KABANATA IX

19 4 5
                                    

Philip's POV

" Mr. Philip, bakit ngayon lang po kayo— "

" Gusto ko nang mag-pahinga, dalhan mo na lang ako ng kape sa kwarto ko " sambit ko kay Yaya Mina na ngayon ay hindi na nag-salita at tumungo na lamang saka umalis para pag-timplahin ako ng kape.

Habang paakyat ako ng hagdan papunta sa kwarto ko, mabilis kong niluwagan ang necktie sa leeg ko dala na rin ng inis. Bwisit na babaeng iyon! Ang lakas ng loob na itulak ako!

Ginawan ko na ng kabutihan, sinuklian pa ako ng masama.

Hays, yung relo ko! Napakahalaga sa akin non!

Humanda talaga siya sa akin bukas! Kukunin ko ang bag niya, o kapain sa bulsa niya, lahat gagawin ko kahit hubaran— I mean hindi, masama yon. Basta! LAHAT GAGAWIN KO, MAKITA KO LANG ANG RELO!!!

Bago pa ako tuluyang naka-akyat, bigla na lamang may tumawag sa akin.

" Philip "

Pag-lingon ko, kita ko si Dad na masamang naka-tingin sa akin.

Hindi ko na lamang siya pinansin at tuluyang umakyat.

Kaso isang hakbang pa lang nagagawa ko nang magsalita ulit siya.

" Come to my room, now! " sambit niya pero hindi ko ito pinansin.

" Kapag hindi ka pumunta, hindi ka na mag-aartista " seryoso niyang sabi at umalis na lamang. Bwisit talaga! Bakit siya ang kailangan mag-desisyon para sa buhay ko?! Ako ang may-ari ng katawan ko, ng isip ko! Pero bakit ba nagiging kontrabida siya sa buhay ko?! Bakit parang siya palagi kumo-control sa akin?!

***

" Ano bang gusto mo? Sinunod ko na ang utos mo sa manager ko na pumasok sa academy na iyon. Bakit pati yung pag-aartista ko, gusto mong bawalin sa akin? " bungad kong sabi pagkatapos kong pumasok sa kwarto.

" Sabi ko mag-aral ka. Mag-focus ka sa pag-aaral. Pero bakit ibang course ang kinuha mo? Bakit sinabi mo sa manager mo na ibang course ang kunin mo at hindi business management? "

" Para ano? Para manahin ang kumpanya mo? Para gawin ko din ang ginagawa mo? Alam mo, dahil sa'yo, namatay si Mom. Hindi pa sana siya mamamatay kung inalagaan mo siya noon at pinili mo siya kaysa sa pagpapatakbo ng kumpanyang yan' ! " sigaw ko sa kanya na parang bang hindi siya ang Dad ko. Bastos na kung bastos, pero hindi naman talaga siya dapat igalang, hindi siya kagalang galang!

" A-aba! Sumosobra ka na! Bakit ba sa akin mo laging sinisisi ang pag-kawala ng nanay mo? Hindi ako ang may kasalanan! Hindi ko kasalanan na nagka-cancer siya— "

" Sana inalagaan mo siya noon! Sana iningatan mo siya! Pero hindi iyon ang ginawa mo! Pinili mo ang kumpanya na isalba kaysa isalba ang buhay ng nanay ko! Sana— s-sana ikaw na lang ang namatay!!! " sigaw ko sabay buhos ng luha ko. Hindi ko na napigilan na tumulo sila, sobrang sakit. Sobrang sakit mawala ang pinakamahalagang babae sa buhay ko.

Bigla na lamang niya ako nilapitan at binigyan ng isang pinakamalakas na suntok dahilan para bumagsak ako sa sahig.

" A-ang lakas ng loob mong sabihin sa akin yan! Wala kang alam!!! " at inalisan na lamang niya ako sabay sa malakas na pag-sarado ng pinto.

Hinawakan ko ang labi ko, at nakita kong may dugo ito. Agad ko naman itong pinunasan ng palad ko at napatingin sa malayo.

Kahit pa nakadilat lang ang mata ko at ang mukha ko ay tila seryoso, nananatili pa din sa pag-bagsak ang mga luha ko.

Umiiyak ako hindi dahil sa pag-kasuntok. Umiiyak ako dahil, nangungulila ako sa Mom ko.

Ang katawan ko, pwedeng masugatan, pero mabilis itong gagaling at hihilom. Hindi tulad ng sakit na nasa dibdib ko, hindi basta basta nag-hihilom.

ANG BINIBINI NG ACADEMIA || ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon