KABANATA XIX

7 2 1
                                    

Lark's POV

" Pwede po bang pumasok? "

" Ay sige sige. Okay naman na si Ms. Maui, maiwan ko na kayo. " sabi nung nurse at umalis na ito.

" Salamat po " sambit ko at tumangl na lang ito sabay sarado ng pinto.

Nandito kami ngayon sa clinic, kasama si Maui, ang isa sa mga kaklase at kaibigan ni Alona.

" Thank you for saving my life!!! Did you saw that? Si Sophia? Grrr! Nakakatakooot. I didn't expect na ganun' siya ka - aggresive. Nakuha niya ng manakit ng tao " and she act na parang takot na takot.

" Anong ginawa mo sa kanya? "

" Me? N-nothing. Bigla na lang niya ako sinabunutan "

" Talaga bang wala kang ginawa? " tanong ko na siya naman, parang kinakabahan at iniisip kung ano ang sasabihin niya.

" W-wait? Are you asking me because you think na ako ang masama dito? "

" Wala akong sinabi. Ikaw nag-sabi niyan. "

" Meaning ba, kinakampihan mo ang witch na babaeng yun'? Ako yung' nasaktan dito. She deserve na mapunta sa guidance at mapatawag ang parents niya. Dapat ma-suspend din siya for 1 week— no, for 1 month! " pang-gagalaiti niyang sabi at mahahalatang wala ng masakit sa kanya.

" Hindi naman kasi siguro gagawin yun' ni Sophia kung hindi niyo siya ginalit— "

" Wow, so you're telling me nga na masama ako? Kami? Kilala mo na ba si Sophia? Transferee ka lang naman. As if naman na kilala mo ang ugali ng witch na yun'. " and then she rolled her eyes.

" Kilala ko man siya or hindi, obvious naman na pinagtulungan niyo siya. Kahit saang anggulo tignan, may mali rin kayo kasi ginalit niyo yung' tao "

" So, napanood mo kami kanina? Simula pa lang? Then, bakit mo sinabi kay Sophia na mapagpanggap siya— so hindi ka totoong galit sa kanya? "

" I just have no choice. Nasa sahig ka kanina. Kailangan lang kita ipunta dito, para malayo na rin sa kanya at tumigil na yung' gulo. Pag hindi ko kasi sinabi yung' salitang yun', hindi kayo titigil. Halatang, gusto niyo lang talaga ng atensyon. "

" Wh-what did you say?! "

" Natuwa ka kasi akala mo kinampihan kita, kaya huminto ka sa pananakit sa kanya. Pero kung hindi kita pinansin at mas kinampihan ko siya, mas lalo niyo lang siya pagkakaguluhan " sambit ko habang napapahawi ako ng buhok.

" H-how dare you! "

" Alam ko ngayon na sobrang inis ka na sa kanya kasi may mga taong concern sa kanya, at mas lalo mo siyang panggigigilan. But, I'll assure you na, lagi na akong nasa tabi niya. And no one can hurt her again, physically and emotionally. "
" Ang kapal mo— "

" It seems that you are okay now, I have to go. " at akmang aalis na ako. Nang mapahawak ako sa pinto, ay saka naman siya nagsalita dahilan para mapahinto ako.

" Did you like her?! Do you have feelings for her?! "

Hindi ako nag-salita.
Siguro nga, may gusto na ako kay Sophia. Ang bilis, no?

" What the heck. Ilang araw ka pa lang nandito and you figured out na may gusto ka na sa kanya? Nababaliw ka na ba? Don't believe in love at first sight, ew HAHAHAHAH " at tumawa lang siya ng tumawa. Yung' parang walang bukas.

" Maybe I fell in love at first sight. But atleast, I'm not like you. Uhaw sa mga idols na hindi naman kilala pero sinasabing mahal nila. Mga obsessed na nagkakandarapa, nagpe-please pa na apakan sila. Umay " at ngumiti lang ako pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto.

ANG BINIBINI NG ACADEMIA || ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon