1 year later.....
Umupo ako sa sahig at pawis na pawis sa kakatakbo dahil sobrang daming pasyente at totoo nga ang chika puro Perez lang ang gumagamit ng hospital na to at diko din inexpect na marami pala ang lahi ng Perez. Ang sabi ay may Reunion daw na naganap at may naganap na barilan, grabee.
Walang bago, wala parin akong sapat na tulog. Dibale stella, Dalwang taon nalang.
Tumayo ako at tumingin sa oras. Tapos na ang duty ko kaya pumunta na ako sa office. 1week na kaming walang connection sa isat isa ni cosmo dahil marami siyang ginagawa bukod sa pag aaral ng law pero sabi niya ay baka hindi na raw niya ipagpatuloy dahil kapag nagka pamilya raw kami ay may mapapakain parin naman siya kahit papaano. Wala eh, young Chairman ba naman ng mga Perez ang mapapangasawa ko
Tapos na ang anniversary namin at walang ganap sa sobrang busy namin. nag palit na ako saka umuwi na ng bahay. Pagkapasok ko sa loob ay naligo na agad ako para makapag pahinga. nagblower, kain, then toothbtush.
isinalampak ko nalang ang boung katawan ko sa kama saka na ako naka tulog. hindi pa tumatagal ang pag tulog ko ng may naramdaman akong yumakap sakin ng mahigpit. tinitigan ko ang mukha niyang pagod na pagod. nakapang tulog na siya at halatang naligo na.
"Lets sleep, we're going somewhere tomorrow" saad niya saka niya ako hinalikan sa noo. ipinikit ko na ang mata ko at saka nakatulog na.
Kinabukasan ay lunch time na kami nagising ni cosmo. gulat rin ako ng may nakalagay sa gilid ng dalwang maleta "Saan tayo pupunta?" tanong ko habang nag huhugas na ng pinggan dahil kakatapos lang namin kumain "Secret" sagot niya.
maya maya pa ay nagpalit na ako dahil may flight ang lola niyo, aba'y hihiramin daw muna ako ng lolo niyo kaya nakapag leave ako ng tatlong araw. naka hoodie ako and shorts saka sandals lang siya naman ay t-shir na white saka brown na slacks and sapatos.
Pagkaraan ng ilang oras at nasa airport na kmi. hindi siya nagsasalita kaya napipikon na ako "may problema ba tayo?" tanong ko dahil talagang inis na inis na ako. hindi niya ako pinansin at deretso lang ang lakad.
May kinausap siyang Piloto at kinuha ang dalwa naming maleta. pagka tingin ko sa eroplano na sasakyan namin ay may naka sulat na PEREZ doon. sumakay nalang ako saka sumunod naman si cosmo.
umupo ako sa pinaka dulo at si cosmo ay di talaga ako pinapansin. Pagkarating namin ay sumakay kami sa Malaking Barko ng Perez nanaman. hindi parin niya ako kinakausap.
pagkarating namin sa Mansion ng Perez ulit rito sa Boracay ay wala parin siyang pansin. Umupo na mun ako sa sofa dahil naiiyak na ako. lumapit sakin si cosmo saka ginuyod ako papuntang kwarto. pag bukas non ay bigla akong di nakapag salita.
Punong puno ng pulang rosas, Pulang mga lobo, madaming Cake at pati yon ay pula "Belated 1st Anniversary, love" saad niya habang naka ngiti saka ako hinalikan sa noo "Bwesit ka talaga huhuhuhu" iyak ko na ikinatawa niya ng mahina. niyakap niya lang ako ng mahigpit.
"I love you since day 1, my love" malambing na saad niya saka hinalikan ako sa noo "You're too enough for me" saad niya ulit saka na nya ako sinungaban ng halik. Ang saya ng araw na to, para bang nawala lahat ng pagod sa pag aaral ko at pati na sa sarili ko. Mahal ko siya, mahal na mahal.
Itinigil lang namin ang pag hahalikan nang may tumawag sakaniya. ung sa order daw na cake. Lumabas ako sa veranda habang may ngiti sa labi, maya maya pa ay sumunod siya ng may dalang alak "Ang peaceful dito no?" saad ko. tinignan naman niya ako at ngumiti "When i'm with you, i'm at peace" nakangiti niyang saad saka niya ininom ang alak na nasa baso niya.
nasakaniya lahat ng love language, kingina di ako papayag na hindi siya ang mapapangasawa ko. sobrang galing niya sa mga matatamis na salita na kahit dumating sa point na niloko na niya ako tas sasabihin niyang hindi na mauulit? kingina siguro magiging uto uto ako.
BINABASA MO ANG
Brave Star
RomanceAng mundo ko'y parang kasing dilim ng kagubatan. Isa akong bituin sa gabi at ikaw ang buwan na nag sisilbing sandalan ko sa tuwing nang hihina ako. Paano kong umalis ka? kakayanin ko pa ba? babalik kapa ba?