Chapter 15

120 3 0
                                    

"Good evening, la." bati ko kay lola bago umupo.

"Good evening din, apo. San ka galing kanina?"

"Nag-gala-gala lang po. Malapit na kasi ako umuwi eh :) Hehe... Binili pala kita ng biscuit la."

"Ah. Salamat, apo."

"Wala po yun, la. Kain na tayo :)" kumain na kami. Kasabay pa din namin sina manang at Cyrus.

Pero iniiwasan ko sya. Wala akong pakialam sa kanya. Kwento lang ng kwento si lola. Naku mamimiss ko si lola. Sigurado matagal pa bago ako makabalik ulit dito. Pagkatapos kong kumain, nagpaalam agad ako kay lolang mauuna na akong umakyat, napagod kasi ako sa paglilibot kanina.

Inayos ko yung mga nabili ko kanina. Kinuha ko yung kay lola at lumabas ulit ng kwarto. Pumunta sa kwarto ni lola at binigay iyon sa kanya. Nagulat ako nang paglabas ko ng kwarto ni lola ay nakita ko ang mukha ng taong ayoko makita. Pinilit kong ngitian sya at naglakad na papunta sa kwarto ko. Naramdaman kong may humawak sa braso ko. Hindi ako lumingon sa kanya.

 "Inaantok na ako. Gusto ko na matulog." sabi ko ngunit hindi nya pa din binibitawan ang braso ko. Tumingin ako sa kanya. Ang lungkot na naman ng mga mata nya. Dahil ba sa iniisip niyang iniwan sya ulit ni Ashley o dahil ni Cyre? Naiiyak na naman ako. Unti-unti ko ng tinanggal ang pagkakahawak nya sa braso ko. Tsaka nagmadaling naglakad papunta sa kwarto ko. Sinara ko ang pinto, binagsak ang katawan sa kama saka umiyak. Di ko na napigilan yung luha ko. Nasasaktan ako pag nakikita kong ganun yung mata nya at hindi ko alam kung dahil ba sakin kaya sya nalulungkot o dahil sa iba. Lahat ng pinakita nya sakin, isang kasinungalingan lang. Sinabi nya sa aking mahal nya ako dahil nakikita nya si Ashley sakin. Ayokong maging replacement lang. Gusto ko mahalin ako bilang ako at hindi dahil sa nakikita nya ang ibang tao sakin. Nang nagsawa na ang mata kong umiyak, pumunta ako sa veranda. Ang lamig ng hangin. Anong oras na kaya.

Naalala ko nung nandito din ako sa veranda nun tapos tinanong ko si Cyrus kung pwede ba ako sumama sa kanya. Tumulo na naman yung mga luha ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Feeling ko napaka-fragile kong tao pag umiiyak ako. Masyado ng malamig. Pinunasan ko ang mga luha ko at pumasok na para matulog.

  ~

]Day 11

"Good morning! *yawn*" a brand new day. 3 days na lang uuwi na ako :( Mamimiss ko si lola. Eh kung dalhin ko kaya si lola ngayon sa dagat? :) Magmi-mini picnic lang kami. Tama! Bumangon na ako and did my morning rituals. Saka bumaba. Kumain kami ng breakfast. Pagkatapos kumain, dinala ko muna sa sala si lola saka ako bumalik sa kusina. Sakto nandito pa si manang, naghuhugas ng pinggan.

"Manang" napalingon sya sakin.

"Bakit po, miss?"

"Gusto ko po sana mag-picnic tayo sa dagat. Malapit na po kasi akong umuwi eh. Bonding lang po :D"

"Ay sige po miss. Matutuwa po si Ma'am nyan." nakangiting sagot sakin ni manang. Nginitian ko sya saka sumagot,

"Gusto ko po sana magdala ng kahit mga sandwich, snacks and drinks lang po."

"Sige po Miss. Ihahanda ko kaagad pagkatapos ko po dito."

"Sige manang. Mag-aayos na po ako :)"

"Sige po." sagot ni manang saka ipinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan. Ako naman pinuntahan agad si lola at sinabi sa kanya yung gagawin namin. Pumayag naman agad si lola. Umakyat na agad ako para kunin yung phone ko, nagdala na din ako ng towel. Syempre magsswimming ako noh! :) Si lola sigurado akong hindi to magsswimming. Ganun naman si lola eh. Kahit na relatives namin kasama namin, hindi talaga nagsswimming si lola. Di ko alam kung bakit. Bumaba na ako. Pinuntahan ko si manang. Naglalagay na sya sa basket ng mga dadalhin namin. Kumpleto kasi dito sa bahay ni lola. Akala mo may grocery store.Haha!

14 Days RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon