Kabanata 18

103 17 0
                                    

Nagising ako sa katok na nag-mula sa pintuan ko "Brie, regine gising na at maligo aalis na tayo" boses ni tita ley. Kaya bumangon na rin ako para gisingin sila at makapag handa na rin ako.

Nakita ko sa GC namin na dalawang araw ang pahinga ng mga players kaya nag dala ako ng bag para ilagay don ang gagamitin ko sa tagaytay. Naligo na ako at nag sout ng hoodie na itim, jeans na fitted at nike na sapatos.

Bumaba na ako at nag-paalam na dalawang araw akong wala. Nag text sakin si Kino na nasa gate na siya kaya tumakbo na ako palabas.

Kita ko na agad si Kino saka naman ako pumasok sa loob ng kotse "Nag-dala kaba ng damit mo? Pwede hangang bukas tayo don?" tanong ko.

"Of course yes, and may damit na ako don" saad niya saka na siya nag simulang mag maneho "Daan tayong 7/11 bili ka ng alak" saad ko saka tinignan niya naman ako.

"Dali na ngayon lang naman ih" pangugulit ko. Tumango na siya na parang napilitan pa.

Maya maya ay dumaan nga kami sa 7/11 pero hindi na ako bumaba dahil tamad ako. Hinintay ko lang siya sa loob ng kotse hangang sa naka-bili na siya.

Inilagay niya sa likod yon at agad kong tinignan kong anong binili niya puro pagkain at dalawang alfonso lang na malaki.

"Ayan lang? Uunti naman niyan" pag rereklamo ko. Kumunot naman ang noo niya saka tinaasan ako ng kilay "ikaw lang ang  iinom stella" saad niya saka nag okey sign lang ako.

Natulog na muna ako dahil mahaba-haba pa ang byahe. Nagising ako sa pag preno ni Kino "Wtf?" pagmumura niya. Agad naman akong napatingin sa harap ng may nag aaway na parang mag asawa sa gitna ng daan.

Kaya walang choice si Kino kaya inatras niya nalang at sa gilid dumaan "Sakanila ba yong daan?" curious na tanong ko agad namang nag-salubong ang kilay ni kino "are u kidding me?" tanong naman niya at umiling ako.

Tumahimik nalang ako dahil mukhang badtrip ang lolo niyo. Nag pic ako habang nagma-maneho si Kino at ang caption non ay "ISANG DRIVER NANAMAN PO ANG NABADTRIP".

Natawa ako at saka maya maya pa ay naka-rating na kami. Dumeretso naman ako sa isang kwarto sa 2nd floor. Inilagay ko don ang gamit ko at si Kino naman ay inilagay niya sa mesa ang alak.

"I know you're tired get some rest Mr Driver" pabirong saad ko at saka tinaas naman niya ang gitnang daliri niya sakin at syempre hindi papatalo ang lola niyo kaya ayon ginaya ko din siya.

Humiga ako sa kama at saka hindi ko namalayang naka-tulog na ako. Nagising ako ng may kumatok sa pintuan.

"Wake up, lets eat" saad ni kino kaya bumangon na ako at tinignan ang oras '6:30PM' nanlaki ang mata ko.

"Waaaaa!! 6:30 naaa!!" sigaw ko at saka lumabas ng kwarto "Bakit dimo ko ginising gusto ko pa namang gumala tsk" inis na saad ko kay kino.

"Damn, its not my fault that you're tired at naka tulog ka ng sobrang haba" inis na saad niya tinarayan ko nalang siya saka kumain nalang. Tumingin ako sa bintana at hindi na ako nagulat na umuulan nanaman.

Natapos na akong kumain at kinuha sa ref ang alak na binili ni Kino saka pumunta sa veranda.

Umupo ako at sinimulang uminom. Naka-tingin ako sa palubog na araw saka sa mga punong hinahangin ng malakas.

Uminom lang ako ng uminom at saka kinuha ang phone ko at don ko tinitigan ang bawat litrato ni Brie at regine tuwing kaarawan nila. Maraming handa at mga bisita.

Tuwing kaarawan nila ay may mga handa at regalo, may mga bisitang marami ang iba  naman ay katrabaho ni tito. Masaya silang nagka-kainan at nagkwekwentohan.

Brave StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon