KABANATA XVII

6 1 1
                                    

Philip's POV

" ACKKKK! "

" Teka lang, hindi pa tapos " at hinila niya ang buhok nung' babae saka pinagsasampal niya ulit ito. G-grabe, nakakatakot na talaga siya!

" Wala kang karapatan saktan siyaaa!!! " sambit nung isang babae tapos hinila ang buhok ni Sophia. Pero itinulak lang nito yung' Maui sa sahig tapos tinanggal agad ang kamay nung Alice sa pagkakahawak sa buhok niya, saka niya sinampal ito ng ilang ulit.

A-anong gagawin ko? Pipigilan ko ba sila? Kaso, baka ako naman ang saktan nitong Sophia. AISH!!! NAIIRITA AKO SA PAG AAWAY NG MGA BABAE!

Ang ilang estudyante naman dito ay tahimik lang na tumitingin sa kanila, ang iba naman ay nagvivideo, ang iba ay pinagbubulungan siya.

Aish, kahit ako magagalit sa ginawa ng mga babaeng iyon, pero hindi ito ang tamang paraan para gantihan niya ang dalawa, mas lalo lang siyang pag-uusapan!

Pipigilan ko ba? Paano kung saktan din niya ako?

Hays bahala na!!!

Patayo na sana ako nang biglang hawakan ni Benevoly ang braso ko..

" Hindi ka kasali sa away nila.. Huwag ka nang mangelam— "

" At hindi ka parte ng buhay ko, kaya huwag mo din akong pakealaman. " sambit ko at tinanggal ko ang kamay niya sa pag-kakahawak sa braso ko.

Tumayo na ako at agad hinila ang wrist ni Sophia na ikinabigla niya.

" Tumigil ka na— "

" Bitawan mo ko " sambit nito habang kita ko sa mga mata niya ang sobrang galit.

Napatingin na lang kami sa pintuan nang sumigaw si Alona.

" Maui!!! Alicee!!! " alalang sigaw nito at dali dali pumunta sa mga kaibigan niya, na kasama si Lark.

" Anong nangyayari dito? " tanong nung' Lark. Napansin ko na nawala ang galit sa mukha ni Sophia.

" Y-yan! Si Sophia! Sinaktan niya kami! Yan pala ang tinatago niya, ang masamang ugali niya! Nakikipag biruan lang kami sa kanya pero bigla na lang niya kami pinagsasampal— aish!!! " sabi nung Alice sabay napahawak sa ulo niya.

" M-maui? Maui??? " pag-gigising ni Alona kay Maui, napansin kasi nila na wala na itong malay.

Agad naman silang nag-lapitan kay Maui na ngayon ay may dugo na rin sa ilong.

Lumapit din si Lark kay Maui para buhatin ito..

Bago pa umalis si Lark, nag-iwan muna ito ng salita kay Sophia..

" Bakit kailangan mong mag-panggap na mabait ka? " tanong lang nito at umalis na para dalhin sa clinic si Maui. Si Sophia naman ay napansin kong nanahimik.

" Sophia— "

Bago ko siya kausapin, lumingon ito agad sa akin na may naluluhang mga mata.

" Kasalanan mo ito, lahat ng tao ay masama na ang tingin sa akin. "

" N-nakita ko ang ginawa sa'yo, kahit sila, pwede kami maging witness— "

" Hindi ko kailangan ng tulong mo "

" Pero— "

" U-umalis ka sa dadaanan ko " sambit nito.

Hindi na lang ako nag-salita at umatras para mag-bigay daan sa kanya.

Habang tinitigan ko siyang naglalakad paalis ng pinto, naaalala ko ang mata niyang may luha. Kasalanan ko ba talaga ang lahat?

Palakad sana ako para sundan siya kaso may pumigil nanaman sa akin.

ANG BINIBINI NG ACADEMIA || ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon