CHAPTER 13

3 2 0
                                    

Maagang natapos ang panghapong klase namin dahil may aasikasuhin ang Prof namin sa isang minor subject namin, at gusto nyang magmadali baka maabutan raw sya ng ulan. Agad kong iniligpit muli ang mga gamit ko, iyon rin ang ginagawa ng dalawa.

“Dadaan pa ba kayo sa locker nyo? Sabay nalang tayo” sabi ko ng matapos sarhan ang bag

“Oo, ilalagay ko ang ibang libro ko at kukuha ng payong. Sa gate kasi ako didiretso dahil doon ako susunduin”

“Me too”

Sabay kaming lumabas at sabay rin pumunta sa locker. Habang pababa ay marami na akong nakikitang estudyante nagmamadaling lumabas dahil nagsisimula ng pumatak ang ulan. Ang ibay papuntang gate at may ibang papuntang parking lot. Mas lalo naman kaming nagmadali dahil sa mahihinang ulan.

“Hurry guys! Baka maabutan tayo ng malakas na ulan” pagmamadali ni Jean samin. Halos patakbo na kami pababa niyon.

Nang buksan ko ang locker ko ay inilagay ko ang mga libro at ibang gamit ko ngunit hindi ako nakakuha ng payong.

Naku! Wala akong payong ngayon

Muli kong inilock iyon at bagsak ang balikat na humarap sa dalawa na hawak hawak na ang mga payong nila.

“You don’t have an umbrella Ash?”
Umiling ako at sumagot kaagad

“Hindi pala ako naglagay sa dito sa locker ko”

“Paano yan? Pwede rin namang share tayo dito saakin. Saan ka ba? Sa gate?”

Pero pare-pareho kaming nagulat ng biglaang mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakitang si Gretchen ang tumatawag.

Ngumiti ako sa dalawa

“Hindi na, thankyou sa pag alok. Sasabay ako kay Gretchen, I think she brings umbrella. You can go first” I said sincerely and they just smiled.

Nagpaalam na sila saakin at nagpamaunang naglakad na.

“Hello Gretch”

“Nasaan ka Ash?”

“Papunta na riyan sa classroom nyo”

“Pwede bang sa bench ka muna manatili? Iyong sa harap ng building natin. May klase pa kasi ako dito sa Computer lab, pero malapit na ring matapos”

“Sure, I’ll wait” I said and hanged up the phone.

Habang naglalakad ay nahuhumaling ako sa patak ng ulan. Medyo malakas na iyon at namumuti na ang langit.

Daglian akong pumunta sa gilid at inilahad ang kamay upang saluin ang mga butil ng ulan. Masarap iyon sa pakiramdam dahil sa lamig na taglay nito. Ngumiti ako at binawi na ang kamay at nagpatuloy sa paglalakad.

Mag isa akong umupo sa bench dahil ang iba’y nagsipag uwian na. Wala na akong nakikitang estudyante.

Muli akong napatitig sa ulan.

Pag nasa bahay ako ay gustong gusto ko kapag umuulan. Ang sarap kasing matulog and sometimes I really feel like its comforting me. Ni minsan ay hindi pa ako nakakaligo sa ulan, that’s one of my greatest dream. At sa tingin koy ngayon na iyon matutupad.
Ngumisi ako ng malapad.

Inilagay ko ang bag ko sa gilid. Agad akong tumayo at handa ng lumusong sa ulan. I want to feel the rain. I want it to embrace me. Hindi ako nakontento sa pagsalo lamang nito gamit ang kamay.

Bawat hakbang ko, ang mga butil ng ulan ay parang niyayakap ako.

Malamig may hindi ko iyon inantala dahil sa sobrang saya ko. Sa wakas naranasan ko na rin ang maligo sa ulan!

Lost Imperishable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon