KABANATA VII

18 4 0
                                    

Sophia's POV

Hindi ako naniniwala sa isang pag-mamahalan,
sa sinimulang pag-ibig na magwawakas sa kasiyahan.
Dahil darating ang araw na mag-hihiwalay,
ang dating sigla ng pag-ibig, ay tatamlay.

Na-itigil ko ang pag-susulat nang biglang may tumawag sa akin.

" Ms.Chennai? Naririnig mo ba ako? "

Si Prof. Vill pala ay tinatawag na ako. Hindi ko alam na mayroon pala siyang tinatanong dahil focus ako sa pag-gawa ng tula.

Napansin ko naman ang katabi niyang estudyante. Teka, siya yung lalaking naka-bangga ko at naka-salo sa akin ah? Siya ay isa sa mga transferees?

" M-may tinatanong po kayo? " napatayo kong sambit ko na tanging boses ko lang ang umalingawngaw dahil sa tahimik ang buong klase at karamihan sa kanila, nakatingin sa akin. Medyo nanginginig na din ako sa takot. Si Prof. Vill kasi ay gay at alam niyo naman, mas nakakatakot ang mga teacher na gay kapag nagagalit.

" Tinatanong kita kung anong mai-tatanong mo kay Lark na bago niyong kaklase. Hindi ka kasi nakikinig. " medyo inis na sabi ni Prof. Vill sa akin na ako naman napa-tungo. Mapapagalitan pa yata ako.

" P-pasensya na po... "

Biglang rinig ko ang mga footsteps na palapit sa akin. At napa-angat ang ulo ko ng makita ko si Prof., nasa harapan ko na.

" Diba, kapag simula na ng klase ko, dapat lahat kayo naka-tutok at naka-focus sa akin. Hindi sa ibang bagay. " pa-galit nitong sabi at bigla na lang kinuha ang compilation ko ng mga papel kung saan ako nag-susulat ng mga tula.

" Teka po Prof, wag po iyan— " naiiyak kong sabi. Paano naman kasi, okay lang sa akin na kunin niya ang isang papel na ginagawa ko kanina, pero yung' lahat kukunin niya. Matagal kong pinag-paguran gawin ang mga tulang ito tapos kukunin niya lang. Hays! Bakit ba kasi hindi ko muna tinigil nung nandiyan na si Prof?!

" Ms. Chennai, ayokong maging masama, maging sa'yo o sa iba mong kaklase. Pero kapag oras ng klase ko, dapat walang ibang ginagawa! " pa-sigaw nitong sabi at balak nang punitin ang mga papel kung saan nakalagay ang mga tula ko..

" Sandali lang po! " this time, tuluyang tumulo na ang mga luha ko. Kasi, mga tula ko iyon! At pupunitin niya lang! Mahalaga sa akin iyon lahat!

Bago niya pa punitin, nabigla na lnoang ako nang may humablot sa mga papel ko at bigla na lang nag-laho sa kamay ni Prof.

Napatigil na lang sa pag-tulo ang luha ko nang makita ko kung sino ang kumuha.

" Philip?! Si Philip!!! "
" OMG!!! "
" Waaah! Si Philip!!! "

Mga sigaw ng mga kaklase ko habang ang iilan sa kanila ay nilabas na ang cellphone. Ako naman, napa-titig lang sa kanya. Totoo bang nakikita ko? Yung artistang sikat na naka-uniform ang nasa harapan ko ngayon?

" P-philip?! " utal na tanong ni Prof.

" Anong ginagawa mo, Prof? Bakit po kayo nag-papaiyak ng babae? " medyo magalang pero maangas niyang tanong. Kita ko din sa mata niya ang inis dahil sa ginawa ng prof namin. Ibig sabihin ba nito ay, pinagtatanggol niya ako?

Imbes na pagalitan siya ni Prof na iyon naman ang ine-expect ko, nabigla na lang ako nang mag-labas ito ng phone.

" H-hindi. Nag-uusap lang kami. M-may sinabi lang akong good news sa kanya, tears of joy lang ang mayroon siya ngayon. Diba iha? " tingin nito sakin.

Ako naman, hindi ko alam ang sasabihin kaya tumango na lang ako at pinunasan ang mga luha ko.

Yung' Philip naman, binigay na sa akin ang mga papel ko at agad ko naman itong niyakap. Waaaah! Ang mga papel ko! Muntik na kayong mawala! Buti na lang at hindi natuloy ang pag-punit sa inyo!

ANG BINIBINI NG ACADEMIA || ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon