Kabanata 35

87 13 2
                                    

Pang huling araw na namin ngayon sa bora at nandito kami sa Bar. Pinilit ako ni Celi at amara na pumunta dito habang sila francis at cosmo naman ay nasa ibang table. Naka-sout lang ako ng beach attire kasi nandito pa naman kami sa bora no.

Naka-upo lang ako sa table namin habang umiinom. Wala kaming ginawa sa mga ilang araw kundi mag libang, mag party at uminom. Sa mga ilang
araw na yon ay unti unti ko ng natatanggap ang katotohanan.

"Stop drinking, ampanget mo pa namang malasing" saad ni cosmo at kinuha ang basong hawak ko na may lamang alak "Epal mo tsk, last day na nga ih" sagot ko naman saka binawi skaniya ang baso at uminom. Wala siyang nagawa kundi titigan lang ako mag-damag.

Umingay ng sobra amg tugtog. Sila celi at amara ay sumasayaw sa dance floor. Hindi masyadong umiinom si celi dahil baka magalit ang kuya niya. Si amara naman ay mahahalata mo ng may tama. Itiginil ko na ang pag iinom ng nag-dadalawa na ang paningin ko sa paligid.

Nakita ko si francis na may kahalikan sa katabing couch namin "Do you want to go with me?" malakas na saad ni cosmo sa tenga ko dahil sobrang ingay dito "Saan?" tanong ko saka hinawakan niya ako sa palapulsuhan ko.

Pag-labas namin ng bar ay pumunta kami sa tabing dagat "Arghh tagal ko nanamang hindi makaka-punta dito" saad ko habang nakangiti at nakatingin sa dagat.

Tahimik lang si cosmo at tumitig naman ako sakniya dahil ang lalim ng inisiip niya. Umiwas ako ng tingin at pinigilang mag salita kahit madaming tanong sa isip ko. Sa pag iisip ko ay naalala ko ang nangyare nong isang araw habang nasa rooftop kami ni cosmo dahil nagpapahangin kami roon kasi lasing kami pareho.

****FLASHBACK****

"Do you think i can be a good doctor?" tanong ko kay cosmo habang naka-tingin sa malayo "Of course, you can be a good doctor" ngumiti ako dahil gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya "Pedia ang kukunin ko, magpapa-gamot pa ako sa psychiatrist" saad ko saka agad napalingon sakin si cosmo.

"Do you mind if i ask why?" tanong niya "Hmm may trauma kasi ako sa dugo ih. Nagsimula yon nong nakita ko si daddy na punong puno yong katawan niya ng dugo" pagkwekwento ko. Tumago tango siya saka umiwas ng tingin "I can help you, i know someone" lumiwanag ang mga mata ko sa sinabi niya "T-Talagaa?" daliang tanong ko.

Tumango lang siya at matipid na ngumiti "Ay Nga pala lilipat na ako ng condo don sa tutuloyan ko, ang sabi ni coach ay may nag offer daw ih" pagkwekwento ko uli "Lilipat na rin ako ng condo" walang emosyong saad ni cosmo.

"Saan? Malapit rin ba sa ateneo?" tumango lang siya sa tanong ko. Wala talagang ganang magsalita tong kumag na to tsk. Nasa labas lang kami sa tabi ng puno ng niyog. Kanina pa pinag-titinginan ng mga dumadaan dito sa tabi namin si cosmo.

'Hindi naman niya siguro GF yan diba'

'ih hindi nga sila sweet tapos GF tsk tara lapitan natin dali'

'Ikaw cheska ang magtanong ng name ha'

Bulongan nila kahit rinig naman. Umiwas ako ng tingin nang nasa harap na sila ni cosmo "H-Hi do you mind i-if i--" hindi pa tapos nong babae ang sasabihin niya ng sumagot si cosmo "I have girlfriend" walang emosyong saad ni cosmo.

Agad napatingin sakin ang tatlong babaeng nasa harapan niya. Umiling naman ako dahil baka isipin nila na ako ang GF ng mokong na to "A-Ahh ganon po b-ba, thankyou po" pag-papaalam nong babae saka naglakad na sila paalis. Gagong to pinahiya yong mga babae.

"Hoy bakit mo naman ginanon" saad ko kay cosmo "Tska may GF ka? Sino? Chika mo naman oh" dami kong tanong pero tinaponan niya lang ako ng tingin. Kainis to tsk, kong kilan nagiging komportable na ako ay don siya hindi makiki-cooperate.

Brave StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon