglubog na araw hanggang sa tuluyan na itong nawala. Tumayo na kami.

"Cyrus, ang ganda noh! Mas masarap pala sa pakiramdam na may kasama kang manuod ng sunset :D"

"Haha! Oo nga eh! Ngayon lang kasi ako nakanuod." ngumiti sya. Ngiting natural. >///<

Naglalakad na kami pabalik sa bahay. Baka nag-aalala na sina lola.

"Cyrus..." tawag ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Bakit?" tumingin sya sakin tapos tingin ulit sa daan.

"Salamat :D" tiningnan ko sya na may kasamang napakalapad na ngiti.

"Wala yun :) Nag-enjoy ka ba? :)" tumingin din sya sakin at ngumiti. Pinakita nya na naman sakin ang napakagandang ngiti na sa kanya ko lang nakita. *Dub dub*

"O-oo naman! Hehe :D *sabay iwas ng tingin* Nag-enjoy talaga ako. Buti na lang may kasama ako :D" ghad! Medyo nautal pa ako sa pagsagot kanina dahil sa ngiti nya.

"Buti naman :) Magkwento ka kay lola. Para malibang sya kahit papano :D" napakabait nya talaga *O*

Day 5

"You lift my feet off the ground

You spin me around

You make me crazier, crazier"

Nandito ako ngayon sa garden. Wala lang, gusto ko makita yung mga flowers :D

"Feels like I'm falling and I

I'm lost in your eyes

You make me cra- Aaahhhh!" aray ko po. Ang sakit ng pwet ko T-T Nadulas kasi ako eh. Ang tanga ko talaga!

"Oh ano nangyari? Ok ka lang ba? *hawak sa pisngi ko*"

"*tulala*" -ako

"Uy! Ano ok ka lang? *tapik tapik sa pisngi*"

"*back to reality* Ah! O-oo o-ok lang ako." tatayo na sana ako kaso natumba ulit ako.

"Aaahhhhh!" "Tsk. Yan ba ang ok?" ang seryoso ng mukha nya.

>///< 

"Hehe.. Ang sakit."

"Tara na nga. Pasok ka na sa loob. Kaya mo ba tumayo?"

"O-oo naman." ngumiti ako ng pilit kahit alam kong parang di ko kaya tumayo. Ni-lend nya yung kamay nya sakin. Kinuha ko naman tapos tumayo na ako. Wooohhh! Ang sakit pa din ng pwet ko! T-T

"Uy! Anong ginagawa mo? Cyrus!"

"Wag ka ng magulo. Alam ko di mo kaya maglakad. Sa susunod mag-iingat ka na ah :)" bigla ba naman kasi akong binuhat. Yung pang-kasal >///< Grabe ah. Kanina pa ako pinapakilig nitong crush ko XD At sa kabila ng sakit ng pwet ko, kinikilig pa din ako :D

"Dadalhin na lang kita sa kwarto mo para magpahinga ka muna :)" kyaaahhhh! Yung ngiti nya, napakaganda pa din >///<

tumango na lang ako kasi parang di ako makakapagsalita sa sobrang kilig.

14 Days RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon