Kabanata 6

150 24 0
                                    

Nandito ako ngayon sa Loob ng Classroom namin at nagdi-discuss ang Teacher namin. Tumingin ako sa labas habang uumuulan ng malakas.

"What's your Father's work" Tanong ni Miss Dela Peña dahil ang topic namin ngayon ay tungkol sa Pamilya. Hindi nalang ako nakinig dahil hindi naman ako interesado.

Habang naka-tingin ako sa labas ng bintana ay napansin kong sakin naka-titig ang mga Classmate ko. Napatingin naman ako sa harap kong saan naroon ang teacher ko.

"Stella? What's your dad's Work?" Saad niya kaya tumayo ako para sagotin yun "My father is a Lawyer maam" Saad ko.

"Magandang Trabaho yun" saad naman niya habang tumango tango pa. Napa-yuko ako dahil sa pagkaka-alam ko ay delikadong mag abogado lalo na kapag napanalo mo ang isang kaso at hindi matanggap ng kabilang parte na nanalo ka tapos ipapa-patay kapa gaya ng ginawa nila sa Daddy ko.

"Okey sitdown, So nex---" Hindi na natapos Ni miss Dela Peña ang sasabihin niya ng may kumatok sa pintuan. Agad naman kaming napatingin dun.

Binuksan ni Miss Dela Peña yun at bumungad ang President ng Boung BIS si Leo. "Maam suspended daw po ang Klase hangang bukas sabi ni dean, may bagyo daw po kasi" Saad niya.

At nag hiyawan ang mga Classmate ko dahil wala ng pasok. "Okey, Thankyou leo" saad ni Miss kay leo.

Bigla namang lumingon lingon si leo sa paligid  at tumigil ang mata niya sakin kaya nag-tataka ako dahil ngumiti siya sakin bago umalis.

"okey class Dismissed" saad ni Miss "Tignan niyo ang mga dadaanan niyo dahil basang basa sa labas at baka madulas kayo at wag na muna lumabas kapag walang payong na dala" dagdag pa niya.

Saka lumabas na siya dahil may dala siyang payong. Ako naman ay inayus ko ang gamit ko at hindi na muna ako tumayo dahil siguradong sa hallway ay madaming nagsisiksikan.

Tulala lang ako hangang sa nag- vibrate ang phone ko.

From Kino:

I'll pick you up, wait me for me.

Kaya nag reply nalang ako.

To Kino:

Okeyyy,Thankyouuuu<3

Saka hinintay kona si Kino, nung narinig ko ang bulongan ay alam kong nandyan na siya kaya lumabas na ako.

Aba't ang talino ng lolo niyo dahil iisa lang ang payong na dala niya. "Sa tingin mo ba ay kakasya tayo jan sa dala mong payong?" inis na tanong ko.

"this is not mine okey, kaya wag kang mag reklamo" saad niya at kinuha ang bag na dala ko at sinout niya yun ng paharap sakanya.

Hinawakan niya ako sa bewang at kingina, tumaas ang balahibo ko na parang ang nakahawak sakin ay multo. Nagsimula na kaming mag-lakad papunta sa parking lot ng BIS at kingina walang kwenta tong payong dahil nabasa din naman kami.

Hawak ko ang dulo ng maikli kong palda sa likod dahil sa subrang lakas ng hangin ay tinataas nito. "damn, its too cold" pag rereklamo niya.

Naka-hawak parin siya sa bewang ko habang madaming matang tumitingin sa bawat room na nadadaanan namin. Maya maya pa ay narating na namin ang Parking lot.

Una niya akong pina-sakay at sumunod naman siya. Pinatay niya ang aircon dahil subrang lamig. "Here, Mag-punas ka" Saad niya habang inabot sakin ang towel.

Tumingin ako sa mga mata niya at ng tumingin siya pabalik ay nag-wala nanaman ang puso ko kaya agad naman akong umiwas ng tingin saka kinuha ang towel na inaabot niya.

Brave StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon