KABANATA XV

15 2 0
                                    

Philip's POV

" Aish, gusto ko ng umuwi!!! Bakit pa ako makikisali sa celebration nila, di ko naman sila close!!! "

" Ano ka ba naman, part ka ng AAC ENT., dapat magpakita ka ng support sa success ng bawat tao doon! " usap ni Manager Tave habang nag-dadrive. Ako naman nasa likod passenger's seat lang at kanina pa naiinis. Bakit pa kasi ako pupunta sa AAC Ent para sumali sa celebration nila tungkol sa success ni Seren. Ni hindi nga kami close ng model na iyon, bakit ko siya pag-aaksayahan ng oras?

" Ah basta, huwag ka ng makulit! Kailangan natin mag-punta doon— "

" Bakit pati ikaw?! Artista ka ba?! Model ka ba?! 

" H-hindi pero manager m-mo ko! Dapat may nagbabantay sa'yo "

" Di ko kailangan ng aso " pang-iinis ko pa sa kanya na parang di naman effective. Hays, sinasama niya lang ako kasi gumagawa siya ng dahilan para makapunta siya at makita si Seren. Napaka-obsessed sa babaeng di naman niya ka-level.

" Kahit ano pang sabihin mo, pupunta tayo "

" Aish, ano bang magagawa ko? Sumbongero ka! Kapag iniwan kita, alam ko naman na isusumbong mo nanaman ako kay Dad. Sasabihin mo, di ako sumusunod, ganyan ganito. Kahit di naman importante, pupuntahan natin kasi gusto mo "

" H-hindi ko gusto ang pumunta doon! Inaalala ko lang yung career mo! Kapag nakita ka nila doon na nagbibigay ng support, iisipin nila na mabuti kang artista kahit ang totoo, hindi naman. "

" ANO?! " napataas ko ng boses pero siya, natawa lang at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Siya dapat ang mapikon sa mga sinasabi ko sa kanya pero parang ako pa yung mas lalong naiinis. AISH!!!!! BWISIT!!!!

-

" Teka, bakit ang dilim dito? " sambit ko pagkatapos namin buksan ang pinto ng isang office. Akala ko ba may celebration, pero bakit walang ilaw?

" Tara, dito! " mahinang boses na narinig ko na dahilan para mapalingon ako. T-teka? A-ano yun?

" M-manager— "

" A-ack! Bakit? " mahinang inda ni Manager dahil sa pagkakahigpit ko sa hawak ko sa braso niya, mukhang m-may multo kasi sa loob ng office.

" N-narinig mo yun? Mahinang b-boses? M-may multo ata— "

" Ano bang ginagawa ninyo? "

" WAAAH!!! WAAAH!!! MAY MULTO— " napatigil na lang ako sa pagsisigaw ng takpan ni manager ang bibig ko at parang may kinakausap sa loob ng office na hindi ko naman nakikita dahil madilim ang paligid.

" P-pasensya na— "

" Nevermind, bilisan niyo na, pumunta kayo doon sa gilid baka dumating na siya. " rinig kong boses ng isang babae. Dali dali naman akong hinila ni Manager sa kung saan.

" A-ano bang nangyayari? " tanong ko habang ang mata ko wala pa rin nakikitang kahit na ano.

" Basta pag bumukas yung ilaw, sabihin mo surprise " sambit ni Manager na ako naman ay naguguluhan pa din.

Nabigla na lang ako ng may nakabangga sa akin ng bahagya.

" S-sorry " sambit ng isang babae. Teka? Familiar ang boses ah? Parang narinig ko na ang boses niya sa kung saan— aish!!! BAKIT ANG DILIM!!!!!

" Nandiyan na siya!!! " sigaw ng isang lalaki at narinig ko ang footsteps niya papunta sa lokasyon kung saan ako nakatayo.

Nabigla na lang ako ng may taong bumunggo ulit sa akin. But this time, hindi lang ako basta nabangga, natumba ako sa sahig at ngayon salo salo ko ang isang tao na nakadapa sa harapan ko.

ANG BINIBINI NG ACADEMIA || ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon