KABANATA XX

12 3 3
                                    

Philip's POV

" Lintek na babae yun' balak pa ko gawing minion o spongebob, gusto pa kong tanggalan ng tainga " sinasambit ko habang medyo napapainda pa ako sa sakit. Baka di pa natatapos yung' taon, mamatay na ko sa kamay ng babaeng yun'. Badtrip.

Papunta na ako ngayon sa clinic, para lang matulog. Sabihin ko na lang na medyo nahihilo ako o hindi ko kayang pumasok. Baka pumayag naman yung' nurse— dapat lang na pumayag.
Pabukas na sana ako ng pinto nang bigla na lang ako nakarinig ng usapan mula sa loob. Ano ba yan, may mga tao.

Sinilip ko muna kung sino sino ang nasa loob. Teka, sila yung' mga babae kaninang kaaway ni Sophia ah. Pero dalawa lang yun' , sino naman itong isa?

" Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak nung' Lark na yun. Mas kinampihan niya pa yung' babaeng yun' kaysa satin. Kahit ako na yung' sinaktan. " sambit nung isang babaeng nasa kama.

" Hays. Hayaan na lang kaya natin si Sophia. Alam niyo, masasaktan lang tayo e'. To think na nananakit na siya. Iwasan na natin mga sis. Wag na natin sundin yung' utos ni— " sabi nung babaeng nakaupo sa tabi niya pero naputol ito nang bigla niya itong patahimikin

" SHHHH!!! Wag ka ngang maingay! Wag na wag mong babanggitin ang pangalan niya! Paano kung may makarinig sa'yo? " sambit ulit nung isa. Utos? May nang-utos? Ang co-corny naman ng mga to' Ano to, university teen story? May bullying tapos may mastermind?

" Bakit ba kasi kayo nagpapa-alipin sa kanya? Tignan niyo yung' napapala niyo. Kayo lang din ang nasaktan. " sambit naman nung isang babaeng nakaupo din sa tabi nila pero nakatalikod siya, kaya di ko makita ang mukha mula sa pinto. Pero familiar ang boses, parang narinig ko na kung saan.

" Kami lang ba? As far as I know, nahulog ka na din agad doon kay Lark. And all of my chika about Lark na may gusto kay Sophia, is masakit din para sa'yo, diba? "

Ha? Hakdog—

May gusto itong babaeng nakatalikod kay Lark? Tapos sino? Si Lark? Na kapatid ni Seren? May gusto kay Sophia?

At itong si Sophia? May gusto sakin? — Wala lang, naidagdag ko lang. Malay mo may gusto sakin yun. Kung nagkataon, parang na kaming nasa teleserye

" Kaya nga e. Bakit ba ko nadadamay sa inyo? Hindi naman ako kasali sa pagkakasundo niyo doon sa artistang yun' Tapos ngayon, nasasaktan din ako "

Artista?

" SHHH!!!! Ano ba kayong dalawa! Huwag nga kayong maingaaay!!! Wag na wag niyo babanggitin yung word na artista, yung pangalan, maging characteristics niya!!! " sambit ulit nung' nasampal. So artista pala ang nag-utos? Anong kalokohan yun' ? Ang babaw mag-isip. Bakit naman nila iinisin si Sophia, at ipalabas na masama yun' estudyante sa lahat? Para saan? — Baka para sakin. Baka yung nang-utos na yun' may gusto sa akin tapos nalaman niyang may relasyon kuno kami ni Sophia kaya naman gusto niya, maging miserable ang buhay nit—

" Please Philip, just one minute "
" Mahal kita! "

Teka, hindi kaya si ...

" Kailangan mag-reklamo ako sa dean's office. Sasabihin ko na sinaktan ako ng babaeng yun' para masuspend siya. Nang sa ganun, mawala siya sa landas niya, kay Philip, at sa atin. "

I knew it.

Bago pa nila napatuloy ang pag-uusap nila, binuksan ko na ang pinto, na ito naman ay kanilang ikinagulat.

" P-philip? "

Napatayo silang lahat, pati na rin yung babaeng nakatalikod kanina. Wait, siya si Alona diba? Pinsan ni Ceph? Siya yung may gusto kay Lark? Na may gusto kay Sophia? Na may gusto sakin— hindi sa assuming pero malay mo naman ehe

ANG BINIBINI NG ACADEMIA || ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon