Sophia's POV
Binibining Sophos signing in...
Binuksan ko ang website ko, pati na din ang facebook account. Balak ko kasing ipost ang picture ng relo para ipag-tanong tanong kung kanino ito.
Mayroon akong website, a writer vlog account. Dito ko ibinubuhos ang mga hinanaing ko sa buhay sa papamagitan ng mga maikling kwento, mga tula, at iba pang literatura.
Bukod sa website, mayroon din akong facebook account. Ibinabahagi ko din ang mga na-ipopost ko sa website sa account na ito.
Sa Ligaya Academia, halos lahat ng estudyante doon ay friends ni Binibining Sophos. Pero si Sophia Yurii Chennai, wala. Wala kahit isa.
Siguro maraming nakaka-usap. Pero ka-close, wala. Waley.
Ayos lang naman. Gusto ko rin naman na mapag-isa ako para malayo sa mga issues. Mas maganda na yung ganito, tahimik ang buhay.
Kahit hindi kilala ng mga tao kung sino ang nasa likod ni Binibining Sophos, kinakausap pa rin nila ito at hinahangaan sa pag-susulat. Alam din nila na si Binibining Sophos ay nag-aaral sa Ligaya Academia pero buti na lang, nirerespeto nila ang binibining ito at hindi na nila pinilit alamin kung sino ang nasa likod nito.
Kaya makakatulong ang mga social media platforms na ito para mahanap ko kung sino ang may-ari ng relo.
Sinimulan ko ng picturan ang sira na relo, na maaari din naman maayos pa. Ipinasa ko ang picture na kuha ng cellphone ko sa laptop ko na kulay black gamit ang white na connector. Pagkatapos ay I-pinost ko na sa facebook account ko at naka-public pa.
" Binibining Sophos posted a new
photo.Kung kayo man ay isang estudyante
sa Ligaya Academia at kilala ang
may ari ng relong ito. Agad i-mensahe
sa akin ang pangalan at anong course
niya. Maraming salamat. "Posted.
Napatingin naman ako sa pintuan ng kwarto ko ng may kumatok.
" Pasok po, bukas yan... " at isinarado ko muna ang laptop ko.
Iniluwa naman ng pintuan si Mama na parang natataranta, kasama si Kuya Sean na matamlay din at pagod. Dahil siguro sa last taping nila sa film na ipapalabas sa sinehan by the end of the month.
" Sophia! Sinabi ko sa kuya mo na mag-audition ka sa AAC Ent . May bago silang palabas na irerelease kapalit ng Date to Love. Kailangan nila ng leading lady dahil hindi na daw kukunin yung role ni Benevoly, yung maarteng artista. Mag-bihis ka na dali! Pupunta tayo ngayon tatlo sa AAC " pagmamadali sa akin ni Mama na mag-bihis.
" Pwede bang ipag-pabukas na lang natin Ma? Pagod akong galing taping. Gusto ko na matulog! " at nahiga na lamang si Kuya sa higaan ko na pagod na pagod. Aish!
" Ano ka ba ma? Pagod na pagod si Kuya oh? Tapos ipapa-byahe mo pa papuntang AAC Ent. Mamaya, mag-kasakit siya. " at pinunasan ko ng palad ko ang pawis na namumuo sa noo ni Kuya.
" O siya sige, tayong dalawa na lang mag-punta. Dalian mo na! Mag-bihis ka na! " at tinulak tulak na ako ni Mama para mag-bihis. Pero imbes na tumayo ako at mag-asikaso, binuksan ko na lang ulit ang laptop ko.
" Ilang beses ko bang sinabi Ma na ayokong mag-artista! Ayokong sumikat o malaos. Ayokong pagkaguluhan ng tao o ayawan nila. Ayoko na pinag-uusapan o binabalewala. Okay na ako sa tahimik kong buhay, gusto ko balanse lang. " habang nag-scoscroll ako sa touch pad ng laptop.
BINABASA MO ANG
ANG BINIBINI NG ACADEMIA || ON GOING
Novela JuvenilThere's a girl named Sophia who studying in Ligaya Academia. She loves to write stories and poems and for being inlove with the pen and paper, she wants to be an author someday and be a writer in a different roleplays, theater acts, films, movies, a...