Lark's POV
" Lark, may pictorial shoot ako today. Hindi na kita masasamahan na mag-enroll sa Ligaya Academia. Kaya mo na bang mag-isa? " sambit ni Ate Seren, sa kabilang linya.
" Oo naman Ate. Actually, I'm on my way to guidance office to submit the requirements. Don't worry, kaya ko na. " sagot ko.
" Sorry Lark. Kung hindi lang dahil kay Mom and Dad, ayokong mag-transfer ka at mag-stay ka na lang sa states for good. But they told me na tumira ka muna sa'kin at dito ka muna mag-aral. Dapat ay nandito ako to guide you pero isa din akong busy, parang wala na din akong pinag-kaiba kay Mom and Dad. "
" It's okay Ate, don't worry about me. Mas okay nga na nandito ako sa pilipinas. Mas gusto ko dito kaya huwag ka ng mag-alala, makaka-adjust ako agad dahil dito naman ako lumaki. At kung busy ka man, okay lang! It's your career, I'm here too to support you. "
" Aww! So sweet! After the pictorial, I'll cook some dish for you! So come home early ha? Pagkatapos ng class, uwi agad! "
" Nako, huwag ka ng mag-luto. The last time na nag-luto ka, parang humilab yung tiyan ko HAHAHAHA At saka ano ako? Bata? Pinapa-uwi mo ako ng maaga? "
" HAHAHAHA I hate you! You're still my young little brother so kung gusto kong maging strict sa'yo, gagawin ko! "
" Hays, oo nga pala. Ikaw ang ate. Ikaw ang masusunod. O siya, mamaya na lang. Nandito na ako sa harap ng guidance office " at tumigil muna ako saglit para mag-paalam kay Ate na nasa kabilang linya.
" Okay young man. Goodluck to your first day! "
" Thank you Ate Seren. Ingat ka ah? Okay, bye! "
Pagka-patay ko ng phone, agad ko itong binulsa at inayos muna ang sarili. Naka-blue t-shirt ako na may black pants na may suot na snickers na shoes. At hawak hawak ko din ang envelope na may laman na mga requirements ko. Ngayon pa lang kasi ako mag-eenroll, dahil na-late ako ng uwi mula sa states. Halos two months na ang nakalipas ng mag-simula ang klase sa college, dito sa Ligaya Academia. Kaya late enrollee na ako.
" Good morning po. Dito po ako tinuro ng security guard para mag-enroll po dito sa Ligaya Academia. " sambit ko agad ng makapasok ako ng guidance office. Agad din naman kasi bumungad sa akin ang isang hindi ganoong katanda na babae, may salamin, at naka-suot ng brown na uniform ng isabg teacher. Nakaupo ito at may ginagawa at inaasikaso na papeles sa desk niya.
Nang makita naman niya ako, tumayo ito at ngumiti sa akin. Nilapitan ako at nakipag-shake hands.
" Goodmorning! I'm Mrs. Beliza Valdez, the guidance councilor. You must be Mr. Lark Kevin Paschal? " sambit nito at binitaw niya na ang kamay niya mula sa handshake namin.
" Kilala niyo po ako? "
" Yes because Seren told me about you— Here! Maupo ka muna " at nag-lakad na siya papunta sa desk niya na ako naman, na-upo sa harapan niya. So naka-usap na pala niya ang Ate ko. Sikat talaga siyang model, pati tuloy ako na kapatid niya, nakilala ng hindi ko alam.
" So what course are you planning to take? "
" Bachelor of Screen production po " sabi ko sabay lahad ng requirement na mayroon ako.
" Hmmm. So gusto mo din maging artista someday? " tanong nito na bigla naman akong umiling.
" Hindi po. I take the course kasi nag-eedit po ako ng mga videos, also nag-susulat ng stories. Directing and editing po ang skills ko na fit sa course. "
BINABASA MO ANG
ANG BINIBINI NG ACADEMIA || ON GOING
Teen FictionThere's a girl named Sophia who studying in Ligaya Academia. She loves to write stories and poems and for being inlove with the pen and paper, she wants to be an author someday and be a writer in a different roleplays, theater acts, films, movies, a...