5 months later.......
Kakauwi ko lang galing OB. sa sobrang ayaw akong pakalimutan ng tadhana kay cosmo ay nagbigay siya ng isang napaka laking remembrance. I'm pregnant. Umupo ako sa sofa habang naka tulala.
Kaya pala lagi akong nahihilo at nagugutom. Hindi ko rin napapansin dahil di naman regular ng menstruation ko at diko rin naramdaman na tumataba na pala ako. Ang una kong pinag sabihan ay si amara at papunta na siya rito.
naramdaman kong bumukas ang pinto at napalingon ako don"Omg, magiging tita ninang na akoo!!" sigaw na saad niya. Nakatingin lang ako sakaniya saka na bumuhos ang luha ko. niyakap niya ako agad at pinatahan "Ano ba, hindi makaka buti yan sayoo. Ah may nalaman pala ako tungkol kay cosmo, Pinadala daw siya sa ibang lugar baka nga sinasaktan siya or what kasi malaking sira daw sa angkan nila ang ginawa niya" dada niya. tahimik lang akong nakikinig skaniya.
"Dont worry, andito lang ako okey i can provide what she/he wants" nakangiting saad niya "Huwag kana muna mag trabaho, take care of your health and dont Stress your self please" mahinahon na saad niya.
Pagka tapos ng mga ilang oras. Nakapag linis na si Amara ng mga kong anek anek ay Naisipan kong tawagan si Kino. ang tagal na kasi bago kami nakapag usap. Nag ring ang phone ko at may nagsalita na "Hello?" malalim na boses na saad nya. Agad akong umiyak at nagsalita "K-Kino" hikbing saad ko. Rinig ko ang pagka bangon niya, siguro ay natutulog siya.
"Anong problema?" biglang tanong niya. ilang minuto bago ako nagsalita "B-Buntis ako k-kino, si cosmo ang tatay" iyak na saad ko "H-Hindi k-ko alam k-kong anong g-gagaw---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may narinig akong malakas na kalabog. pag lingon ko sa tapat ng pinto ay nandon si cosmo na punong puno ng pasa sa katawan.
"Y-You're p-pregnant?" utal na saad niya na para bang hindi makapaniwala. nagsimulang mag badya ang mga luha sa mata niya. hindi ako makapag salita o galaw man lang. pinatay ko ang tawag at umiwas ng tumingin. Biglang lumapit si cosmo at hinawakan ako sa balikat "Love?" malambing na saad niya.
"Oo, b-buntis ako" saad ko saka na kami naiyak. Niyakap niya ako at malakas na humagulgol "oh god, i'll have my own family" masayang saad ni cosmo. Niyakap ko siya pabalik.
Pagka-tapos ng araw na yon ay palagi niya na akong inaalagan, Pati pag lakad ko ay dapat may alalay siya "Careful" saad niya habang patakbo na sana ako papuntang CR.
Dumaan pa ang ilang araw at pinatawag kami ng sa school ni Regine. binastos daw ng tatlong lalaki ang half sister ni cosmo. Papunta palang kami ni cosmo ay alam kong badtrip na sya. Gusto ko syang pakalmahin pero hindi ko alam kong paano. napatingin ako sa harap ng kotse at bumibilis ang takbo ng sasakyan nya "I-Im s-still pregnant, c-calm down" kabadong saad ko. nataranta sya at Pinahinaan ang takbo "I'm sorry" mahinahong saad nya.
Nakarating na kmi sa loob ng Principal Office at Naka upo na don si regine na para banf kinakabahan dahil pinag papawisan sya. Nang malakas na sinara ni cosmo ang pinto ay napalingon sya "K-Kuya" hikbing saad ni regine. Para syang bata na nangangailangan ng tulong sa kuya nya. niyakap ni cosmo si regine "Calm down, kuya's here" pag papakalma ni cosmo.
bumalik na sa pagkaka upo si regine at pumunta ako sa likuran nya para pakalmahin sya gamit ang pag tapik tapik sa balikat nya "So our problem here is just a missunderstanding Mr Perez, I know that Apology is enou--" Hindi pinatapos ni cosmo ang sasabihin ng Principal "I dont need an apology, Maam" gigil na saad ni cosmo.
Hinawakan ko ang kamay nya para pakalmahin sya pero walang epekto yon "May isa ring mali si Miss Regine dahil sa sout ny---" hindi ulit pinatapos ni Cosmo ang sasabihin ng Principal dahil sumabat agad sya "Don't you dare question her wear that day, hindi mababastos ang kapatid ko kong walang mambabastos" umigting ang panga nya habang nagsasalita. "You're a girl too maam, I have a Wife, i have a mom and i'll have a child that a girl too, but since i was a child i choose to behave my self dahil alam kong mali ang pag babastos ng babae o kong sino man." gigil na saad nya saka tumingin sa tatlong lalaki.
BINABASA MO ANG
Brave Star
RomanceAng mundo ko'y parang kasing dilim ng kagubatan. Isa akong bituin sa gabi at ikaw ang buwan na nag sisilbing sandalan ko sa tuwing nang hihina ako. Paano kong umalis ka? kakayanin ko pa ba? babalik kapa ba?