KABANATA XI

11 3 4
                                    

Philip's POV

" Dadalhin ba kita sa hospital? "

" Huwag! Mamaya malaman pa ng press at ng internet ang nangyari. E k-kaunting pasa lang naman ito. " sambit ko habang inilalagay ang ice cubes sa panyo ko na nabili pa ni Manager Tave sa isang convenience store. Ito ang inilalagay ko sa bandang ibaba ng mata ko at bandang itaas ng pisngi ko sa kaliwang banda na kung saan binatuhan ng relo ng bwisit na babaeng iyon. Dahil sa ginawa niya, nag-kapasa pa ako!

" Bakit kasi hindi mo na lang kinausap ng maayos? Bakit mo siya nagawang halikan? "

Pag naaalala ko yung' ginawa ko kanina, nagsisisi talaga ako! Napakakapal niyang sabihin na hindi ako good kisser? Pasalamat nga siya na siya ang unang nahalikan ng isang katulad ko? Kahit sa mga palabas, hindi pa ako naiinvolve sa mga kissing scene! Tapos sasabihin lang niya na ang panget kong humalik?!!!

" Nagawa ko lang naman yun' para magalit sa kanya yung mga fans ko. Tawagin ba naman akong hambog? Wala akong magagawa dahil ang daming mata kanina. Hindi ko siya maikaladkad, o saktan dahil baka mamaya, ako pa ang maging masama. Kaya ginawa ko ang bagay na yon' " at inilagay ko ng dahan dahan pa din ang panyo sa mukha ko.

" Sa tingin mo ba, sa babaeng lang yun' magagalit ang tao? Tandaan mo, ang balita parang virus, pag matindi, mabilis kumalat. Pag-uusapan kayo sa loob at labas ng campus. Sa internet. Sa AAC. Marami magtataka at maghihinala na may relasyon kayo. Makakaapekto iyon sa kasikatan mo, dahil may relasyon ka sa isang non-showbiz na estudyante na akala ng fans mo ay single ka at kay Benevoly ka lang may gusto. " pahayag niya na ako naman napa-isip. Ibig sabihin niyan, magagalit din ang mga zombies sa akin? Mawawala ang kasikatan ko? Malalaos ako?

" Parang ang labo naman na mangyari yan. Wala namang ibig sabihin ang halik na yon. "

" Sayo, wala. Pero sa kanila, meron. Di ka pa naiinvolve sa mga kissing scenes sa mga palabas mo. At dahil doon, minamahal ka ng mga tao. Kasi ang akala nila, yang' labi mo ay para lang kay Benevoly. Tapos makikita nila na may ibang babae kang hinalikan. Tsk tsk "

" Bakit ba kasi nila ako shiniship sa babaeng iyon?! Saka di naman si Benevoly ang dahilan para maging sikat ako. Sumikat ako dahil sa skills ko sa pag-acting! "

" Pero part ng fans mo ang PHIVOLY shippers. Malaking kawalan sila pag nalaman na wala kayong ganap ni Benevoly. "

Aish! Bwisit na mga pag-iisip na yan. Ni hindi naman kami nag-kasama sa isang project, tas pinipilit ng mga tao na may concern ako at gusto sa babaeng iyon.

" Kaya mag-isip ka Philip. Sigurado nasa internet na ang kissing scene niyo ni Ms. Sophia. Kailangan may maganda kang paliwanag para ma-isalba mo career mo. "

Isa pang pahamak ang Sophia Yurii na yan.  Mga bwisit talaga ang mga babae! Mga walang ambag na maganda sa buhay ko, except kay Mom.

" Titigil na rin ang kamalasan sa buhay ko dahil na sa akin na ulit ang isang bagay na nagbibigay ng luck. " at sinuot ko ang relo at pinagmasdan lang ito.

Siguro nga, si Mom lang ang babaeng nag-bigay swerte sa akin. Lahat ng babae, pasakit sa ulo ko pero si Mom, siya lang ang babaeng maaaring magpakalma sa akin. Ang maaaring mag-comfort sa akin.

" Saan na tayo pupunta ngayon? '

" Punta muna tayo ng sementeryo " at inilgay ulit ang panyo na may laman na ice cubes.

***

Inilagay ko na muna ang bouquet of flowers sa grave ni Mom. Nag-sindi ng kandila at saka tumayo, tinignan lang ang kandilang may apoy.

ANG BINIBINI NG ACADEMIA || ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon