Kabanata 27

86 17 0
                                    

Nagising ako dahil ramdam ko ang pagka-uhaw ko. Hapon na ng magising ako dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko at katawan ko. Kailangan kong gumaling ngayon dahil may exam pa kami bukas. Ang sabi nila ay kada isang araw ay isang subj lang namin ang sasagutan saka sinabi din na hangang friday yon ngunit halfday lang daw.

Nag-lakad na ako para kumuha ng tubig sa kusina. Habang nag-lalakad ako ay kita kong nasa sofa si Cosmo at natutulog. Uminom na ako nang maka-kuha ako ng tubig.

Lumapit ako sakaniya at tinitigan ko siya saka ako nag-lakad papuntang cabinet dahil kukuha ako ng kumot. Pagka-kuha ko non ng kumot ay kinumutan ko si cosmo.

Nag-lakad na ako papasok ng kwarto. Inihiga ko na ang katawan ko saka ko kinuha ang phone para i-text si amara.

To Amara:

Woy hindi ako makakapag-trabaho ngayon, may sakit kasi ako sorry

Naka-titig lang ako sa screen ng phone ko at hinihintay na makita at mabasa niya ang mensahe ko.
Hangang sa may nag pop-up sa phone ko at agad ko namang binasa yon.

From Amara:

Omg!! Anong nangyare sayo? Anong sakit mo? Malala ba? Lets go to the hospital, i'll pick u up.

Natawa ako sa pagka- OA niya. Jusko kahit ang babaeng to ay super OA ay sobrang napalapit na siya sakin.

To Amara:

Ano ba ayos na ako, uminom na ako ng gamot ko baka sa monday ng gabi ako papasok sa trabaho.

Ibinaba ko na ang phone ko dahil ramdam ko nanaman ang hilo. Tumingin ako sa kisame at biglang pumasok sa isip ko si Kino. Naalala ko na lagi siyang nandyan para sakin. Sa tuwing mangangailangan ako ng tao para makinig sa bawat problemang dinadala ko ay siya ang andyan.

Tuwing umiiyak ako ay isang yakap, ilang pag-tatahan lang ay bigla nalang luluwag ang nararamdaman ko. Naalala ko ang nangyari sakin nong binubully ako ay hindi ako makalaban dahil maliit akong bata noon.

****FLASHBACK****

Nasa stage ako ngayon at kasama si Kino. Habang papa-lapit kami sa teacher ay biglang nag-taka ang mga yon at nangunot ang noo "Where's your parents Stella?" takang tanong Ni Teacher Lora "Her mother can't come po" magalang nasaad ni kino. Ngumiti si teacher lora ngunit alam kong pilit yon at may kasamang awa saka na inabot ni teacher lora kay Kino ang medalya na isasabit niya sakin. Isinabit niya yon nang naka-ngiti "Congrats Stella Faith Hernandez!!" sigaw ng isang teacher namin habang hawak ang mic.

Pumunta kami sa harap at may kumuha samin ng litrato habang naka-akbay sakin si Kino. Pababa na kami ng hagdan nang nag-salita siya "Im so proud of you stell" nakangiting saad niya. Inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko at hinawakan ang medalyang naka-sout sakin.

"Thankyouu" naka-ngiting saad ko "I'm sure your father will be proud of u" saad niya saka pinagpagan niya ng dahan dahan ang damit ko na para bang may rumi don kahit wala. Ngumiti lang ako ng pilit kahit nalulungkot ako sa sinabi niya "Gutom na ako" pag-iiba ko ng topic habang naka-hawak sa tiyan ko.

"Okey, wait me here" mahinahong sabi niya saka na siya umalis para bumili ng pag-kain. Saka ako tumingin sa mga batang katulad ko na nakahawak sa medalya nila. May mga palaro din ngayon at ako lang ang naiiba. Dahil lahat sila ay kasama ang magulang nila, ako lang ang hindi....

Ngumiti ako ng mapait at saka pinigilang wag umiyak. Naudlot ang pag-iyak ko nang may mga lumapit sakin na kaedad ko rin. Tumatawa silang lumapit sakin "Kawawa ka naman wala kang magulang" saad  nong matangkad na babae. Tinignan ko ang damit niya at mahahalata mong may laban kaya hindi na ako umimik. Mag-lalakad na sana ako ng hinawakan niya ako sa damit. Kainis to ah di na nga ako lumalaban ih.

Brave StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon