Kabanata 17

95 18 0
                                    

Nasa loob na kami ni Brie at naka upo na siya sa tabi ng bench namin. Nandito kami ngayon nila amara at coach at saka iba ko pang ka team.

"Magaling sila, pero kailangan niyong mag tiwala sa kakayahan niyo" saad ni coach kaya mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya "Aguilando and Hernandez may tiwala ako sainyong dalawa at sa iba pang players, kaya niyo to" positibong saad ni coach.

Napalingon kami sa makakalaban namin at nagulantang ako dahil andon ang kakambal ni cosmo "T-Teka s-sino yan?" utal ni Nicole na para bang ngayon lang nakita si Celestina.

"Celestina Yssabel Perez kakambal ni Cosmo yan ang sabi nila ay sobrang galing daw niyan" saad ni Eva na ikina-kaba ko ng husto. Lumapit kami sa may net at nakipag-kamay.

Naka-ngiti lang ako sakanila at saka maya maya pa ay pumunta na kami sa pwesto at hinihintay ang pito ng referee.

Samin ang bola at Si amara nanaman ang unang titira. Pumito na ang referee at agad niya iyong hinagis pataas at sabay Palo don.

Nadepensa ng isa at hinampas naman yon ni Celestina ang kakambal ni cosmo. Agad namang nadepensehan yon ni nicole. Tinira naman ni eva ng tuwid pataas para mahampas ko ng malakas.

Yumakap sakin si Nicole ng walang naka-depensa ng bola. Ngumiti lang ako at saka bumalik sa pwesto. Ganon lang ang nangyari boung mag-damag at nag request ng special set ang Dean namin.

Tapos na ang 4th set at nanalo sila sa 2nd at 3rd nanalo naman kami sa una't pang apat. Ngayon naman ay ito na ang special set.

At sa sobrang malas ko ay ako ang taya "You can do it stella, i trust you" naka-ngiting saad ni Coach. Tumingin ako sa mga matang naka-masid sakin na para bang bawal ko silang madismaya sa pag-lalaro ko.

Nag-simula na ang laro at humingi sila ng Break. Tumingin ako sa score namin at tie yon 49 |49 eto ang pinaka-matagal na laro na naranasan ko.

Ramdam ko na ang pagod sa katawan ko. Pumito na ang referee sinyales na bumalik na sa pwesto namin at pumunta na akong gitna saka agad akong nag-taka dahil pinasok nila si bea sa team namin.

Agad naman akong tumingin kay coach "Pagod na si eva kailangan natin ng isang ka-team niyo wala na akong maasahan kundi siya lang, napag-usapan na namin ng kabilang coach at pumayag naman sila" mahabang saad ni coach.

Tumango nalang ako at ngumiti. Last one na at ilang sigundo nalang kaya pumwesto ako ng maayos. Tinira na nong kalaban yon at tinira naman ni Nicole at sabay hampas non ni amara ngunit nadepensa agad ng kalaban.

Kita ko ang pag- ngisi ni bea at bumalik nanaman samin ang bola at dahan dahang palo ni nicole "MINE!!" sigaw ko dahil alam kong baka tirahin yon ni bea ngunit sa kasamaang palad ay natira ko yon at walang naka-depensa pero bigla akong tinulak ng malakas ni bea.

'NAKITA NIYO BA?'

'TINULAK SIYA NI BEA'

'DAMN THAT GIRL WALA NGANG AMBAG'

'HALAA TIGNAN NIYO YONG PAA NI STELLA'

Sigawan at bulongan ng iba. Napangiwi ako sa sobrang sakit dahil tumama ang paa ko sa inuupan ng referee. Iyong upuan na mataas at bakal.

Tinignan ko ang buto sa paa ko at sobrang maga non agad. Don ko lang napansin na nataaman kong saan ako na injury dati. Hinawakan ko ang tuhod ko para supportahan ang paa ko.

Para akong maiiyak sa sakit dahil sobrang sakit talaga. ramdam ko ang pawis na pumapatak sa noo  ko at katawan ko pati na ang unting tulo ng luha ko.

Brave StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon