KABANATA VIII

15 4 0
                                    

Philip's POV

Dismissal na at ako naman, nandito lang sa may hallway, hinihintay na lumabas ang mapag-panggap na binibini.

Napagtitinginan na ako ng mga estudyante at ang akala ng iba sa kanila ay si Benevoly ang hinihintay ko. Panay ship sa akin at kay Benevoly na akala naman nila, ikinatutuwa ko. Pero hindi! Ayoko sa babaeng iyon! Sa kanilang lahat! Mga desperadang zombies!

Nabigla na lang ako nang may kumapit sa braso ko.

" Are you waiting for me? " ngiting sabi ni Benevoly na ako naman, ngumiti lang ng plastik. Hindi ko naman kasi siyang pwedeng sigawan o itaboy dahil madaming estudyante, maka-sira pa sa image ko.

" Hindi " mahina kong sabi habang dahan dahan kong tinatanggal ang kamay niya sa braso ko.

" Alam mo, masaya ako! Hindi ko alam na same course pala tayo ng kinuha! Pareho na tayo ng entertainment na pinapasukan, pati school pareho din. At ang pinakamaganda sa lahat, we are in the same class! It's like, destiny right? " ngiti pa din nitong sabi habang ako, nakatingin lang sa ibang direksyon. Destiny? Ang sabihin niya, sinadya niyang sundan ako dito kasi isa siyang zombie na patay na patay sa akin.

" I don't think, it's destiny.. " sabi ko na medyo nag-pasimangot sa kanya.

" Bakit ba ang sungit mo sa'kin? Why not, maging mag-kaibigan na lang tayo. " sabi niya habang ang mukha niya, parang asong nag-papaawa.

" Hindi ko kailangan ng kaibigan... " kasi alam ko naman na hindi kaibigan ang magiging turing niya sa akin. Kung makatingin nga siya sa akin, sobrang lagkit. Kadiri.

Bago pa siya mag-salita, bigla na lang lumabas yung' babaeng mag-nanakaw . Agad ko naman itong hinila palayo sa classroom na ikinabigla ng ibang estudyante.

" Hey Philip! Where are you going?!!! " medyo galit na sabi ni Benevoly.

Hindi ko na lang ito pinansin at hinila ko lang sa kung saan ang babaeng ito habang hawak hawak ko ang wrist niya.

" Teka! Aray! Ang sakit! Bakit mo ako hinihila?! " sambit nung babae na ako naman, patuloy pa rin sa paglalakad ng mabilis habang siya ay hinihila pa din.

Kailangan maka-punta kami sa isang lugar na hindi ma-tao, at ang alam ko lang ay sa parking lot ng school na ito, sa may ground floor.

" Aray ko!!! Ano ba!!! " pilit niyang pag-pupumiglas pero hindi ko pa din siya binibitawan hanggang sa marating namin ang parking lot.

Pinunta ko siya sa parte ng parking lot na walang masyadong tao, na makakapag-usap kami, at walang ding nag-pipicture o ano.

Nang mabitawan ko siya, bigla na lang siya sumigaw nang napakalakas.

" TULONGGGGGG— ASDFGHJKL "

Agad ko naman tinakpan ang bibig niya para tumigil.

" Ano ba! Huwag ka ngang maingay! Hindi naman kita gagalawin! Huwag kang assuming! " sabi ko na nag-patigil sa kanya.

Pero nabigla na lang ako nang tumakbo ito kaya naman agad kong hinabol.

" Teka laaaang! Ano ba! Makikipag-usap lang ako!!! " at hinahabol ko pa din siya hanggang sa nayakap ko na siya at bahagyang binuhat.

" Tuloooong!!! " sigaw niya na ako naman, hinanap ko agad ang kotse ko. Bwisit talagang babaeng ito! Akala ko naman makakausap ko ng maayos!

Nang makita ko ang kotse ko, agad ko naman siyang ipinasok sa loob, sa tabi ng driver's seat at agad ni-lock ang pintuan ng kotse para hindi siya maka-labas.

ANG BINIBINI NG ACADEMIA || ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon