Nasa library kami ngayon at napapalibutan ng mga ka grupo ko. Sa grupo namin ay may tatlong na lalaki at apat babae. Iyong dalawang babae ay galing sa BM-2 at isang lalaking galing din sa BM-2.
Simula ng naupo kami dito ay wala pa kaming nagagawa dahil ramdam kong naiilang ang ibang kasama namin sa dalawang lalaking nasa gilid ko. Pati si Gretchen na nasa harap ko ay naiilang rin. Natatakot rin akong magsalita kasi hindi ko rin naman sila kilala.
“What are we going to do here? Magtititigan nalang ba tayo?” Thomas said. Kilala ko na sya kasi nagpakilala silang dalawa sakin kanina bago kami pumunta rito.
Mahina akong umubo at umuna ng nagsalita, kasi ako naman ang lider kaya ako dapat ang nagdadala sa kanila.
“So, I want you all to introduce yourself one by one…” sabay na napatingin ang apat na nasa harap ko saakin at nakakunot ang noo. “Well, since we don’t or I don’t know your names, we should do that” patuloy ko at tumango ang dalawang nasa gilid ko.
“Im Thomas” pauna ni Thomas at isa isang kinamayan ang nasa harap, at huli ako.
“Im Matt” at gaya ni Thomas ay ganun rin ang ginawa nya.
“Im Rachel”
“Im Fara"
“Im Peter”
“Im Gretchen” mahinang ani ni Gretchen at nag expect akong kakamayan nya rin kami pero gaya ng tatlo ay nanatili silang nakayuko.
Kahit nakakunot ang noo ay nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita, kasi walang patutunguhan ito kung magiging kuryuso lamang ako.“Lahat tayo ay wala pang ideya sa magiging topic natin. So I decided, we’ll just meet every Saturday for our meetings, every morning Do you agree?” ang lahat ay tumango kaya nagpatuloy ako. “Saakin ipapasa ni Ms. Angeles ang magiging topic natin, so as your leader ako ang maghahati hati sa topics para magkasya sa ating lahat. Don’t worry I will be fair” sabi ko at tumango lang rin naman sila.
“Saan tayo every Saturday?” si Thomas
“Pag iisipan ko muna kung saan pwede. You can tell me your suggestions tomorrow kung may maisip man kayo”
Maagang natapos ang naging meeting namin dahil nakikinig lang sila saakin at umaayon sa suhestiyon ko. Wala ni isa ang kumontra kaya mas naging madali iyon.
Nang makalabas kami ay nasa gitna nila ako. Kaya noong may nakasalubong kami ay nasa harap ko na.
Samuel’s eyes darted to mine. Hindi nya inalis iyon hanggang pumekeng ubo si Matt sa gilid ko at agad gumalaw.
“Bro!” Thomas awkwardly said and they high five. The girls at my back are giggling, maybe its because of these three. Nakakaattract na ngang nandito ang dalawa, ano pa kaya kung dagdagan ni Samuel, and I guess Samuel’s the leader, tsk.
“Hi Ash! Tapos na kayo?” Napatingin ako kay Zearly na nasa likod ni Samuel. Nakangiti siya saakin kaya nginitian ko rin. How I wished kasama ko si Jean at Zearly sa iisang grupo*sigh*
“Oo, kayo?” medyo tumabi ako at kinausap na si Zearly. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagsunod ng tingin ni Samuel saakin kahit kinakausap sya ni Thomas at Matt.
Tch! Hindi ka makakabato ng sapatos sakin dito dahil maraming tao! Subukan mo lang makakaisa ka talaga sakin!
Iyong ibang kasama namin ay nagpaalam ng mauuna, siguroy nahihiya rin sa tatlo. While Gretchen is still at my back, waiting for me.
“Hindi pa. Magmemeeting lang kami for our meet up this weekend, san kayo?”
“I don’t know, maybe I’ll ask my groupmates for that”
BINABASA MO ANG
Lost Imperishable Love
Fiksi RemajaIts not easy to find something that have been lost for a long time. It needs patience and sacrifices. Ano nga bang meron sa pag ibig na ito na kahit sobrang tagal ay narito parin at naghihintay. Ngunit sya nga ba? Sya nga ba ang iyong pinakangakuan...