Kabanata 25

81 18 4
                                    

Nandito na ako sa classroom namin at ito na ang pang apat na araw na pagre-review namin para sa exam. Habang nagbabasa ako ay biglang pumasok na Si Prof Clarence "So Students may makakasama kayo ngayong taga ibang section" saad niya kaya agad kaming napa-tingin don.

Nagsi-pasukan naman ang ibang students at unang pasok palang ay alam kong section nila Kino yon "So take your seats, Umupo nalang kayo sa mga bakanteng upuan" dagdag pa Ni Prof. Napansin kong papalapit sa dereksyon ko si Kino saka ako tumingin sa gilid gilid ko.

Umupo siya sa likod ko kong saan bakante ang upuan. Hindi ko nalang pinansin ang presensya niya at ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa pag rereview. Ganon lang ang nangyari mag-damag.

Review dito, review don. Basa dito, basa don. Natapos na ang pag-rereview namin ng nag-salita si Prof "Okey class pwede na kayong mag lunch" saad ni Prof saka tumingin siya sakin at kay kino "Miss Hernandez and Mr?" tanong niya habang nakatingin kay Kino.

"Dixon Sir" mahinahong saad ni kino "Pwede niyo ba akong samahan sa Principal office para kunin ang mga mga ibang libro don?" tanong ni prof kaya agad tumayo si Kino. Tinitigan nila ako habang hinihintay kong sasang ayon ba ako.

Kaya wala akong nagawa kundi tumayo na rin. Sumunod lang ako sa pag-lakad nila. Bawat madadaanan naming classroom ay napapatingin samin dahil sa lalaking kasama ko ngayon "Sabay na tayong mag lunch" bulong ni kino. Hindi nalang ako sumagot.

Nakarating na kami sa Principal office at kinuha namin ang ibang mga libro at kaya ko namang buhatin yon dahil uunti lang naman "Ihahatid natin ito sa Filipino Office" saad ni Prof kaya naglakad na kami papunta don at nilapag na namin nong makarating na kami.

"Thankyou for your hardwork Miss Hernandez And Mr Dixon, you may go now" saad niya sakin saka tumingin din siya kay kino "You too" dagdag niya pa habang nakatingin kay kino.

Habang nag-lalakad ako ay ramdam ko ang pagod ng katawan ko. Mamayang gabi uli ay may trabaho ako. Halos wala na akong tulog at kain sa pagtratrabaho at pag rereview.

Mag-iiba na sana ako ng daan pero hinawakan ako ni kino sa balikat "Lets go, my treat" naka-ngiting saad niya saka ako umiling "Kino may gagawin pa kasi ako ih, sige alis na ako" saad ko at di ko na pinakinggan ang huling sinabi niya dahil umalis na ako.

Pumasok ako sa room namin at ako lang ang nasa loob. Umupo ako sa silya ko at isinandal ang katawan ko. Meron pang bukas ang last na pagre-review namin at dalawang araw na pahinga.

Next week na ang exam sana ay madami akong makuha at makapasa ako. Naalala ko ding birthday na ni brie at sunod naman ang birthday ko.

Habang nag-mumuni muni ako ay diko namalayang dumaan na pala ang ilang oras at nasa loob na pala ang iba kong classmates. Pumunta naman sa harapan ang President ng klase namin "Okey classmates simulan na ang pagrereview dahil hindi daw makakapasok ang ibang mga teacher satin dahil busy sila sa nalalapit na exam" mahabang saad niya kaya sinimulan kona lang ang pagrereview.

Dumaan ng ilang oras at uwian na. Niligpit ko ang gamit ko saka na naglakad palabas ng room "Sabay na tayo sa coffee shop" saad ni amara na bigla bigla nalang humahawak sa braso ko "Sige, hindi ka ba napapagod? Lagi ka nalang tumutulong sakin" saad ko saka niya ako tinignan.

"Hindi, ikaw nga ih hindi kaba napapagod?" tanong niya saka ako umiwas ng tingin "Napapagod kaso wala akong choice ih" saad ko uli saka magsaslita na sana uli siya pero nasa harapan na namin ang sasakyan niya.

Pumasok na ako sa loob at pumasok na rin siya. Sinimulan na nong driver niya ang pagmaneho. Tumingin ako sa labas at sana hindi nalang ako tumingin.

Brave StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon