KABANATA XIV

11 3 0
                                    

Philip's POV

Napamulat na lang ang mata ko at bumungad sa akin ang puting ilaw sa kisame. Nasaan ako?

Bumangon ako at lumingon lingon sa paligid? Nasa hospital ba ako?

Ano bang nangyari—

" Hinding hindi ko magugustuhan ang lalaking katulad mo! Kahit pa pokpok o bayarang babae ako, hindi ko aakitin ang hambog na katulad mo! Wala kang kwenta! MABAOG KA SANA!!!!! "

" A-ack!!! " sabay hawak ko sa ano ko..sa.. BASTAA! Medyo nararamdaman ko pa din ang sakit!

Aish! Lalo na akong naiinis sa babaeng iyon. Binibigyan mo na ng tulong, siya pa ang may ganang magalit? Hindi niya ba naisip na kapag inamin niyang may gusto siya sa akin, hindi na siya huhusgahan ng kung ano ano. Iisipin lang nila na isa lang din siyang fan/zombie na humahanga sa akin? Hindi na rin sana madadamay ang nanay niya. Geez, walang utang na loob.

" A-ayos lang po ba kayo Mr. Philip? " tanong sa akin ng lalaking nurse. Tanga ba siya? Bulag ba? Manhid? Kitang kita sa itsura ko na hindi ako okay.

" I-I'm okay. M-medyo masakit lang hehe " sabay ipit ko sa ano ko.. Sa.. AH BASTA!

" Gusto niyo po bang i-massage ko— "

" A-ano?! "

" Napapanood ko po kasi sa Youtube at sa iba pang sites na kapag minamassage ang nasaktang parte ng katawan, nawawala ang sakit nito at kayo ay giginhawa "

Teka? A-anong sinasabi niya? Napapanood? Nanonood siya ng mga ganung bagay?

" A-ayos lang po talaga— "

" Sige na po Mr. Philip, hubarin mo na " at tuluyan itong lumalapit sa akin na ako naman bigla na lang napabangon sa kama, at lumayo sa kanya.

" Teka, h-hindi maganda ang idea mo "

" Kapakanan mo lang po ang iniisip ko— "

" H-huwag kang lalapit! "

" Bakit ano po ba ang problema? Kailangan pong mahilot— "

" SABING HUWAG KANG LALAPIT!!! " at agad ko siyang binato ng unan, pero imbes na tamaan siya, napa-ilag lang ito bigla at lumagpas lang sa kanya ang unan. At tumama ito sa mukha ni.. Manager Tave?

" Managerrrr!!! " at agad akong lumapit sa kanya, pagkatapos nagtago sa likod niya.

" Anong nangyayari? "

" Sinabi ko lang naman po na magandang imassage siya kasi, para mawala po ang sakit— "

" Privacy! Alam mo ba yung salitang privacy? Huwag mong gagalawin ang private part ng ibang tao! "

Bigla na lamang tumahimik yung nurse pati na rin si Manager Tave na agad lumingon sa akin. Bakit? May masama ba sa sinabi ko?

" HAHAHAHA Ahh, kaya po pala ganyan ang reaksyon ninyo. Akala ko po kasi Mr. Philip, likod ninyo ang masakit? "

Likod ko?

" Sinabi sa akin ni Benevoly na pagkatapos ng away niyo ni Sophia, bigla ka na lang daw nahimatay at saktong likod mo ang bumagsak sa sahig. Kaya naman sinabi ko dito sa school nurse mo ang nang-yari. Kaya naman, in-offer niya na imassage para naman di na tumagal ang sakit. " pahayag ni Manager Tave. N-nasa school pa rin pala ako? At school nurse itong kaharap ko?

" Pero iba pala ang masakit sa kanya " sambit nito na ikinatawa nilang dalawa.

Napatayo naman ako ng maayos at napakamot ng ulo. Aish!!! Mas ramdam ko pa ang sakit ng pagkakasipa niya kaysa sa likod ko! Misunderstanding lang pala ang lahat.

ANG BINIBINI NG ACADEMIA || ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon