Sophia's POV
Napakadaldal.
" Pwede bang iwan mo na lang ako? Bumalik ka na doon. Ang dami ng news about sa atin. Dahil sa'yo, first time akong napag-usapan sa social media, napalabas sa mga news at articles. Gusto mo talagang, sundan pa tayo ng mga estudyanteng paparazzi dito? At pag-usapan nanaman? " inis kong sabi sabay cross arms.
" Bakit, akala mo ba sinundan kita dito? P-pumunta lang ako dito kasi ayoko din pag-usapan sa loob. " tapos aakmang uupo siya sa tabi ko.
" Anong ginagawa mo? " sabay tayo kong sabi.
" Wala. Ano bang sinasabi mo? " sabay tayo ng maayos. Pag-tayo ko kasi, di na niya tinuloy ang pag-upo.
" Bakit ka lumalapit sakin? " sambit ko. Pinapalayo ko na kasi siya pero balak pa niyang maupo sa tabi ko. Hindi kaya, may balak nanaman ito?
" Bakit? Bawal din bang umupo dito? "
" Dati ka bang tanga? " sambit ko habang nakatingin sa kanya. Siya naman kumukunot na ang noo.
" Anong sabi mo? "
" Oh, hindi ka lang tanga. Bingi ka din? " inis kong sabi na siya din, mukhang napipikon na.
" Ano bang problema mo sakin? Nagkakadarapa yung' mga babae na makita ako. Tapos ikaw, parang ang tingin mo sakin, virus? "
" OO! Isa kang malaking virus! Hindi ka ba nag-iisip? Alin ba sa mga sinabi ko kanina ang hindi mo naintindihan? Pwede bang humanap ka ng pagtatambayan mo? Alam mo naman na pag nakita nilang magkasama tayo, dudumugin ako ng tao! " galit kong sabi.
" Iyon nga ang gusto ko e. " tapos akmang lalapitan niya ako.
" Ano?! Gusto mong dumugin ako?!!! "
" Hindi, ikaw ang gusto ko " at parang siyang siraulong lumalapit na sa akin.
" Anong ginagawa mo? D-diyan ka lang! L-lumayo ka!!! " at lumalayo na ako sa kanya, pero siya parang asong mabagal na lumalapit sakin, at anytime mananakmal. Nakakatakot.
Hindi na siya nagsalita at patuloy pa din siya pag-lapit sakin.
Teka bakit ba ko lumalayo?
Ganito yun' mga nababasa ko sa mga books at novelas. Kunwari, itong si lalaki may akmang gagawin sa girl tapos si girl naman matatakot. Lalayo, hanggang sa ma-corner sa pader. Tapos, kunwari hahalikan and then bubulong pala, may sasabihing nakakairita tapos aalis na. Tapos si girl naman magmumukhang tangang nakatulala. Tapos kadalasan yung' mga ganun, nagiging sila sa ending. Lintek, ang corny diba?
Kung ganun' din mangyayari samin, may chance na maging kami. Like yuck— ayoko ang cringy
Itinigil ko ang pag-lakad ko ng pabaliktad at siya naman napatigil din at nabigla sa ginawa ko.
" Oh bakit ka tumigil? Hindi ka na natatakot sa akin? " sambit niya na lalo kong kinaiinis.
Hindi ako nagsalita at straight face akong tumingin sa kanya.
" Ah alam ko na, gusto mo din ako? " sabi niya na may nakakainis na ngiti
Hindi pa rin ako nag-salita at humakbang ako ng isa papalapit sa kanya, na siya naman parang nagtataka na sa ginagawa ko. Pero ngumiti lang ulit.
" Sabi na nga ba e. Pa-ayaw ayaw ka pa. " ngiti niya uling sabi sabay humakbang din siya ng isa papalapit sa akin. Ngayon, halos 1 inch na lang ang pagitan namin.
Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya, na siya naman nakangiti pa din na akala niya may gusto ako sa kanya at may gusto akong gawin sa kanya. Kapal ng mukha
BINABASA MO ANG
ANG BINIBINI NG ACADEMIA || ON GOING
Teen FictionThere's a girl named Sophia who studying in Ligaya Academia. She loves to write stories and poems and for being inlove with the pen and paper, she wants to be an author someday and be a writer in a different roleplays, theater acts, films, movies, a...